Chapter 21: Reunited

323 13 0
                                    

Chapter 21: Reunited

AIRA

3 years later...

Naramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko ng marahan. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at sumalubong sakin ang nakangiting Kuya ko. Humikab ako at nag-unat ng mga braso. Kinusot ko ang mga mata ko at binalingan siya ng tingin.

"Goodmorning, Princess." Aniya. Lumapit siya sakin at mas lalong ginulo ang buhok ko. "Come on, let's eat together." Tumango na lamang ako at pinauna ko na siya. Nagtungo muna ako sa CR at naghilamos.

Lumipas ang tatlong taon at wala naman halos nagbago. Kaibigan ko pa rin sila Missy, Wendy, Josh at Lee. Excited na ako kasi makikita ko na ulit sila.

Pagkatapos kong maghilamos, lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa dinning table. Kaming dalawa lang ni Kuya August ang nandito sa bahay kasi may inaasikaso pa sila Mama at Grandparents sa Winter Palace. Umupo na ako, nagdasal muna kami saglit at nagsimula na kaming kumain.

"Ang bilis lumipas ng oras 'no?" Nakangiting sabi ni Kuya August, ngumiti na lang ako sa kaniya. 20 years old na siya ngayon. Since dito kami nakatira sa Greeve City ng isang taon, lagi siyang tambay sa gym kaya gumanda ang hubog ng katawan niya at tumangkad din siya lalo. Mabilis siyang matuto ng lenggwahe kaya't halos fluent na rin siya sa pagsasalita ng tagalog.

"Oo nga po e"

"Nagtataka lang ako kasi tambay ka rito sa bahay. Halos di ka na nga lumalabas ng kwarto mo. Tingnan mo ko, ang saya ng buhay ko rito sa siyudad. It's fun to socialize with people. I also made friends that I met at the bar last week." Napabuntong-hininga naman ako.

"Alam ba ni Mama na pumupunta ka ng bar ha?" Ngumisi naman siya at proud na tiningnan ako.

"Oo naman. Hindi niya ako pwedeng hindi payagan dahil malaki nako. Maski si Lolo at Lola alam na umiinom ako at naninigarilyo."

"Anong masaya buhay mo rito sa siyudad? Hindi healthy ang pinaggagawa mo."

"Sus inggit ka lang e. Bakit? Kasi di ka pinapayagan ni Mama na gawin ang mga bagay na ginagawa ko?" Pagkatapos ay tumawa siya. Sumimangot naman ako. Well, medyo totoo naman ang sinabi ni Kuya. Kahit na nasa tamang edad nako, pinagbabawalan pa rin ako ni Mama. Kasi prinsesa raw ako at hindi gawain ng isang prinsesa na magbar, lumaklak ng alak at humithit ng sigarilyo. Gusto kong umangal kasi e ano ang tingin niya kay Kuya August? 'Di ba prinsipe siya? Pero sumagi sa isip ko na gusto ko ring itry ang mga bagay na iyon.

"Babalik na tayo sa Winter Wonderland kaya't mabuting itigil mo na iyang masamang gawain mo."

"Anong masama ro'n? Most of the young people here in the city drink alcohol, smoke and have fun at the bar. Masyado ka kasing ignorante."

"Ano? Hindi ako ignorante 'no!"

"Ganito na lang, sa susunod, sumama ka sakin. Magbar tayo para naman maranasan mong magsaya kahit papaano. Look at your skin, your pale skin. You haven't even seen the sun yet." Tinawanan niya ulit ako kaya sinipa ko yung paa niya sa ilalim ng lamesa. Pero nacurious ako bigla sa sinabi niya.

"Totoo? Isasama mo ako next time?" Mahina kong sabi sa kaniya. Huminto siya sa pagkain at nagcross arms habang nakatingin sakin.

"Oo naman. Basta huwag mo lang sasabihin kay Mama o sa Grandparents natin kung hindi, lagot ka na sa kanila, lagot ka pa sakin. Understood?" Tumango naman ako nang marahan.

"Hindi ka ba nahihiya sa mga tao roon?"

"At bakit naman ako mahihiya? E kasabayan ko lang naman ng edad yung iba. Tsaka masaya sila kasama. No'ng nagbar kami ng kaibigan ko last week, ang daming chicks." Natawa siya ng bahagya at lumagok ng tubig.

Winter Wonderland: The Powerful Locket (Completed | Revising)Where stories live. Discover now