Chapter 33: The Unforgettable Kiss

161 13 1
                                    

Chapter 33: Unforgettable Kiss

AIRA

Pagkatapos naming mag-hapunan, pumunta na kami sa sarili naming mga kwarto. Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko, kaagad akong humilata sa kama. Habang nag-uusap kami kanina ni Josh, kitang-kita ko ang napansin kong malungkot si Wendy.

Siguro, gusto niya pa rin si Josh hanggang ngayon. Hinihiling ko nga na sana... si Wendy na lang ang nagustuhan ni Josh. Lahat gagawin ko, maging masaya lang ang kaibigan ko. Teka, kamusta na kaya si Lee?

Naisipan kong lumabas ng kwarto at pinuntahan ko si Lee sa kwarto niya. Pagdating ko, nakita ko siyang mahimbing na natutulog at mukhang kakaalis lang ng mga healer agent. Umupo ako sa tabi ni Lee. Tinitigan ko lang siya, may kapangyarihan pa kaya siyang natitira sa katawan niya?

Hinawakan ko ang buhok niya at hinimas iyon. Natatakot akong mamatay ang isa sa mga kaibigan ko. Masyado na kaming maraming pinagdaanan, sama-sama naming hinarap ang problema at pagsubok na dumating pero ito kami ngayon. Buong-buo pa rin. I love this group so much.

"I know you can hear me, so get well soon, okay?" I smiled sadly.

Bakit ganito? Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok? Masyado ng marami ang nangyari kanina, pero hindi pa rin ako napapagod.

"Lee, aalis muna ako. May pupuntahan lang ako." Hinalikan ko siya sa noo at lumabas na ako ng kwarto niya. Tahimik lang akong naglakad papunta sa rooftop. Pagkarating ko, sumandal lang ako sa fence habang pinagmamasdan ang kumikinang na buong Winter Wonderland.

Habang tumatagal, hindi na rin ako nakakaramdam ng malamig na klima rito. Sanay na siguro ako kaya parang normal lang ang temperatura rito. Tumingin ako sa kalangitan at tinitigan ang malaki at bilog na bilog na buwan.

Marami na kayang nagbago sa Mirfield? Namimiss ko na ang maliit naming bahay do'n. Namimiss ko rin ang maliit kong kwarto, namimiss ko ring yakapin ang mga maliliit kong stuff toys kapag matutulog na ako.

Siguro, boring ang buhay ko kung normal na tao lang ako. Sabihin na nating, normal kaming lahat pero may kakayahan kami na hindi kayang gawin ng ibang tao. Bata pa lang ako, hindi ko pinapangarap na magkaroon ng pambihirang kapangyarihan.

Hindi ko talaga alam na may kapangyarihan sila Mama, Lolo at Lola. Tapos, nalaman ko rin na may Kuya akong Earth Manipulator. Masaya pa lang maging kakaiba sa mga ordinaryong tao. I know a lot has changed now, so I'll just accept in my heart that... we're living in a fantasy world.

Alam kong masaya na ako sa kung anong meron ako ngayon pero, feeling ko may kulang pa rin. At iyon ay ang Papa ko, hindi ko aakalaing magiging masama siya.

Napabuntong-hininga na lang ako. Bakit parang ang kumplikado ng nalalaman ko? Naguguluhan na talaga ako. Pinanood ko lang na unti-unting mamatay ang bawat ilaw sa bawat bahay, tanda na matutulog na sila. Muntik na akong mapatalon nang makarinig ako ng boses.

"Can't sleep?" I glanced at who spoke and saw Josh. He leaned against the fence and looked at me.

"Yeah, sleep hasn't visited me yet," I replied, and he nodded.

"What are you doing here on the rooftop?" he asked again.

"Just chilling, getting some fresh air. And you? Can't sleep either?"

"Yeah."

"So, what brings you here?"

"I was looking for you in your room but couldn't find you there, so I searched until I found you here on the rooftop." I just nodded, avoiding eye contact with him.

"Josh, simula no'ng bata ka pa lang. Ipinanganak ka na talagang may kapangyarihan?" Tanong ko.

"Well, I was just a normal person when I was a kid, but then one night my parents talked to me. I couldn't understand them; I couldn't grasp what they were saying about magic, power abilities, and other things. Tapos kinabukasan, nag-impake sila ng mga gamit namin at sinabi nilang lilipat na raw kami ng bahay. Na-excite naman ako no'n kaya tumulong ako sa pag-iimpake ng gamit namin. Tapos sumakay kami sa isang pamilyar na tren. The train we rode felt familiar to me because it seemed like I had seen it in my dreams. Tinanong ko nga ang parents ko kung papunta kaming ibang bansa e. Hanggang sa, nakarating ako rito sa Winter Wonderland. Napansin ko na lang na parang may nangyayaring pagbabago sa kinikilos ko. One day, I reached for the glass on the table. I was really thirsty at that time because of playing so much. But before I could even touch the glass, a strong gust of wind suddenly came out of my hand, causing the glass to fly off. That's when I learned everything about Winter Wonderland. I possess power," he narrated.

Winter Wonderland: The Powerful Locket (Completed | Revising)Where stories live. Discover now