Chapter 25: Minerva's Powerful Locket

191 12 0
                                    

Chapter 25: Minerva's Powerful Locket

AIRA

Isang linggo na ang nakalipas, and thanked god kasi nakabalik naman kami sa Winter Wonderland nang maayos. Tapos kanina, pinagalitan at sinermonan ako nila Lolo, Lola at ni Mama. Isama mo na rin si Kuya, grabe sila kanina sakin. Galit na galit sila sakin habang sinesermonan ako, pero ayos lang naman sakin kasi masyado talaga silang nag-alala.

"Aira, ayos ka lang ba? Kanina ka pa kasi diyan tahimik." Nilingon ko si Wendy na nakaupo sa sofa kasama si Missy. Umiling na lang ako at ngumiti.

"Oo, ayos lang ako." Sagot ko.

"Pero sa pinapakita mo, you look not. May problema ka ba? Just tell us." Sabi naman ni Missy.

"Wala nga akong problema. Anyway, hindi pa ba kayo pupunta sa rooftop para mag-ensayo?"

"Actually, pupunta na kami do'n, hinihintay ka lang namin. Sabay-sabay na tayong pumunta do'n." Tumango na lang ako at nagbihis. Hindi pa rin talaga maalis sa isipan ko na ang Zachary pala na kinamumuhian ko ay ang Papa ko.

Pagkatapos kong maghanda ay sabay-sabay kaming lumabas sa kwarto ko at nagtungo sa rooftop na battlefield namin. Pagdating namin do'n ay nakita namin si Josh, Lee at si Kuya August na seryosong nag-eensayo. Napahinto lang sila sa paglalaban nang makita na nila kami. Lumapit naman sila samin.

"Ang tagal niyo naman." Sabi ni Kuya.

"Wow, ikaw kaya ang nagsabi samin na sunduin si Aira! Edi dapat kayo na lang sumundo sa kaniya para mabilis." Inis na sabi ni Missy, napangiti ako nang palihim. Magkaaway ang loveteam. Gusto kong matawa pero pinigilan ko.

"E pumayag naman kayo na kayo na ang magsundo sa kaniya. Pero okay lang, lagi namang mabagal kumilos ang mga babae." Sabi ni Kuya at tumabi kay Lee.

"Tss, kami raw ang mabagal." Bulong ni Missy.

"Ewan ko sa inyong dalawa, lovers quarrel?" Sabi naman ni Josh. Kagaad naman na tiningnan ng masama si Josh ni Kuya tsaka ni Missy. Tumabi naman sakin si Lee at inakbayan ako. Ngumiti na lang ako sa kaniya.

"Laban tayo?" Nakangiti niyang tanong, tumango na lang ako. Pupunta pa lang kami sa gitna ng battlefield nang magsalita si Josh.

"Hoy! Kayong dalawa na naman ang magkasama?" Inis na tanong niya. Tiningnan naman kami nila Kuya, Missy at Wendy.

"Oo, bakit masama ba?" Tanong ko, tinitigan naman ako ni Josh nang seryoso. Nakipagsukatan din ako ng titig sa kaniya. Masama ba na maging kasama ko si Lee? Sabay kaming umiwas ng tingin nang may marinig kaming nagfake cough.

"Ehem..."

"Pwede bang si Wendy naman ang partner mo Lee?" Sabi ni Josh, tiningnan ko naman si Lee at ngumiti nang mapait.

"P-pwede naman, kung ayos lang sa kaniya." Tiningnan naman namin si Wendy. Ngumiti lang siya samin at tumango.

"E iyon naman pala e. Edi ikaw na lang Aira ang partner ko--" pinutol ko ang sasabihin ni Josh.

"Sorry pero ang partner ko ay si Kuya August, partner na lang kayo ni Missy." Sabi ko, pinandilatan ako nang mata ni Josh. Tss, as if I was scared of him. Tumango naman si Missy.

"Oo nga naman, tayo na lang Josh ang partner. Ayaw kong ma-highblood sa isang earth manipulator diyan." Natawa na lang ako sa sinabi ni Missy, tiningnan naman siya ni Kuya August.

"Ako ba ang pinaparinggan mo?" Inis na tanong ni Kuya kay Missy, ngumisi lang si Missy.

"Obvious ba? E sino ba ang Earth Manipulator sa grupo natin? 'Di ba ikaw lang naman kaya ikaw ang tinutukoy ko. Ang slow mo naman." Nakita kong nag-iba ang itsura ni Kuya.

Winter Wonderland: The Powerful Locket (Completed | Revising)Where stories live. Discover now