Chapter 38: Prince Of Dark Wonderland

187 9 0
                                    

Chapter 38: Prince Of Dark Wonderland

AIRA

Nandito na naman kaming magkakaibigan sa Battlefield sa rooftop ng Winter Palace. Lima lang kami ngayon kasi hindi namin kasama sa pagsasanay si Missy. Kasama niya kasi si Master Nhika at nagsasanay sila sa tuktok ng Winter Mountain.

"Aira, focus sa training... huwag sakin." Tiningnan ko naman si Josh na ngayon ay inaasar ako. Napangiti na lang ako at tiningnan ko na ulit si Master Azhuro.

Kinakabahan ako nang huminto ang tingin sakin ni Master. Pumwesto ako sa kinatatayuan ko. Kailangan kong maging alerto lagi dahil hindi ko alam kung kailan siya aatake. Pinanood ko lang si Master na palutangin sa ere ang dosena ng tubig at inatake niya ako no'n. Kaagad naman akong tumalon nang mataas at nakaiwas naman ako.

Gumawa ng Ice Blades si Master at pinatamaan niya sila Wendy at Kuya August. Ginamit ni Kuya August ang sahig para kontrolin iyon at ginawa niya iyong pananggalang. Si Wendy naman ay pinahinto ang mga Ice Blades at tinunaw ang mga iyon.

Inatake naman ni Josh si Master, ginamit ni Master ang dosena ng tubig at dinepensahan ang sarili niya. Nagulat ako nang maging galamay ang dosena ng tubig. Kinontrol ni Master ang galamay na tubig at pumulupot iyon sa aking katawan. Medyo nahirapan akong huminga kasi nasasakal na ang katawan ko.

"H-help!" Sabi ko sa kanila. Inatake ni Kuya August, Wendy at ni Josh si Master. Kaagad naman na lumapit sakin si Lee at ginamit niya ang apoy para mawala ang nakapalibot saking tubig. Para akong nanghina at napayakap na lang ako kay Lee. Nakakahinga na rin ako ngayon nang maayos.

"You okay?" Nag-aalala niyang tanong. Tiningnan ko naman siya.

"A little bit, but I'm already fine," I replied, then I broke away from the hug. Binaling namin ang tingin namin kay Master na ngayon ay inaatake nila Wendy. Nagkatinginan kami ni Josh, seryoso lang ang mukha niya. Alam ko na kung bakit nakatitig siya sakin.

Binalewala ko na lang ang titig niya at tinulungan ko sila Kuya August na atakihin si Master Azhuro.

***

"Aira, may naiisip ka bang plano kung paano natin mapapatumba ang Dark Wonderland?" Biglang tanong sakin ni Josh. Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya. Paano nga ba namin mapapatumba ang Dark Wonderland? Weakness ang sagot. Pero, ano ba ang kahinaan ng Dark Wonderland?

"Siguro, dahil sa mga kahinaan nila. Sa tingin mo, what's their weaknesses?" Tinitigan niya naman ako saglit bago umiwas ng tingin. Pinanood ko lang siya na himasin ang baba niya. Hindi ko rin kasi alam ang kahinaan nila.

"I don't know what are those but we need to know about that as early as we can." Seryoso niyang sabi. Dahan-dahan naman akong tumango bilang pagsang-ayon. Sasabihin na lang namin kila Kuya August ang plano namin ni Josh. Humiga na lang ako sa kama.

"Can I overnight here?" Tiningnan ko naman si Josh na ang lawak ng ngiti.

"No," sagot ko na nagpawala ng ngiti niya. Natulog na kaya siya rito ng isang beses kaya sa tingin ay sapat na iyon. Once is enough. Baka mamihasa pa siya kapag pinagbigyan ko pa siya. Bakas sa mukha niya ang lungkot.

"Aira naman, payagan mo na ako." Pagmamaktol niya.

"Ayoko nga. Bumalik ka na nga do'n sa kwarto mo at matulog. Maaga pa tayo bukas." Umupo naman siya sa kama at nginitian ako nang nakakaloko. Bigla akong kinabahan.

"But before I go, where's my kiss?" Nakangisi niyang sabi. Inirapan ko na lang siya.

"Kapag hindi ka pa lumabas sa kwarto k—" nagulat ako nang bigla niya akong halikan sa labi. Pero kaagad din naman siyang lumayo. Tumayo na siya at nginitian ako nang malapad. Ang bilis ng tibok ng puso ko. How dare he!

Winter Wonderland: The Powerful Locket (Completed | Revising)Where stories live. Discover now