Chapter 39: The Truth

140 8 0
                                    

Chapter 39: The Truth

AIRA

Patuloy lang ako sa pag-iyak. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa oras na ito. Tahimik lang akong umiiyak sa edge ng kama ko habang si Mama Chyna naman ay nakaupo sa mini sofa.

"Aira...humihanon ka muna." Binalewala ko ang pagpapakiusap ni Mama bagkus ay tinanong ko siya.

"Ma, ano ang sinasabi ni Kuya August na sikreto niyo? Ano?"

Hindi na talaga ako makapaghintay at gusto ko na talagang malaman ang katotohanan. Pinahid ko ang mga luha ko upang makita ko nang maayos si Mama.

"Aira...alam kong may mga bagay pa rin akong nililihim sayo. Hindi ko naman intensyon na ilihim sayo ang tungkol sa ama mo at kay----"

"K-kapatid ko ba si Lukas? Y-yung prinsipe ng Dark Wonderland? At ang ama ko ba ay si Zachary? Ma, sagutin mo ang tanong ko!"

Naluluha na rin siya habang nakatingin sakin. Tila tumigil ang mundo ko nang makita ko siyang dahan-dahan na tumango. Mas lalo pa kong napahagulgol ng iyak. Kumuyom ang mga kamao ko.

"M-ma, sabihin mo sakin na hindi 'yan totoo...nakikiusap ako. H-hindi yan totoo!"

"Aira...alam kong galit ka ngayon pero makinig ka muna sakin ng mabuti. Sana maintindihan mo na ginawa ko ang lahat ng 'to para sayo, para sa kaligtasan mo. Kaya pilit kitang inilalayo sa lugar na 'to kasi natatakot ako na baka kapag nalaman mo ang totoo----"

"Tangina naman! Puro na lang kaligtasan ko ang iniisip mo, Ma. Nu'ng una akala ko patay na si Papa, kinaya ko pang tanggapin 'yung nalaman kong buhay pa siya e tsaka nung nalaman kong kay Kuya ako. Pero ito? Ang malaman na ang tatay ko at ang isa ko pang Kuya ay mga darkerian? This is bullshit."

Sabay kaming umiiyak ni Mama. Sa totoo lang ayoko siyang nakikita na umiiyak kasi nasasaktan ako pero paano naman akong pinagmukhang tanga at walang kaalam-alam?

"P-paano nangyari ang lahat ng 'to?" Kumalma na 'ko at mahinahon na 'ko kung nagsalita. Tinitigan ko si Mama, nakayuko lang siya habang pinupunasan ang kaniyang luha.

"Noon pa lang, dito na kami nakatira ng Papa mo sa Winter Wonderland. Kambal sina Lukas at August. Ngunit sa loob ng isang linggo na iniluwal ko ang kambal, dinakip ng mga darkerian si Lukas. Ginawa namin ang lahat para mahanap at mabawi ulit si Lukas ngunit nabigo kami ng papa mo. N-nawalan na 'ko ng pag-asa na makikita ko pang muli ang anak kong si Lukas."

Tahimik lamang akong nakikinig kay Mama habang iniintinding mabuti ang bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig.

"2 years later, nagdadalang-tao ulit ako, at ikaw Aira ang nasa sinapupunan ko. Natatakot akong baka maulit-ulit ang nangyari, natatakot ako na baka kunin ka rin ng mga darkerian mula sakin. Nilamon ako ng anxiety at trauma kaya't para sa ikapapanatag ng isip ko, nagdecide akong mamuhay sa payapang mundo ng mga ordinaryong tao. Tinalikuran ko ang pagiging reyna para sayo. Pilit kong isinasama si August ngunit di pumayag si Zachary kaya't nanatili sila roon sa Winter Wonderland. Dumaan ang anim na taon at nakwento sakin ng grandparents mo na nagpunta ang Papa mo sa Dark Wonderland, nagbabaka-sakaling buhay pa ang anak naming si Lukas. Pero di na siya nakabalik at nalaman ko na lang na naging masama siya at naging kaanib ng mga darkerian. Nang malaman ko ang tungkol don, gusto kong bumalik sa Winter Wonderland pero natatakot ako at ayaw kitang isama Aira kasi isa kang wernal. Once na makarating ka sa Winter Wonderland, magkakaroon ka ng kapangyarihan, ang bagay na ayokong mangyari. Gusto kong maging normal ka lang din na tao kaya't inilihim ko ang lahat ng 'to. Si August naman ay lumaki rito sa Winter Wonderland kasama ang grandparents mo."

Pinunasan ni Mama ang mga luha ko at hinawakan niya ang dalawa kong kamay. Tila ba nakakita ako ng maliit na liwanag mula sa madilim na lugar. Unti-unti ko ng naiintindihan ang lahat at kung paano nangyari ang mga bagay na 'to. Nalinawan na 'ko at ngayon ay alam ko na ang totoo.

Winter Wonderland: The Powerful Locket (Completed | Revising)Where stories live. Discover now