Chapter 23: The Power Larcenist

223 12 0
                                    

Chapter 23: The Power Larcenist

AIRA

Nagising akong suot ang Violet Crystal Gown, prinsesang-prinsesa na talaga ang dating ko. Nagtungo ako sa full-length mirror at nakita kong gulo-gulo ang buhok ko. Binuksan ko ang drawer at kinuha ang suklay. Sinuklay ko lang ang buhok ko. At napagpasyahan kong maligo, pagkatapos lumabas na ako sa kwarto ko at naglakad sa hallway.

"Good morning, mahal na prinsesa." Sabi ng isang kasambahay at nag-bow sa harap ko. Napangiti naman ako.

"Naku, hindi niyo naman po kailangang magbow sakin." Nakangiti kong sabi.

"Gustuhin ko man, hindi po maaari. Nararapat lamang po na magbigay-galang kami sa inyo mahal na prinsesa."

Nginitian ko na lang siya at umalis. Ang ganda talaga ng gising ko kanina. Para akong natulog magdamag sa cloud nine. Habang naglalakad ay nakita ko naman si Missy na iba ang suot.

"Missy, bakit ganiyan ang suot mo? 'Di ba dapat nakasuot ka rin ng ballgown?" Nagtataka kong tanong.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko ng ganiyan. Bakit nakasuot ka pa ng ballgown? May training tayo ngayon kasama si Master Azhuro sa rooftop ng palasyo."

Oh no! Lagot na ako, bakit nakalimutan kong may training pala kami ngayon with Master?

Kaagad ulit akong nagtungo sa kwarto ko at nagpalit ng damit, nagsuot ako ng damit na pangbattle outfit. Black leather suit ang sinuot ko with matching violet designs. Nakakatuwa kasi fit na fit 'to sa katawan ko at komportable 'tong suotin. May nakita akong black leather boots na hindi naman gaanong kahaba kaya iyon na lang din ang sinuot ko para bagay sa suit ko. Nagponytail din ako. Pagkalabas ko sa kwarto, nakita ko naman maid na may dalang tray ng pagkain.

"Mahal na prinsesa, kumain po muna kayo ng almusal." Aniya.

"Mamaya na lang po ako kakain."

Ginamit ko ang kapangyarihan ko at naglagay ng force field sa ilalim ng paa ko at mabilis na lumipad patungo sa rooftop. Lumapag na ako sa sahig. at nakita ko silang lahat na nakatingin sakin.

"Bakit ngayon ka lang, Princess Aira?" Tanong ni Master Azhuro at lumapit sakin, kaagad naman akong nag-bow bilang paggalang.

"Sorry po, Master. Hindi na po mauulit." Ngumiti lang ito sakin, kaming anim ay nakapang-battle outfit. Lumapit naman ako kila Missy at Wendy. Nagtungo si Master Azhuro sa pinakadulo ng rooftop at kami namang anim sa kabilang banda. Pumwesto na kaming anim.

Inatake kami ni Master Azhuro ng malaking dosena ng tubig, kaya naman ay kaagad kaming nagkahiwa-hiwalay. Kinabahan ako nang muntik na akong mahulog. Mabuti na lang talaga at may fence sa gilid ng rooftop na umaabot hanggang sa bewang ko. Gumawa ng napakaraming ice blades si Master at inatake si Wendy. Nang papalapit na kay Wendy ang mga ice blades ni Master, itinutok niya ang kamay sa mga iyon at huminto iyon. Ginalaw ni Wendy ang kamay niya at umikot ang mga ice blades ni Master. Inatake ni Wendy si Master gamit ang ice bladed.

When ice blades hits Master Azhuro, Master use his hand to melt the ice and control it. He attacked the blazing fire of Lee using a dozen of water and it disappeared. I saw Josh flying and he blew up Master Azhuro using the strong force of wind. Master Azhuro expelled.

This time, I attacked Master Azhuro using the Force Field power and he expelled again. I looked at Josh by my side.

"Ang ganda mo, mahal na prinsesa." Pang-aasar niya at inirapan ko na lang siya. I was shock when dozens of water hit me and my back hits the fence. I moaned angrily when it hurts.

"Okay ka lang, Aira?" Tanong ni Missy at tinulungan akong makatayo. Umiling naman ako bilang tugon at inatake niya si Master Azhuro. Pinanood ko lang sila na labanan si Master.

Winter Wonderland: The Powerful Locket (Completed | Revising)Where stories live. Discover now