Chapter 24: Behind That Mask

182 10 0
                                    

Chapter 24: Behind That Mask

AIRA

Gabing-gabi na ngayon at hindi pa rin ako dinadalaw ng antok, gising na gising pa rin ang diwa ko. Nakasuot na ako ngayon Violet Crystal Gown habang nakaupo ako sa queen-size bed ko. Hindi ko talaga makalimutan ang Zachary na iyon, gustong-gusto ko siyang saktan nang paulit-ulit pero hindi ko magawa.

May binabalak nga akong plano e, ang plano kasi ay tumakas sa Winter Palace at sa Winter Wonderland. Tapos, isasama ko si Kiara at pupunta kami sa Dark Wonderland. Gusto kong makuha ang gauntlet no'ng Zachary na iyon para kahit papaano, tumigil na siya sa pagnanakaw ng mga kapangyarihan. Alam kong hindi lang ganon kasimple 'yun.

"Hindi ka pa tulog?" Napatingin ako sa pumasok sa kwarto ko, and there I saw Kuya August smirking at me. Lumapit ito sakin at umupo sa tabi ko.

"Sa tingin mo?" Sagot ko sa tanong niya, tumawa naman ito nang bahagya.

"Ang sungit naman ah."

"Anong kailangan mo?" Bored kong tanong.

"Nandito ako para bantayan ka, alam kong may iniisip kang plano simula nang makauwi tayo dito. Of course, as your older brother, I won't permit you to pursue that foolish plan." Kaagad ko naman siyang siniko pero tumawa lang ito.

"Can I just bring you along with my plan, Kuya? I want to go back to Dark Wonderland. And please don't tell Josh about our plan tonight. Please?"

"I don't want to, you will stay here at the Winter Palace and you won't go to Dark Wonderland. Understood?" I just gave him a glare.

"Lumabas ka na nga sa kwarto ko." Sabi ko habang tinutulak siya, tumawatawa lang ito pero nakaupo pa rin ito sa kama ko.

"Bakit naman?" Tanong niya.

"Matutulog na kasi ako Kuya!" Sigaw ko sa kaniya, tumawa lang ito. Kinuha niya ang isang unan at humiga sa sofa. Kumunot naman ang noo ko.

"Ayoko, dito ako matutulog sa kwarto mo. Hindi ako sanay na walang kasama e." Napairap na lang ako sa kaniya at humiga sa kama. Napansin kong ang ganda ng suot ni Kuya August, para siyang isang prinsipe. Ang gwapo niya nga sa suot niya e, gano'n din ang suot nila Lee at Josh.

"Ewan ko sayo, matulog ka na nga lang diyan." Tumagilid ako ng higa at ipinikit ang mga mata. Naiinis ako, gusto kong gawin ang plano ko pero pinipigilan lang ako ni Kuya. Ano kaya kung ikulong ko siya sa Force Field ko tapos mabilis akong tatakas? Pwede na rin, haay. Bukas ko na lang gagawin ang plano ko.

***

"Hoy! Saan ka pupunta?" Dahan-dahan akong tumingin sa likuran ko at nakita ko si Kuya August na nagtatakang nakatingin sakin. Binitawan ko na ang doorknob.

"W-wala, maglilibot lang ako sa buong palasyo. Bakit masama ba?" Tanong ko sa kaniya, tiningnan niya lang ako na para bang iniisip niya kung ano ang nasa isip ko. Kumunot ang noo nito.

"No, you can't go to Dark Wonderland. Stop being stubborn, do you want me to tell Mom about your plan?" He threatened, making me grimace. I approached him and held his hand.

"Kuya, please. Hayaan mo lang ako na gawin ang plano ko, hindi ko naman 'to ginagawa para sakin e, ginagawa ko 'to para sa mga Winterian na ginawang alipin ni Zachary." Pagmamakaawa ko sa kaniya.

"But your plan is too risky, what if the Darkerians catch you? What if Zachary steals your Power Ability? Think about it!" His voice was getting louder.

"But--"

"No buts, Aira. It's still early so just go back to sleep, if you're expecting me to sleep in my room. You're mistaken, because I'll be keeping an eye on you." He said, angrily putting my backpack in the closet and laying down abruptly.

Winter Wonderland: The Powerful Locket (Completed | Revising)Where stories live. Discover now