Chapter 35: Forbidden Technique

152 10 0
                                    

Chapter 35: Forbidden Technique

AIRA

Nagtungo ako sa ikalawang palapag, napahinto ako sa paglalakad sa hallway nang makarinig ako ng nag-uusap sa isang kwarto. Kaagad naman akong lumapit sa pinto at idinikit ko ang mga tenga ko.

"What? How did it disappear? Wasn't the book in your possession?" From her voice alone, I knew it was Lola Georgia. Which book was she referring to? I continued to listen.

"I don't know, I've tried summoning the book several times but nothing comes out. I'm sure someone took the book in another way," Lolo Greg replied.

Ano ba kasi ang pinag-uusapan nila? Bubuksan ko sana ang pinto pero napahinto ako dahil sa naramdaman kong pwersa sa aking katawan. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Wendy na pinipigilan ako gamit ang kaniyang kapangyarihan.

"Anong ginagawa mo, Aira?" Takang tanong niya. Inalis niya na ang pwersa na bumabalot sa aking katawan.

"A-ah, mukhang may problema 'ata sila Lolo at Lola e. Gusto ko sana silang kausapin." Nilapitan naman ako ni Wendy at hinawakan ang kamay ko. Bigla akong kinabahan. Parang may kakaiba sa paraan ng paghawak niya.

"Huwag na, masamang sumingit sa usapan ng mga matatanda."

Hinila niya ako sa kung saan. Habang naglalakad kami sa pasilyo, nakita kong parang kakaiba ang dinaraanan namin. Parang bago lang sa paningin ko ang hallway na 'to.

"Wendy, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko. Ngumiti naman siya sakin.

"Basta, malalaman mo rin mamaya." Napabuntong-hininga na lang ako.

Huminto na kami sa paglalakad. Ngayon ay nakaharap kami sa isang pader. Wala ng madadaanan dito kaya pader ang bumungad samin. Ginamit ni Wendy ang kapangyarihan niya, nagulat ako nang biglang nawasak ang pader at nakakita kami ng isang pinto.

"W-Wendy—"

"Tara na, baka may makakita pa satin e." Pinihit niya ang doorknob at binukas ang pinto. Kaagad naman kaming pumasok sa loob. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Para akong nag-aalala sa isang bagay.

"Wendy, baka may makakita sa nawasak na pader." Sabi ko. Ngumiti naman siya sakin.

"Don't worry, babalik din iyan sa original form." Sabi niya pa.

Inilibot ko ang paningin sa paligid. Narinig kong pinagpitik ni Wendy ang dalawang daliri niya at biglang nagkaroon ng mga kumikinang na glitters sa buong paligid. Hindi lang basta glitters ang mga iyon dahil nagliliwanag ang mga iyon.

Naglakad lang kami nang naglakad. Nakakita ako ng mga bookshelves, kada bookshelves ay mga labels na nakalagay. Naagaw ng atensyon ko ang shelf sa may Forbidden Books of Techniques. Ang weird. Bakit walang libro maski isa ang nakalagay sa shelves?

"Aira, come on, I have something to show you." I immediately followed Wendy. We walked and walked until we came across a long table.

I was amazed to see various peculiar tools and weapons. There were Magic Wands. Wendy and I sat down, and she placed the book she was holding on the table.

"Wendy, anong gagawin natin diyan?" Tanong ko. Ngumiti naman siya nang kakaiba.

"Manuod ka na lang."

Katulad ng sinabi niya ay pinanood ko lang siya. Binukas niya ang isang lumang libro. Ginamit niya ang kapangyarihan niya para palutangin ang isang Magic Wands hanggang sa mahawakan niya na iyon. Binaling niya ang tingin sa libro at inilipat sa ibang pahina.

Hindi ko maintindihan ang binasa ni Wendy sa libro. Binasa niya lang ng paulit-ulit ang kakaibang lenggwahe hanggang sa magliwanag ang tip ng Magic Wand. Napangiti naman si Wendy at mabilis niyang iwinasiwas sa ere ang Magic Wand at may lumabas doon na liwanag.

Winter Wonderland: The Powerful Locket (Completed | Revising)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن