Chapter 40: Confrontation

158 10 0
                                    

Chapter 40: Confrontation

AIRA

2 weeks had passed at gano'n pa rin ang routine namin. Puro training lang kami. Katulad ngayon, nandito ulit kami sa rooftop at nagtre-training. Aaminin kong mas lumakas ang bawat miyembro ng Hexad Group maliban lang sakin.

Lahat sila ay kaya ng kontrolin ang mga sarili nila once na makapunta sila sa sarili nilang Spirit State. At sa tuwing ginagawa nila iyon, mas lalo pang lumalakas ang bawat abilidad nila.

Ako na lang ang hindi pa nakakapunta sa sariling Spirit State na ipinagtataka naman nila Master. Ang sabi kasi nila, once na maging legal age ka na, magagawa mo ng makapunta sa sarili mong Spirit State. Ngunit kailangan daw ng matinding pag-eensayo para makontrol mo ito ng maayos dahil masyado raw 'yung delikado lalo't kapag naubos ang mana energy mo at nasa Spiritual State ka pa rin.

"Space out ka na naman," tiningnan ko naman si Lee. "Muntik ka ng matamaan ng soul attack ni Missy. Bakit ba tulala ka riyan?"

"Sorry." Iyon na lang ang nasabi ko. Natawa naman siya nang mahina at inakbayan na lang ako.

"Gusto mong magpahinga muna? Mukhang wala kang ganang magtraining ha."

"Siguro nga..." Aalis pa lang kami ni Lee nang biglang magteleport si Josh sa harapan namin kaya napahinto kami. Kunot ang noo ni Josh at salubong ang kilay niya. Alam kong galit na naman siya. Tss.

"Saan kayo pupunta?" Mariin nitong tanong, napadako ang tingin ni Josh sa nakaakbay na kamay ni Lee sakin. Nagkatinginan kami ni Lee at nginitian niya na lang ako. Magsasalita pa sana siya pero inunahan na siya ni Josh.

"Get away from my girlfriend."

Nanlilisik na ngayon ang mga mata ni Josh habang nakatitig kay Lee. Dahan-dahang inalis ni Lee ang kamay niya na naka-akbay sa balikat ko.

"Fine. Hanggang ngayon ba naman pinagseselosan mo pa rin ako, Josh? Tsaka, bakit ka ba nagagalit sakin? Kaibigan lang naman ako ni Aira e at wala ng hihigit pa roon." Nakangiting sabi ni Lee.

"Siguraduhin mo lang, Lee. Hindi mo ako gugustuhing magalit." Hinawakan ni Josh ang kamay ko at umalis na kami sa rooftop. Hindi ko namamalayang nandito na pala kami sa kwarto ni Josh. Nakaupo lang kami sa kama.

"Anong problema mo?" Tanong niya. Biglang nanikip ang dibdib ko, gusto kong maiyak ngayon sa harapan niya pero pinigilan ko lang siya.

Nanumbalik sa isipan ko na makakalaban ko, namin sa war sina Kuya Lukas at si Papa Zachary.

"Wala, masyado lang akong napagod sa training." Sagot ko. Hinawakan niya ang kamay ko. Dahan-dahang lumapit si Josh sakin at hinalikan niya ako sa labi. Pero kaagad din naman siyang lumayo.

"Huwag kang mag-alala, nandito lang kaming lahat para sayo. Everything's gonna be alright. Okay?" Pagkatapos ay hinalikan niya ulit ako. Sa oras na ito, wala akong ibang nagawa kung hindi ay ang tumugon sa bawat halik na binibigay ni Josh.

***

"Gutom ka na baby ko?" Tanong ko kay Kiara—ang alaga kong aso. Tumahol naman ito sakin at kaagad akong dinamba. Natawa na lang ako. Humiga ako sa kama at niyakap ko si Kiara.

"Tumataba ka na, mag-diet ka naman. Minu-minuto kumakain ka. Kakakain mo lang ha."

Dinilaan ulit ako ni Kiara sa pisngi, natawa na lang ako. Patuloy lang kaming naglalaro nang makarinig ako ng isang boses. Binitawan ko si Kiara at tiningnan kung sino ang nakasandal sa pinto.

"M-Missy?"

Kinabahan ako nang makita ko ang seryoso niyang mukha. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko talaga nagugustuhan ang mangyayari kapag ganiyan kaseryoso ang mukha niya. Kaagad akong bumangon at nilapitan siya.

Winter Wonderland: The Powerful Locket (Completed | Revising)Where stories live. Discover now