Chapter 3: The Chase

1.9K 43 2
                                    

AIRA

"Hindi ka ba nahihiya? Pinaglalakad mo ang prinsesa." Mahinang sabi ni Lee kay Josh. Nandito lang ako sa likod nila habang naglalakad.

"'Di ba ang sabi ko pagod ako?"

"We should have just teleported. We would've been there in five seconds. You prefer to be dramatic," he said.

I suddenly felt guilty. They've been arguing because of me since earlier. I can't blame Josh, he must be really tired. Hindi naman siguro madaling magturo ng mga bata kung paano gamitin nang maayos ang kapangyarihan nila. Siguradong kailangan 'yon ng mahabang pasensya. Naiimagine ko tuloy na nagtuturo si Josh ta's nagkakagulo ang mga bata at maingay. Kung ako lang siya, hindi ko kakayanin 'yon at baka umiyak na lang ako haha.

"Ang sakit ng buong katawan ko. I can't even use my power right now." Sambit ni Josh.

"Sus, nagpapalusot ka lang. Pwede mo naman sabihing ayaw mo."

"Kung gusto niyo, gumamit na lang tayo ng transportasyon. Merong sakayan ng winged carriage riyan lang sa malapit."

"Tsaka mo pa naisip 'yan kung kailan malapit na tayo sa pupuntahan natin."

Pumagitna ako sa kanilang dalawa habang patuloy kaming naglalakad. "Pwede bang huwag na kayong mag-away? Ayos lang ako."

"Sa susunod, magteteleport na talaga tayo. Pagod lang talaga ako. Pasensya na ha?" Sabi ni Josh at ngumiti nang pilit.

"No, it's okay. I don't mind." Sinuklian ko siya nang ngiti pagkatapos ay tiningnan ko naman si Lee. "Ikaw naman, ang kulit-kulit mo. Alam mong pagod na 'yung tao ta's pipilitin mo pang gumamit ng kapangyarihan. Kalma ka lang at hayaan mo munang magpahinga 'tong kaibigan mo."

Matapos ang ilang minutong paglalakad, huminto na rin kami. Aaminin kong ang sakit na ng paa ko at pagod na rin ako pero ayoko na lang umangal. Ginusto kong sumama sa kanila kaya hindi dapat ako nag-iinarte.

Malamig dito sa Winter Wonderland pero tumutulo ang pawis ko mula sa noo. Feeling ko nga lumaki ang muscles ko sa binti. Sobrang layo ba naman ng nilakad namin. Mula sa bahay ng grandparents ko, papunta sa Centraland hanggang dito.

"Sure na ba? Ito na ba ang lugar na hinahanap natin?" Tanong ko.

"Ito na nga 'yon, tara."

Pumasok kami sa isang maliit ngunit magandang bahay. Pagpasok namin, sumalubong samin ang isang lady na ang sa tingin ko ang edad ay nasa early 40s. Nakapikit siya habang nakaupo at lumulutang sa ere na tila ba ay nagmemeditate siya. Nakasuot siya ng magandang disenyo na shawl at necklace.

"Wow." Bulong ko.

Alam ko na ang tungkol sa mga kapangyarihan na tinataglay ng wernals pero namamangha pa rin talaga ako sa nakikita ko. Para akong nasa isang panaginip, kinurot ko naman si Lee para makumpirma kung nasa panaginip ba ako.

"Aray! Ba't mo ginawa 'yon?" Takang tanong ni Lee habang hinihimas-himas niya ang braso niya na kinurot ko.

"Sorry." Sabi ko at nagpeace sign sa kaniya.

"Welcome," the woman said as she continued to float in the air. She slowly opened her eyes. "May I know why you're here, children?"

"Ah, meron po kaming kaibigan na kailangan ng tulong niyo." Sabi ni Lee at tiningnan niya ako. Parang sinesenyasan niya ako na magpakilala. Kinabahan ako nang magkasalubong ang tingin namin nu'ng babae.

"Hello po, ako po si Aira Devirox. K-kailangan ko po ng tulong niyo para malaman ang...kapangyarihan ko."

Hindi ako makapaniwala na sinabi ko 'yon! Aaminin kong medyo hindi pa rin ako komportable. It almost felt like a joke.

Winter Wonderland: The Powerful Locket (Completed | Revising)Where stories live. Discover now