Epilogue

756 15 0
                                    

Unedited, kulang-kulang, magulo, mabilis ang pangyayari, hindi malinis ang epilogue but here it is! :)
_________________________________

Epilogue

AIRA

Mabilis akong napabalikwas ng higa sa kama. Pinagpapawisan na pala ako ng sobra. Ang bilis din ng tibok ng puso ko. Teka, nasaan ba ako? Inilibot ko ang tingin ko sa kwarto. Hindi ito ang kwarto ko dahil masyado itong maliit pero maayos at maganda naman.

Tumayo ako at pinagmasdan ang mga gamit ko. Nasaan ba ako? Tsaka, pamilyar din ang mga bagay na nakikita ko. Naglakad ako patungo sa isang malaking bintana. Kumunot ang noo ko nang makakita ako ng mga sasakyan at normal na tao.

Para akong nasa siyudad. Teka, hindi kaya... nasa Mirfield City ako? Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na lumabas ng kwarto ko. Hala! Ito nga ang dati naming bahay. Paanong napunta ako rito e ang pagkakaalam ko ay nasa Winter Wonderland ako at nawalan ng malay?

Tiningnan ko ang buong katawan ko. Bakit wala akong sugat? Nasa totoong mundo ako.

Bumaba ako ng hagdan at nakakita ako ng isang lalaki na nakatalikod sakin. May hawak siyang cellphone na nakatutok sa tenga niya. Mukhang may kinakausap siya. Lumipas ang ilang minuto at binaba niya na ang tawag.

Dahan-dahan siyang humarap sakin. Nakangiti siya sakin, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Lumapit siya sakin at ginulo ang buhok ko.

"Oh, gising ka na pala."

Anong nangyayari? Bakit nandito sa bahay si Kuya Lukas? Nakatulala lang ako sa kaniyang mukha. Nginitian niya ulit ako at winasiwas ang kaniyang kamay sa harapan ko. Hinawakan ko naman ang kaniyang pisngi. Siya nga ang Kuya Lukas ko.

Nakasimpleng short at grey shirt lang siya. Para kaming mga normal na tao dahil sa suot namin. Natawa naman siya nang bahagya.

"Ang weird mo. Ano bang nangyayari sayo at natulala ka?"

Umiwas ako ng tingin at niyakap ko na lang siya nang sobrang higpit. Hindi ko na napigilan na mapaiyak. I really miss him, them so much. Parang ilang taon ko silang hindi nakita.

"Aira, may problema ba? May bumabagabag ba sayo?" Nag-aalala niyang tanong. Lumayo ako sa kaniya ng kaunti at tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata.

"Kuya Lukas, paanong napunta tayo rito sa bahay? 'Di ba dapat na sa Winter Wonderland tayo at wala tayo rito sa Mirfield? Tsaka, bakit mabait ka na? 'Di ba masama ka?" Lumayo ako sa kaniya at nagtungo sa sala.

"W-what did you say?" Nakangiting tanong niya ngunit mahahalata mo ang pagtataka sa hitsura ng mukha niya. Pagkatapos ay bigla na lang siyang humagalpak ng tawa. Lumapit siya sakin.

"No! Huwag ka munang lalapit sakin. Baka ilusyon lang ang lahat ng 'to, baka hindi ito totoo. Hinding-hindi na ako magpapauto sayo." Mariin kong sabi. Tiningnan niya ako nang mabuti pagkatapos ay mas lalo pa siyang humagalpak  ng tawa. Kumunot naman ang noo ko dahil sa ginawa niya.

"Mom! Dad! August! Come here!" Sigaw ni Kuya Lukas habang nagpipigil ng tawa. Bigla akong kinabahan nang marinig ko ang mga pangalang binanggit niya. Nakarinig ako ng mga yabag at nakita ko silang tatlo. Literal na nanlaki ang mga mata ko.

"O, bakit Lukas?" Tanong ni Mom.

"Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi ni Aira. Kausapin niyo nga po siya," umupo si Kuya Lukas sa sofa. Tiningnan ako ni Mom, Dad at ni Kuya August, nginitian nila akong lahat. Lalapit sana silang lahat sakin pero nagsalita ako.

"Huwag na huwag kayong lalapit sakin! Paanong nabuhay ulit kayo, ha? 'Di ba wala na kayo? Minumulto niyo ba ako ha?" Mariin kong tanong. Kumunot naman ang noo ni Kuya August at lumapit sakin. Napa-aray ako nang pitikin niya ang noo ko.

Winter Wonderland: The Powerful Locket (Completed | Revising)Where stories live. Discover now