Chapter 43: End The Battle

343 9 0
                                    

Chapter 43: End The Battle

AIRA

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at nakita kong nakadagan ang braso ni Josh sa tyan ko. Kaya pala ang bigat. Napangiti ako nang makita ko siyang mahimbing na natutulog. Siguro binantayan niya ako hanggang sa nakatulog siya. Ang bait-bait talaga ng boyfriend ko.

Inalis ko ang braso niya na nakadagan sa tyan ko at tumayo. Nag-unat ako ng mga kamay ko. Umaga na pala, napatingin ako sa braso ko na nadaplisan ng arrow pero magaling na iyon. Wala na akong nararamdamang sakit pero nagbigay iyon ng maliit na marka sa aking balat.

"Good morning," muntik na akong magulat nang may nagsalita. Si Lee lang pala, nakaupo siya sa sofa at mukhang kanina pa siya gising.

"M-morning," bati ko sa kaniya.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo? Masakit pa ba ang sugat mo?" Tanong niya, kaagad naman akong umiling. "Nagugutom ka na?"

"Oo, tara samahan mo ako sa dining hall."

Lumabas na kami ng kwarto. Habang naglalakad kami sa hallway, kapansin-pansing mabilis na kumililos ang mga servant at guards. Para silang kinakabahan na ewan.

"Lee, anong meron?"

"Nagpadala kasi si Queen ng mga agents sa Dark Wonderland at napag-alaman namin na ngayong araw sila nagbabalak na atakihin ang ating Wonderland. Kaya naghahanda na ang lahat para sa magaganap na digmaan."

"Digmaan kaagad?!" Sigaw ko. Napahinto ako sa paglalakad at tinitigan si Lee. Dahan-dahan naman siyang tumango.

"Huwag kang mag-alala, nakahanda na ang lahat. For now, huwag ka munang mag-isip ng kung anu-ano. Magpalakas ka muna." Hinawakan ni Lee ang kamay ko at nagtungo na kami sa dining hall. May mga nakahanda ng pagkain kaya kumain na kami.

Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain kaya mabilis kaming natapos. Nagpaalam siyang pupuntahan niya si Master Azhuro. Bumalik naman ako sa kwarto ko. Bago pa man ako makapunta sa kwarto ko, napahinto ako sa paglalakad at napahawak sa sentido ng ulo ko.

Sumasakit ang ulo ko. Parang pinupukpok ng martilyo ang bungo ko. Napapikit na lang ako nang mariin dahil napakasakit talaga. Ano ba ang nangyayari sakin? Bakit ba ako nakakaramdam ng pananakit ng ulo? Ilang segundo pa ang lumipas at hindi na sumasakit ang ulo ko.

Huminga ako nang malalim at pumasok na sa kwarto ko. Napansin kong wala na pala si Josh sa kama ko. Saan naman kaya iyon nagpunta? Ni-lock ko ang pinto at humiga sa kama. Nagtalukbong ako gamit ang malambot na kumot.

Natatakot ako sa mangyayari. Natatakot ako sa mangyayaring digmaan. Natatakot ako na baka may mga mamatay. Natatakot akong masaktan ang mga mahal ko sa buhay at natatakot akong matalo kami sa nasabing digmaan.

Sumilip ako sa malaking bintana ng kwarto ko at nakita ko ang mga winterian na busy sa kanilang ginagawa. Kung tutuusin, parang nagkakagulo ang mga tao. May mga winter soldiers din na nagsasanay. Gusto ko sanang kausapin sila Lolo at Lola pero wala sila rito sa palasyo.

Nagmukmok na lang ako sa kwarto ko. Para akong isang bata na takot na takot. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Maaaring ito na rin ang maging katapusan ng buhay namin. Sa totoo lang, hindi pa talaga ako handa sa magiging digmaan.

"Bakit mo ni-lock ang pinto ng kwarto mo?"

Napatingin ako kay Josh. Puno ng pag-aalala ang makikita sa kaniyang mga mata. Hindi na lang ako nagsalita at niyakap ko na lang ang mga tuhod ko. Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako.

"Mukhang malungkot ka 'ata ngayon. Tara na, mag-ensayo na tayo sa battlefield." Umiling naman ako sa mga sinabi niya.

"Ayoko Josh," kahit na hindi ako nakatingin sa kaniya, alam kong nakakunot ang noo niya. "Kayo na lang muna ang mag-ensayo. Wala ako sa mood ngayon. Tsaka, gusto ko lang munang mapag-isa para makapag-isip-isip."

Winter Wonderland: The Powerful Locket (Completed | Revising)Where stories live. Discover now