Chapter 36: Aira's Feelings

198 8 0
                                    

Chapter 36: Aira's Feelings

AIRA

Para akong nanghina nang marinig ko ang sinabi ni Lola Georgia no'ng nakaraang araw. Nagkulong lang ako rito sa kwarto ko. Kahit na narinig ko mula kay Lola na wala na kaming laban, hindi pa rin ako susuko, hindi pa rin kami susuko. Kailangan naming subukang manalo, kailangan naming lumaban.

Hindi ako papayag na mapasakanila ang buong Winter Wonderland. Kaya ngayon, binabalak ko na mag-training lang kami nang mag-training para mas mahasa pa lalo ang ability skills namin at ang fighting skills namin. Mama Chyna, on the other hand, is busy. She gathered the Winterians and winter soldiers for training. Many parents were disappointed because their children also needed to fight.

All Winterians with Power Abilities will join the fight against Dark Wonderland. Kailangan naming maghanda, sigurado akong maraming mamamatay na tao. Maraming magsasakripisyo ng buhay, maraming lalaban para manaig ang kabutihan. Lalaban kami. Lalaban kaming mga Winterian.

"Ayos ka lang?" Napatingin ako kung sino ang nagsalita. Hindi na ako nagulat nang makita ko si Missy na nakaupo sa sofa. Napailing na lang ako. Kahit na i-lock ko ang pinto, magagawa pa ring makapasok ni Missy. Nakakatagos siya, remember?

"Definitely, no." Sagot ko. Ngumisi lang siya sakin.

"Pare-parehas lang tayong lahat ng nararamdaman. Sa tingin mo, mananalo tayo sa laban?" Seryoso niyang tanong.

Napabuntong-hininga ako. Iyon na nga e! Mananalo nga ba kami sa labanan? Iyan ang hindi ko masasagot. Basta ang alam ko, kailangan naming lumaban. Kailangan naming mag-isip at gumawa ng magandang plano kung paano namin mapapatumba ang Dark Wonderland.

"Hindi ako sigurado kung mananalo tayo sa labanan basta ang nasisigurado ko, mananalo lang tayo kapag nagtiwala tayong lahat sa ating sarili. Huwag tayong matakot na lumaban. Just think positive." Sagot ko. Napa-face palm na lang si Missy at biglang tumagos papailalim.

Mananalo kaya kami? Sana  ...

***

Nagtungo kami ni Lee sa kusina para kumain. Pagpasok namin, nakita namin sa isang table ang Hexad Group members na masayang nag-uusap habang kumakain.

Hinila naman ako ni Lee sa kabilang table at umupo na kaming dalawa.

"Lee, bakit dito tayo umupo? Doon na lang tayo sa pwesto nila." Hinawakan niya naman ang kamay ko at nginitian ako. Bakit parang may kakaiba sa mga pinapakita ng kaniyang mga mata? Para siyang... nasasaktan.

"Huwag na, dito na lang tayo. Puno na sila do'n sa pwesto nila e. Tsaka, gusto ko lang naman na ma-solo kita." Tiningnan ko naman siya nang nagtataka. Ano raw? Para raw masolo niya ako?

"H-ha?" Tanong ko. Nginitian niya na lang ako. Ilang segundo pa ang lumipas, inilagay na ng servant ang kakainin namin ni Lee. Tahimik lang kaming kumain. Habang kumakain, napansin kong parang may nakatingin sakin.

Tumingin naman ako sa pwesto nila Kuya August at kinabahan ako nang magsalubong ang tingin namin ni Josh. Umiwas na lang ako nang tingin. Bakit ba ako kinakabahan? Napailing na lang ako. Pagkatapos naming kumain. Tumayo na kami ni Lee. Kakatapos lang din kumain nila Kuya kaya umalis na sila.

Aalis pa lang kami ni Lee nang hawakan ni Josh ang kamay ko. Napahinto kami ni Lee at tiningnan namin si Josh nang nagtataka. Seryoso lang ang mukha niya habang nakatingin kay Lee. Si Lee naman ay gano'n din. Anong meron? Mag-aaway na naman ba silang dalawa?

"Pwede ko bang makausap si Aira sandali?" Tanong ni Josh. Tiningnan naman ako ni Lee at tiningnan niya ulit si Josh.

"Hindi pwede, may training pa kaming dalawa." Napangisi naman si Josh. Bakit ba ang sama ng tingin nila sa isa't isa? Magkaaway ba silang dalawa?

"Pero... saglit lang naman kaming mag-uusap ni Aira. Huwag kang mag-alala, wala naman akong gagawing masama sa kaniya. Tsk."

"Hindi pwede." Mariing sagot ni Lee.

"Lee, sige na, saglit lang naman kami mag-uusap. Promise, susunod ako sa rooftop." Sabi ko. Tiningnan naman ako ni Lee. Napabuntong-hininga na lang siya at dahan-dahan na tumango.

"Hihintayin kita." Sabi niya. Tumango na lang ako. Tinitigan niya saglit si Josh at umalis na si Lee. Binalingan ko ng tingin si Josh.

"Bakit? Ano ba ang pag-uusapan natin, Josh?" Tinitigan niya lang ako. Hinawakan niya ang pisngi ko.

"Huwag na huwag kang lalapit kay Lee." Mariing sabi niya. Nagsalubong ang kilay ko at kumunot ang noo ko.

"Ano? Hindi pwede, kaibigan ko siya kaya bakit ko naman siya lalayuan? Tsaka, ano ba ang problema mo kay Lee? Wala naman siyang ginagawang masama sayo ha!" Kinabahan ako nang lumapit siya sakin.

Ang lapit na ng mukha niya sakin. Napalunok ako ng 'di oras.

"Basta, layuan mo siya." Malamig niyang sabi. I was surprised when he pressed his lips against mine. My heart suddenly raced. Then, he slowly pulled away.

"J-Josh—"

"I love you, always remember that. And also, I get jealous." I just watched him walk away. I touched my lips. Why didn't I stop him? Why did I let him kiss me?

At dahil sa pag-iisip ng kung anu-ano, hindi ko namamalayang nasa harapan ko na pala si Lee. Nag-aalala siya sakin.

"May ginawa ba siyang masama sayo?" Tanong niya. Napailing na lang ako. Ngumiti na lang ako sa kaniya ng pilit at umalis na kami sa kusina. Niyaya ko si Lee na pumunta muna kami sa kwarto ko. Hanggang ngayon ay ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko.

"May problema ba? Bakit ang lalim 'ata ng iniisip mo ngayon?"

Tiningnan ko si Lee na kanina pa nag-aalala sakin. Nandito na kami sa kwarto ko. I sighed. Nalilito talaga ako. May malaki na nga kaming problema tapos dumagdag pa itong si Josh.

"May sakit ka ba?" Tanong ni Lee.

Umiling na lang ako. Kusang naglakad ang mga binti ko at lumapit sa kaniya.

"Aira, nag-aalala na ako sa ikinikilos mo. May problema ba? Just tell me." Huminga ako nang malalim bago magsalita.

"Lee... mahal ako ni Josh."

Natahimik siya saglit. Hindi niya siguro inaasahan ang sasabihin ko. Sunod-sunod din ang paghinga niya nang malalim.

"Aira... mahal mo rin ba siya?" Tanong niya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko alam ang isasagot ko. Naguguluhan ako. Nalilito ako. Hindi ko alam ang gagawin ko at hindi ko na rin alam kung paano ko pakikitunguhan nang maayos si Josh.

"Hindi... hindi ko alam." Iyon na lamang ang nasabi ko. "Lee... galit ka ba?"

Hindi ko alam pero kusa iyong lumabas sa bibig ko. Pero, ginusto ko ring itanong sa kaniya iyon sa 'di malamang dahilan. May nagsasabi sakin na dapat siyang magalit. Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman.

Ngumiti naman siya sakin.

"Why would I get mad? Give him a chance, Aira." Sa sinabi niyang iyon, para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Para akong naiiyak na ewan, naninikip din ang aking dibdib. Para akong na-dismaya sa sinabi niya. Ang inaasahan ko pa naman ay magagalit siya. Umiwas ako ng tingin. Gustong-gusto ko ng itanong sa kaniya na...

"Lee... mahal mo ba ako?" Diretsa kong tanong. Gusto ko lang malaman kung oo. Nawala ang ngiti niya at naging seryoso ang mukha niya. Alam kong nakatitig siya sakin pero nakaiwas lang ako ng tingin. Hinawakan niya ang pisngi ko.

"Oo, mahal kita... bilang isang kaibigan." Tiningnan ko siya. Nang marinig ko ang sagot niya... parang sinasaksak ako ng mga knives. Bakit ang sakit sa feeling? Naguguluhan na talaga ako. Hindi ko namamalayang umiiyak na pala ako sa harapan niya. Kumalas na ako sa yakap.

"Hey, why are you crying?" Nag-aalala niyang tanong. Hindi ko siya sinagot. Umiyak lang ako nang umiyak. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Para akong baliw. Naiinis ako sa isang bagay na hindi ko naman matukoy. Pinunasan ni Lee ang mga luha ko sa pisngi.

Winter Wonderland: The Powerful Locket (Completed | Revising)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant