Chapter 22: Moving At Winter Palace

227 12 0
                                    

Chapter 22: Moving At Winter Palace

AIRA

Tahimik lamang akong nakaupo sa sofa habang pinapanood sila Mama at Grandparents na maglagay ng mga damit sa loob ng malaking maleta.

Kanina pa ako nagtataka sa ginagawa nila.

Hindi kaya babalik na naman kami sa Mirfield City? At iyon ang bagay na ayokong gawin. Kakarating lang namin dito sa Wonderland then babalik ulit kami sa siyudad? Please no.

"Lola, bakit po kayo nag-iimpake ng mga damit? Aalis po ba tayo? Babalik na naman po ba tayo sa Mirfield City? Please naman po, huwag na po tayong umalis dito sa Winter Wonderland. Ayoko ng bumalik do'n!" Pagmamakaawa ko.

Sinuklian lang ako ni Lola ng matamis na ngiti at nagpatuloy lang sa ginagawa.

"Ako na ang mag-iimpake ng gamit mo." Natatawang sabi ni Kuya August.

Kaagad ko siyang sinundan nang bigla siyang nagtungo sa kwarto ko. Nakita ko naman siyang hinalungkat ang mga gamit ko sa drawer at closet. Then nilagay niya ang mga iyon sa malaking maleta.

"What the heck? Stop! Sinabing ayokong umalis dito sa Winter Wonderland e!" Sigaw ko sa kaniya, sinamaan niya naman ako ng tingin at nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya.

Sinubukan kong kunin ang mga gamit ko sa kaniya ngunit hindi ako nagtagumpay.

"Huwag ka ngang maarte riyan." Inis niyang sabi.

Ouch ha. Maarte raw ako?

"Don't tell me na ayaw mo na rito? Gusto mo na bang bumalik sa siyudad? Para magawa mo ulit yung mga gusto mo? Kung gusto niyo, kayo na lang ang bumalik do'n. Maiiwan na lang ako rito sa Wonderland kasama ang mga kaibigan ko!"

Huminto si Kuya August sa ginagawa niya at tiningnan ako na tila ba naiinis siya.

"Pwede bang tumigil ka na? Nakakairita iyang boses mo. Huwag ka ngang sumigaw." Galit na sabi niya.

Natahimik ako ng ilang segundo at hindi naka-react sa sinabi niya. Napabuntong-hininga na lamang siya at marahan na lumapit sakin upang yakapin ako.

"S-sorry, ang kulit mo kasi e."

Hinawakan niya ang pisngi ko at pinisil iyon. Nginitian niya naman ako at nagpatuloy siya sa pag-iimpake ng mga gamit ko. Umupo naman ako sa kama at tiningnan siya.

"Gusto ko lang naman malaman kung bakit kayo nag-eempake. Ayoko muna kasing bumalik sa siyudad." I said calmly.

"Si Mama Chyna na ulit ang magiging Queen of Whole Winter Wonderland. Tsaka hindi naman tayo babalik sa siyudad kasi lilipat na tayo ng bahay. Doon na tayo titira sa Winter Palace, get it?"

Nagulat ako sa sinabi ni Kuya August. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Nawala ang inis at kaba na nararamdaman ko.

"Totoo? Walang halong biro?"

"Yup. Masyado ka kasing nag-aassume ng mga bagay-bagay." Aniya at sinara ang isang malaking maleta na puno na ng gamit ko.

Tinulungan ko naman siya sa pag-empake ng mga natira ko pang gamit. Bigla akong naexcite!

Winter Wonderland: The Powerful Locket (Completed | Revising)Where stories live. Discover now