Epilogue

51 3 0
                                    

1 year later.......

"Naimpake mo na ba lahat ng gamit mo?" Lumingon si Drake sa pintuan kung saan nag salita si Alex.

"Tapos na, and I can't wait to leave this hospital." Sagot nya at naglakad na papunta sa pintuan nasan nakatunghay sila Alex at Drix.

"Masyado ka namang nagmamadali Drake, naging bahay mo din itong Hospital ko 'no! Pasalamat ka nga at gumaling ka na eh" Singit naman ni Drix na nakatabi kay Alex sa pintuan.

"Dapat lang Drix. Para saan pa at nasabing Hospital ito kung hindi din lang pala ako gagaling." Nilampasan nya lang ang dalawa na nakaabang sa kanya sa pinto.

"Saan tayo gagala ngayon? Let's celebrate!" Hinabol siya ni Drix at pinatong ang kamay sa balikat niya.

"Pwede ba munang mag pahinga muna siya? Bakit gala agad ang sinasabi mo. Hindi pa nga siya nakakalabas dito sa Hospital." Binatukan siya ni Alex dahil sa pinagsasabi niya.

"Wag nga kayong O.A na mag kapatid, para namang sobrang tagal niyang si Drake dito. 2 days lang naman siyang nag stay dito ha." Inirapan nya sila Drake at Alex na parehong O.A na akala mo napakatagal na nanatili ni Drake sa Hospital.

"Nakalimutan mo ata, ngayon na aalis sila Jacob pabalik sa Korea. Hindi mo na makikita ang best friend mo." Umikot naman ang mata ni Drix sa sinabi ni Drake.

"Kaya nga ako mag secelebrate diba. Dahil aalis na yung asungot na 'yon." Natawa na lang silang mag kapatid sa sinasabi ni Drix.

Matapos pag sabog isang taon na ang nakakalipas ilang buwan nanatili sila Jayson, Jeremy, Drake at Alex sa Hospital dahil sa mga tinamo nilang sugat at bali sa buto.

Bago pa man sumabog ang bomba ay mabilis Silang nakatalon na apat palabas ng building, Pero dahil mataas ang kanilang pinanggalingan ay mga bali sa buto natamo nila.

" 'Di bale nang napilay 'wag lang mamatay." Ang linya ni Jacob sa kanila.

Matagal silang nanatiling apat sa Hospital at kinailangang icheck si Drake dahil sa sakit niya dati na ngayon ay magaling na.

Tumunog ang phone ni Drix at nakitang si Melanie ang tumatawag. Mabilis niya itong sinagot.

"Hello babe!" Masiglang bati niya dito.

"Where the hell are you! Malapit nang umalis sila Jacob but you're not still here!" Napasimangot si Drix sa binungad sa kanya ni Melanie.

"E di umalis na siya! Bakit nasakin ba ang passport ng tukmol na yan? Hindi na siya bata para ihatid." Napailing na lang ang magkapatid dahil nag away nanaman si Drix at Melanie. Naging okay na din silang dalawa matapos nang nangyare Isang taon na ang nakararaan.

Drix also stayed at the Hospital after the incident one year ago. Halos lahat Silang mag kakaibigan ay nanatili sa Hospital para mag pagaling sa mga tinamo nilang mga sugat.

Napagplanuhan nila na lokohin si Melanie at sabihing nalason si Drix at kritikal ang lagay. Nakumbinsi ni Jacob na lagyan ng nurse ng pampatulog ang gamot na iinumin ni Drix at nang nawalan na siya ng malay ay agad-agad nilang dinala si Drix sa operating room at kunyaring inooperahan.

Lahat silang magkakaibigan ay nakaabang sa labas ng operating room at nang lumabas ang kinuntsaba nilang Doctor ay mabilis itong umakto na parang malungkot.

"I'm sorry, I did what I have to do, but he didn't survive." Nakayuko pa itong nag sasalita. Nakasunod naman na ang kama na kinalalagyan ni Drix na natutulog lang naman.

Agad siyang dinaluhan ni Melanie at umiiyak na hinawakan ang kamay no Drix.

"Please wake up Drix, I can't live without you. Please don't leave me!" Ang lakas ng iyak niya na nakapagpagising kay Drix, Pero dahil abala si Melanie sa pag yakap sa kanya ay hindi niya ito napansin.

My Evil FiancéeWhere stories live. Discover now