Chapter 28 (Danger)

207 10 0
                                    

Trixie's P.O.V.

Kanina pa ako Hindi mapakali dito. Nandito kami sa labas ng K.U. yes!! Pinalabas kami ni Ma'am Dalaw para daw sa project namin.

Hindi ako mapakali dahil si Alex ang kasama ko sa paghahanap ng isang bulaklak na para daw sa isang potion.

Like seriously??! Math ang subject namin sa kanya. Bakit pinapahanap nya kami ng isang bagay na pang science naman.

"Hey, pwede mo bang bilisang maglakad!!!" Iritang tawag nya sakin.

Magsimula ng huli naming pag-uusap ngayon lang ulit kami nagkaroon ng pagkakataon na mapag-isa.

Mabilis naman akong naglakad para sumunod sa kanya. Naghahanap kami ng flower shop na pwedeng mapagtanungan kung ano bang bulaklak ang pwedeng gawing potion.

Hindi ko naman alam na mahilig pala sa mga puzzle si Ms.Dalaw, akalain mo ba namang magpapahanap ng isang bagay ng wala man lang ibinibigay na kahit isang clue kung ano ba ang hahanapin namin. Ang tanging sinabi nya ay isa itong bulaklak na pwedeng gawing potion.

"F*ck!! Nakakalahating araw na tayo kakahanap ng bulaklak na yan!!" Asar na sinipa ni Alex yung batong nasa harap nya.

Kanina pa din sya ganyan, madami na kaming flower shop na napuntahan at hanggang ngayon wala pa din kaming nahahanap kahit na isa na may alam kung ano bang klaseng bulaklak ang hinahanap namin.

Hindi nalang ako nagsalita at sumunod nalang sa paglalakad nya.

"F*ck!!" Mabilis nya akong hinila para tumakbo.

"Alex ano ba??!" Nasasaktan ako sa paghila nya saakin. Sobrang higpit ng pagkakahawak nya sa kamay ko at ang bilis nyang tumakbo.

"Not now Trixie."

"Bakit ba tayo tumatakbo??" Hindi nya na ako sinagot at patuloy lang sa paghila saakin sa pagtakbo.

"Ayun!!" Rinig Kong sigaw ng mga lalaking nasa likuran ko.

"Sh*t!!"

Nagulat nalang ako ng paputukan nila kami ng baril. Dahil doon mas binilisan pa namin ang pagtakbo.

Napunta kami sa kakahuyan at nagtago sa isang puno.

"Who are they??" Hingal Kong tanong sa kanya.

"Hindi mo sila kilala??" Balik na tanong nya saakin.

"Hindi" matiim nya akong tinignan.

"Seryoso ka bang Hindi mo sila kilala??"

"My god Alex!! Alam mo namang galing ako ng Korea sa tingin mo may kakilala ako dito sa Pilipinas maliban sa inyo?"

"They're Royal Death."

"Gang ba sila na kaaway nyo?"

"Yes. And they want us dead." Agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"You're joking right?"

"Sana nga nagbibiro lang ako. Pero nakita mo naman nung pinagbabaril nila tayo diba?." Parang nanlambot ang mga paa ko at napaupo nalang ako sa damuhan.

"Ano ba itong napasok mo Trixie?!" Kausap ko sa sarili.

Sa pagkakatanda ko galing ako ng paaralan nang sabihin saakin ni Dad na uuwi na kami ng Pilipinas, tapos sinabi nyang kaylangan Kong pumasok sa K.U at kilalanin ang fiancée ko, at higit sa lahat ang alalahanin ang nabura Kong memorya.

"Dito ka lang" napataas ang tingin ko Kay Alex na may hawak na baril.

"Anong gagawin mo?" Nag-aalaang tanong ko sa kanya.

My Evil FiancéeWhere stories live. Discover now