CHAPTER 39

208 8 0
                                    

Alex's P.O.V.

Bumalik sya sa tabi ni Trixie at kinuha ang kahong hawak nya kaninang papasok sila. Pagkakuha nya ng kahon bumalik sya sa kinatatayuan nya at muling humarap saamin.

Ewan ko, pero mas kinabahan ako. Naramdaman ko namang tinapik ako sa balikat ni Drake. Nakangiti sya ng lingunin ko sya.

"Relax, ngayon na ang araw na malalaman mo ang katotohanan." Nakangiti nyang sambit. Hindi ko alam pero Hindi ako marelax, pakiramdam ko nasa isang karera ako dahil sa lakas at bilis ng tibok ng puso ko.

"As a father, masakit makitang ganyan ang kalagayan ng anak ko." At nilingon si Trixie na nakahiga pa din at walang malay. "Pero it's her choice. Sinubukan ko syang pigilan, pero nagmatigas sya, ang sabi nya it's the only way para mailigtas kayong lahat." Nangingilid ang luhng kwento nya.

Rinig ko naman ang mga singhap ng mga kasama ko.

"What do you mean?!" Takang tanong ni Drix. Kita mo ang pagkagulat at pagkalito sa ekspresyon ng mukha nya.

Ngumiti lang ng mapait si Tito Jake sa kanya.

"Seeing you all here makes me feel angry. Alam ko ang lahat ng nangyayare sa loob ng eskwelahan nyo. And I know everything pati ang ginawa nyo sa anak ko."

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng isa-isa nya kaming tignan. Pakiramdam ko sasabog na ang tenga ko sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"Pero dahil ito ang pinili nya. Wala akong magawa." At nagpakawala sya ng Malakas na buntong hininga. "Alam Kong naguguluhan kayo sa mga pinagsasabi ko." Nakangiting saad nya. "Wag kayong mag-alala dahil malilinawan na kayo ngayon." At may kinuha syang isang USB sa loob ng kahon at lumapit naman sa kanya si Drake at tinanggap ang USB at nilagay sa hawak nyang laptop, na Hindi ko alam kung saan nya nakuha.

"Alam Kong lahat kayo, kating-kati malaman ang katotohanan. At masaya akong sabihin na, ang katotohanang minsan nyong hinangad ay malalaman nyo na." At nag-umpisa syang kalikutin ang laptop at muling hinarap saamin.

Isa syang video at bago nya iplay ito at muling nagsalita si Tito Jake.

"Alam nating lahat na mahilig kumuha ng mga Video si Trixie. It's her hobby. So here's some of her Video." At tinanguan nya si Drake at pinlay na ang Video.

"Hello everyone!!" Masayang bati nya at kumakaway pa. Masyado pang bata si Trixie sa video. Siguro nuong mga huling taon niya dito sa Pilipinas, bago mangyare ang lahat ang Video na pinapanuod namin ngayon. "Tita Haide and I are planning a Surprise for Alex. Wag kayong maingay ha! Secret lang natin." Humahagikgik pang sabi nya. "Sana magustuhan nya yung surprise namin. Sobrang sungit kasi nun eh." Nakangiwi pang saad nya. Rinig ko naman ang mga pigil na tawa ng mga kasama ko. Tinignan ko naman sila ng masama, dahilan para tumahimik sila.

Natapos ang Video na yun, at may pinlay ulit na Video si Drake.

"Tita Haide gave me a mission." Masayang sambit nya. "She told me that, when the time comes, I should protect Alex. Naguguluhan ako but, masaya akong gawin ang pinapagawa nya." Natapos ulit ang Video at may pinlay ulit na video si Drake.

"Tita Haide give me a chip. Ang sabi nya itago ko daw ito sa walang makakakita. At ang sabi nya pa it's part of my mission. So I hide it in a place where no one can see it." Natapos ulit ang Video at nagplay ulit si Drake.

Habang tumatagal lalo lang akong Naguguluhan.

Bakit ginawa ng Mommy ko yun?

Ano ang chip na yuon?

Bakit kailangan akong protektahan?

Salubong ang kilay Kong nagpatuloy sa panonood.

"Hello everyone!" Masayang bati nya ulit at kumakaway. "Nasa bahay ako nila Alex. Tita Haide told me to come over, because I have a mission daw ulit." Sambit nya pa. At nagplay sa video na umaakyat sya ng hagdan. "Sana wala pa si Alex dito, dahil siguradong magagalit na naman yun. Kalalaking tao ang sungit-sungit." Saad nya habang umaakyat pa din ng hagdan.

My Evil Fiancéeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن