CHAPTER 56

127 7 8
                                    

Drix's P.O.V.

Ramdam ko ang panghihina, dahil sa sakit ng paa ko. Dalawang linggo na pero ramdam ko pa din ang sakit ng paa ko. Nang pinatignan namin ang paa ko ang akala ko mawawalan na ako ng paa.

Malalim ang pagkakasaksak ni Taylor ng katana sa paa ko at nabali na ang buto dahil sa pagkakatama sa malaking ugat ng puno.

Ang sabi ng Doctor sa isang linggo ay okay na ang paa ko.

Naramdaman kong may umupo sa higaan ko at laking gulat ko ng maramdaman kong may malamig na bagay ang nakadikit sa noo ko.

"Come on dude, masakit pa ang paa ko." Reklamo ko, at hinawi ang baril na nakatutok sa noo ko. Narinig ko syang tumawa at pumunta sa harapan ko, nakatalikod kasi ako sa kanya.

"Dalian mong gumaling, she needs you." Kunot noo Kong tinignan si Jayson.

"It's September, your sister's death anniversary." Pakiramdam ko nawala lahat ng sakit na nararandaman ko sa sinabi nya.

It's my sister's death anniversary, masakit dahil maaga syang nawala, madami pa syang pangarap na gustong maabot, pero naglaho ang lahat ng yun nang sinubukan nyang iligtas si Melanie.

Masakit at nangungulila pa din ako sa presensya nya, sobrang lambing nya at sya ang karamay ko sa lahat ng problema ko, galit ako dahil namatay sya, galit ako dahil pinatay nila sya, pero Hindi ako galit sa kanya.

Pero para Kay Melanie, sya ang dahilan ng pagkamatay ng kapatid ko, sinisisi nya ang sarili nya kung bakit nawala sya ng maaga.

Pero kami, ang sinisisi namin ay ang mga walang hiyang pumatay sa kanya.

"Where is she?" Agad na tanong ko sa kanya.

"Sa dorm nila, nagkukulong." Sagot naman nya. "Alam Kong ngayon ang death anniversary na kapatid mo, lahat tayo nalulungkot sa pagkawala ni Shauna, pero sana wag nyo ding kalimutan na magkakaibigan tayo, wag kayong magkulong sa mga galit at poot sa mga puso nyo." Tumayo na sya at mahinang tinadyakan ang masakit pa ding paa ko.

"Ano bang problema mo? Hindi mo ba alam na masakit." Sita ko sa kanya, at ang gago inulit na sinipa ang paa ko, at Hindi pa nakuntento pati katawan ko.

"Get up, kanina pa pumutok ang araw pero ikaw nakahiga ka pa din, maligo ka na pwede? nangangamoy ka sa buong kwarto." Sinimangutan ko sya at asar na tumayo.

Inamoy ko pa ang sarili ko, at mas lalong nalukot ang mukha ko sa sobrang simangot, Hindi dahil mabaho ako kundi dahil mas mabango pa ako sa kanya na bagong ligo lang.

"Ano? Hindi ka na kikilos? late na ako, pwede bang Dalian mo." Sya na mismo nagtulak saakin sa loob ng banyo.

Asar akong naligo, at para asarin sya sinadya ko talagang tagalan, dahil alam Kong Hindi sya aalis ng dorm hanggang Hindi nya ako nakakasabay pumasok.

"Hendrix Lee?! pwede bang Dalian mo diyan? Late na tayo!" Kulang na lang ay gibain nya ang pinto sa lakas ng katok nya.

Lumabas na ako at sinalubong ako ng nakakunot noong Jayson Nam. Ang totoo kanina pa ako tapos maligo, inaasar ko lang talaga sya.

"Babae ka na? Talo ko pa sa bagal kumilos ang babaeng nagpapaligaw ah." Inis na bulyaw nya saakin.

"Chill." Pagapapakalma ko sa kanya. " kita mo namang masakit pa ang paa ko eh."

"Gusto mo bang tanggalin ko na ang paa mo para wala ng masakit sayo?" Mabilis akong tumakbo sa pinto at kinuha ang bag ko na nakasabit sa gilid. "Yan! yaan ba ang masakit ang paa?" Rinig ko pang sigaw nya, rinig ko na din ang papalapit nyang mga yabag, hinahabol nya ako.

My Evil FiancéeWhere stories live. Discover now