Chapter 29 (Answer)

204 9 0
                                    

Alex's P.O.V.

Sobra akong nag-alala nang kunin si Trixie ng isa sa mga royal death. Agad-agad Kong pinutol ang taling itinali nila saakin gamit ang maliit na kutsilyo na nasa likod ko.

Nang matanggal ko na ang tali ay mabilis Kong hinagis ang throwing knife ko sa lalaking naiwan para patayin ako. Sapol ang ulo nya at nang natumba siya ay mabilis akong sinugod ng dalawang natitira pang kasama nya.

Mabilis Kong sinuntok sa sikmura ang isa at pinaikot ang kamay nya narinig ko namang sumigaw sya sa sakit. At ihinarang sya sa kasama nya na babarilin sana ako, pero dahil hinarang ko ang kasama nya sya ang nabaril. Agad Kong kinuha ang baril na nasa loob ng jacket ko at binaril sya sa dibdib.

Nang nakahandusay na silang tatlo mabilis akong tumakbo papunta sa dinaanan nila Trixie.

Nakita ko naman syang pilit kumakawala sa lalaking may hawak sa kanya. Mabilis ko syang pinaputukan pero daplis lang dahil nag-alala akong baka matamaan si Trixie.

Agad naman nagtakip ng tenga si Trixie ginamit ko naman ang pagkakataon na yuon para paputukan ulit yung lalaking Leader ata nila. Nang masiguro kong wala na syang buhay agad akong tumakbo Kay Trixie at niyakap sya, ramdam ko ang panginginig nya sa sobrang takot.

Parang nakahinga naman sya ng maluwag ng idinilat nya ang mga mata nya.

"Are you okay? May masakit ba sayo??" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Hinawakan ko ang mukha at mga braso nya para maghanap ng kahit na anong sugat, at nakahinga naman ako ng maluwag nang makita Kong wala naman syang natamong sugat.

Pero bumalik ang pag-aalala ko ng bigla syang humikbi.

"Saan ang masakit? May ginawa ba sila sayo?? D*mn those bastard I'm going to kill them all" galit Kong sambit.

"Alex, Thank god you're safe" niyakap nya ako.

Niyakap ko din sya at hinagod ang buhok nya.

"Don't worry,you're safe now, at Hindi ako paoayag na may makakalapit pa sayo na gaya nila" nakita ko naman syang ngumiti at nawalan na sya ng Malay.

Binuhat ko sya at naglakad papunta sa gate na pinaglalabasan at pinagpapasukan namin nila Drix pag tumatakas kami ng K.U.

Kanina ko pa napapansin ang pagsunod ng mga lalaking nakaengkwentro namin kanina, kaya naglakad ako papunta malapit dito sa kakahuyan kung saan malapit ang sikretong pinto na pinagpapasukan at pinaglalabasan namin.

Agad Kong tinawagan si Drix at sinabing ayusin ang mga gamot at panglinis ng mga sugat.

Nang makapasok kami sa sikretong pinto nakaabang na silang tatlo sa loob at mabilis na kinuha ni Jayson saakin si Trixie at inalalayan naman ako ni Drix dahil nanghihina na din ako dahil sa pagkakapukpok ng baril sa ulo ko.

"Hindi ko akalaing susugudin ka nila ng kasama mo si Trixie." Blangko lang ang mukhang turan ni Melanie.

"Ano ba talaga ang kaylangan nila sayo at Hindi pa sila tumitigil?" Asar na sambit naman ni Drix.

Dumiretsyo kami sa H.Q. dahil hindi pwedeng malaman ng sino man na inatake kami ng Royal death. Merong traydor dito sa loob ng K.U. at Hindi namin hahayaang makalapit sila saamin ng ganito ang kundisyon.

"They're not after me this time. They're after her" nalipat ang tingin nilang tatlo Kay Trixie na wala pa ring Malay hanggang ngayon.

"What do you mean?" Nalilitong tanong ni Jayson.

"Meron silang gustong malaman sa kanya." Hindi ko alam pero pati ako ay nalilito. Ang buong akala ko ay kasama si Trixie at Drake sa Royal death dahil magsimula ng tumuntong sila dito sa K.U. ay nagsimula nanaman silang kumilos.

"At ano yun?" Tanong naman ni Drix.

"Hindi ko alam, pero alam Kong importante ito dahil Hindi nila sya ginalaw." Dahil kung Hindi mahalaga ang pakay nila Kay Trixie papatayin agad nila ito nang mahila pa lang sya kanina.

"Is this the reason kung bakit laging sinasabi sayo ni Drake na protektahan mo sya?" Sambit naman ni Melanie.

Drake has all the answer to our question. Alam kong alam ni Drake kung anong nangyayare ngayon. Pero gaya ng sabi nya,, we should find it in our own way.

Natigil kami sa pag-uusap ng biglang pumasok si Drake ng H.Q. namin. Hindi na ako nagtaka na alam nya ang lugar na ito. Dito sa K.U. walang nakakaalam ng lugar na ito. Ipinagbabawal pumasok sa building na ito.

"Where is she?" Agad na tanong nya. Itinuro lang ni Drix si Trixie na nakahiga sa kama. Agad naman syang dinaluhan ni Drake.

"Hindi ba sya nasaktan?"

"Hindi, importante ang kailangan nila sa kanya kaya Hindi nila sya ginalaw" turan ko naman.

Tapos na si Melanie sa paggamot ng sugat ko.

"Ano ba talaga ang kaylangan nila Drake?!!" Iritang tanong ni Melanie sa kanya. "Please!! Kahit ang kaylangan lang nila ang sabihin mo, pagod na akong nakakakita ng nadadamay na inosenteng estudyante"

Nakita ko naman ngumiti ng mapait si Drake.

"I'm sorry pero hindi ko alam"

"Please Drake kahit ngayon lang!! Please sagutin mo naman ang tanong namin. Madami ng estudyante ang nadadamay pero hanggang ngayon Hindi pa din namin alam kung ano ba talaga ang kaylangan nila" frustrated na sigaw nya.

"I'm sorry, Hindi ko talaga alam. Tanging si Trixie lang ang makakasagot ng tanong mo." Mahinang sagot nya.

"What do you mean?!" Tanong naman ni Jayson.

"Kaya bumalik si Trixie dito sa K.U. yun ay dahil kaylangan nyang makaalala. Dahil kasama sa naburang ala-ala nya ang kaylangan nila. At hanggang Hindi nakakaalala si Trixie Hindi sila titigil." Matiim nya akong tinignan "yun din ang dahilan kung bakit kailangan mo syang protektahan Alex. Sa inyong lahat si Trixie ang lubos na nanganganib."

"Bakit Hindi nalang ikaw ang pumrotekta sa kanya?? Sa ating lahat ikaw ang mas may kakayahang protektahan sya, dahil alam mo ang lahat ng nagyayare." Dagdag pa ni Drix. Umiling lang sya.

"Because I know Alex can protect her. She's your fiancée Alex. At pag tinangka ko syang protektahan mas lalong manganganib ang buhay nya."

Ngayon nalaman ko na ang sagot mas lalo akong naguluhan. Pero nag-alala ako sa babaeng kinasusuklaman ko. Kaylangan Kong protektahan ang babaeng nakahiga sa kama ngayon na walang Malay dahil sya ang magiging alas namin sa kanila.

My Evil FiancéeWhere stories live. Discover now