CHAPTER 33 (the plan)

173 6 0
                                    

Alex's P.O.V.

"Seryoso kayo? okay lang na iwan natin si Trixie duon?" Di makapaniwalang tanong ni Drix.

Naglalakad na kami papuntang H.Q. sa totoo lang alam namin na nandito sila sa loob ng K.U. at alam din namin na hinihintay lang nila na mapag-isa si Trixie bago nila siya kunin.

"Don't worry, it's part of the plan." Sagot ni Drake. Hanggang ngayon Hindi pa din ako sanay na nakakausap na namin si Drake ng tungkol sa mga plano namin, I mean Hindi namin sya lubos na kilala. Hindi namin alam kung anong binabalak nya sa pag tulong saamin.

Sa aming lahat sya ang lubos na nakakalam ng mga nangyayare.

Tumigil kami sa paglalakad ng nasa tapat na kami ng H.Q.

"Tsaka diba ideya mo ito? You and your games" dagdag pa nya. Napakamot naman sa ulo si Drix, tama si Drake, ideya ni Drix na ibigay si Trixie sa mga kalaban. Naiiling na lang ako pagka na aalala ko kung paano namin pinagtalunan ang ideyang ito.

Flashback..

"Ano na nga?" Naiiritang tanong ni Melanie. Kanina pa kami dito pero hanggang ngayon wala pa din kaming naiisip na ideya para malaman kung sino ba ang mga traydor dito sa K.U.

"Alam natin na Hindi basta-basta ang kakalabanin natin, nasisiguro ko na mataas ang katungkulan ng Traydor dito sa K.U." seryosong saad ni Jacob.

"Akala ko ba babalik na kayo ng Korea?" Tanong naman ni Jayson. Nagsingitian naman silang tatlo at umiling.

"The fun is here, bakit pa kami lalayo." Sagot ni Jeremy.

"How about we give Trixie to them?" Halos lahat kami napalingon sa kinauupuan ni Drix. "Aray!!" Nakatanggap sya ng tadyak Kay Melanie.

"Alam Kong bobo ka Drix, pero sana naman wag mo ng ipangalandakan!!" Asar na asar na sigaw sa kanya ni Melanie.

"Tama, ibibigay natin sya sa kanila." Mas lalong nanlaki ang mga mata namin ng sumang-ayon si Jayson.

My Evil FiancéeWhere stories live. Discover now