CHAPTER 2 (first day)

390 14 0
                                    

Trixie's POV

"Trixie! Gising na!! Late kana sa first class mo!!" Tawag sakin ng 'di ko kilala. Pls just another 10 minutes.

Wait, Trixie? Ako yun ah.

"Trixie ano ba late kana anung oras na! Aba first day mo palang late kana agad!" Yun nanaman yung nagsasalita.

First day??

Napabalikwas ako nang bangon dahil sa gulat. First day ko nga pala dito sa Kim University oh my gosh!! Di ako nanaginip! Nag transfer nga pala ako dito..

"Anong oras naba?" Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ang dorm mate ko na nasa harap ng kama ko.

"7:00 na! 7:15 ang first class aba kebago-bago mo late-"

"Late na ako!" Hindi Ko na siya pinansin at agad-agad akong bumangon sa higaan ko, pumasok ako agad sa banyo para maligo.

Sabon, shampoo,hilod,banlaw tapos na.

"Wait yung uniform ko!" Nag hi-hysterical na ako ng may nakita ako sa kama na damit at may note sa ibabaw nito, nilapitan ko ito at binasa.

Trixie,
Ang cute mo kanina napaka-priceless ng itsura mo nung nalaman mong late kanagusto pa sana kitang tawanan sa katangahan mo kaso gaya nga ng sabi ko you're late, so here's your uniform nauna na ako, kita nalang tayo sa classroom

-Dyosang si Melanie <3

Aba't ang babaeng to nagawa pa akong tangahin? Pero mamaya ko na iisipin 'yon, sa ngayon mag bibihis na ako at late na ako.

----

8:03 am na sa wakas nahanap ko din itong room namin, akalain mo ba namang nakalimutan Kong bago nga pala ako dito at sa katangahan ko nga nakalimutan ko pa yung mapa na binigay ni Ms.Sandoval sakin. Kaya sa sobrang luwang ng eskwelahang ito nawala pa ako.

Kakatok na sana ako nang biglang may nagsalita sa likod ko.

"Ano? Tatayo ka nalang ba jan? O papasok ka?" Nilingon ko yung nagsalita at natulala na lang ako sa aking nakikita. Bakit ang gwapo ng nilalang na'to?

"Staring is a crime." Nilampasan niya ako at pumasok na ng classroom.

Wait,what? Staring? Tinititigan ko ba sya? At kelan pa naging krimen ang pagtitig?

"Ano tutulala ka nalang ba diyan o papasok kana?" Sabi ng teacher. 'Tong teacher nato walang originality narinig ko na po yan kay kuyang pogi.

Pogi?? Trixie ang landi mo!!

"Miss!! Kung ayaw mong pumasok lumayas kana dahil nakakaistorbo ka ng klase ko" sigaw ng teacher. Okay di naman ako nainform na may dalaw ngayon 'tong teacher ko.

"Sorry Ma'am nawala po kasi ako kaya ako late, alam nyo na bagong salta." Inunahan ko na sya kasi siguradong tatanungin nya rin naman ako eh.

"Dahil bago ka lang pagbibigyan kita. Minus 3 points sa exam bukas" sabi nya pa.

"What! Akala ko po ba pagbibigyan nyo ako bakit minus points agad??" Ano ba naman yan.

"Ayaw mo ng three? Baka naman gusto mo pa ng ten points ang ibawas ko sayo?" seriously, Dinadalawan din ako pero Hindi ako ganyan kasama.

"Ano ba magdadaldalan nalang ba kayo jan? sana sinabi nyo na agad Sayang ang binabayad naming tuition dito" sigaw ni Mr.pogi, hihi kinikilig ako ang cool nya kasi I think I'm falling in love.

Falling in love talaga Trixie?

"I'm sorry Mr. Kim" sabi nya Kay pogi bat ganun I have this feeling na Hindi lang basta estudyante dito si pogi .

"Go to your seat now." Naglakad na ako sa likod dahil yun nalang ang bakanteng upuan, ang totoo dalawang upuan ang bakante sa pinaka likod at sa tabi ni pogi.

Syempre sa tabi ako ni pogi umupo. Sakto namang nag ring yung bell hudyat na tapos na ang first subject.

"Galing mong tumayming ha akalain mong kakaupo mo lang tapos na agad first subject natin" sabi ng katabi ko ng lingonin ko sya, si Melanie pala.

Ganito yung arrangement ng upuan naman

Melanie-ako-pogi

"Nawala kasi ako eh" pagkakatwiran ko pero di naman kasi talaga sya katwiran kasi totoo naman.

"Melanie nga pala alam ko namang di mo pa ako kilala eh" pagpapakilala nya.

"Actually alam ko na name mo diba sa note kanina?" Naalala ko nanaman sinabihan nya ako ng tanga.

"Ah oo nga pala wag kang magalit sa tanga ha, kasi totoo naman yun eh hahaha" aba't ang babaeng 'to. Magsasalita pa sana ako ng pumasok na yung teacher namin.

Alex p.o.v.

'Di nya talaga ako maalala at Hindi din nya naalala yung ginawa nyang pagpatay kay Mommy .

Don't worry Trixie I'll make you remember everything. Then I'll make you pay.

Mag handa ka sa paghihiganti ko.



Trixie p.o.v.

Hapon na at tapos na ang klase namin. Nakapaghapunan na din ako, sa ngayon oras na para matulog.

Pero bago pumikit naalala ko nanaman yung nangyare kanina, first day napagilatan na ako agad. Ang pangit ng araw ko ngayon.

Ang magandang nangyare lang sakin ngayon ay nang makatabi ko si pogi.

Trixie ikakasal ka na diba? Kaya ka nga nandito.

Hay nako!! Kung hindi lang talaga dahil kay papa Hindi ko gagawin to.

------

-CrazyJaybie

My Evil FiancéeWhere stories live. Discover now