CHAPTER 3 (Encounter)

337 16 3
                                    

Trixie's POV

Maaga palang gising na ako, ayoko namang maulit yung nangyare kahapon, naligo at nagbihis na ako para sa pagpasok.

"Ang aga mo naman?" sabi ni Melanie.

"Oo, pasok na ako ha" paalam ko sa kanya, aalis na sana ako nang may maalala ako.

"Ah Melanie, can I ask something?" Tanong ko sa kanya.

"Sure, what is it?" Sabi nya habang nag aayos sa harap ng salamin.

"How did you know me?? I mean Hindi pa naman ako nag papakilala sayo ng pag dating ko dito, pero kilala mo na ako." lumapit ako sa kanya nang humarap siya sakin.

"Hindi mo ba talaga kami natatandaan?" Balik na tanong nya saakin.

"I don't understand" naguguluhan ako sa sinasabi nya.

"Never mind, basta ang mahalaga bumalik kana." nakangiti sya nang yakapin niya ako.

Ano bang pinagsasabi mo Melanie?

Madaming katanungan ang nasa isipan ko magsimula nang umuwi kami ni Dad dito sa Pilipinas.

"Tara na baka malate pa tayo." Aya niya saakin. Sabay na kaming lumabas ng dorm at pumasok sa classroom.

Nakapasok na kami dito sa classroom then something caught my attention. Hindi ko alam pero parang may nagtutulak saking tignan yun. Lumapit ako sa upuan ng teacher at tignan ko yung puting bagay na nandun, isa syang panyo Hindi ko alam pero parang pamilyar siya saakin.

"There it is, I thought nawala ko na 'to." Kinuha nya sakin yung panyo. "Thank you ha" nakangiti nyang sabi sakin bago umalis.

Bakit ganun parang pamilyar din sya sakin. At parang may masama akong kutob sa lalaking yun.

"Okay, go to your seats now then we're going to start the exam" pumasok si Ms. Dalaw kaya bumalik na ako sa aking upuan.

•••••
Natapos ang klase namin ng Hindi ko nakikita si pogi sayang isa pa naman sya sa dahilan kaya ako maagang pumasok kanina.

"Trixie, lunch na tayo." hinila na ako ni Melanie papuntang Cafeteria.

"Anong gusto mong kainin? Ako na oorder bantayan mo nalang 'tong upuan natin." sabi nya. Punuan na kasi dito sa cafeteria kaya wala na ding bakanteng upuan.

"Bakit nasa upuan sya nila Alex?" Rinig kong bulong ng mga nasa likod ko.

"Oo nga Hindi nya ba alam na bawal umupo ang kahit sino jan maliban kila Drix?" Tanong naman nung isa.

"I think transferee sya kaya di nya alam"

Seriously!? Nagbubulungan ba talaga itong mga ito? Rinig na rinig eh.

Well sa buong cafeteria yan lang ang naririnig ko at feeling ko ako ang pinag-uusapan nila.

"Melanie San kana ba?" Tumingin-tingin ako sa paligid at confirmed ako nga ang pinag-uusapan nila.

Nagtaka ako ng bigla silang nagsitahimik, nilingon ko kung ano yung dahilan nag pagtahimik nila at Hindi pala ano kundi sino.

Tatlong naggwagwapuhang lalaki ang pumasok ng cafeteria kasama si pogi.

"Alex is pretty awesome"

"Ang gwapo ni Drix"

"Akin lang si Jayson!"

Seriously! Ipangalandakan ba ang kalandian. Nagulat lang ako ng umupo silang tatlo sa harapan ko.

"Who gave you the permission to sit here?" Sigaw sakin ni pogi. Kahapon pa itong irita saakin ha. Wala naman akong ginagawang masama.

"Uhm-"

"Get out!" Sigaw nya sakin. Nanlaki nalang ang mata ko ng sipain nya ang upuan ko.

"Oh my! Kawawa naman sya feeling ko mag tra-transfer ulit sya sa ibang school." Bulong ng nasa likod ko.

"She didn't know who she's dealing with" bulong din ng katabi nya.

Natatakot ako sa inasta Sakin ni pogi, pero hindi ko puwedeng ipakita sa kanila ang takot ko. Kaya tumayo na lang ako at hinarap ang mga Babaeng  kanina pa ako pinag-uusapan. I think I can handle them, I also want to divert my attention to anything para mawala ang takot ko.

"Nagbubulungan ba kayo o ano? Rinig na rinig eh, sa susunod paki hinaan ha. Para naman hindi nahahalata na taga palengke kayo." Tumayo yung isa sa kanila at dinuro ako

"How dare you!" Galit na galit nyang sabi.

"I'm fine thank you!" Nakangiti ko ulit na sagot sa kanya.

"What." Naguguluhang tanong nya.

"I'm sorry dare pala yun akala ko are" tumawa pa ako para lalo syang mainis.

Sasampalin nya na sana ako nang umalingawngaw ang sigaw ni Melanie   Sa buong Cafeteria.

"What do you think you're doing." Sigaw ni Melanie galing sa counter, bitbit nya yung pagkain naming in-order nya.Nilapag nya yun sa mesa at hinarap yung babaeng palengkera.

"Don't ever lay your filthy hand on her!" Sigaw nya sa babae. Halata namang natatakot sa kanya yung babae kanina.

"I'm sorry." umiiyak siyang tumakbo papalabas ng Cafeteria.

"Ikaw di kaba susunod??" Turo nya sa isa pa. Agad agad namang umalis yung naiwang babae.

Humarap sya sakin at ngumiti. "Here's your lunch" masayang binigay nya sa akin yung pagkaing nasa tray na hawak nya kanina.

"Uhm, I'm sorry to interrupt your lunch but, hello we're here!" Tawag sa amin ng lalakeng nasa harap namin. Tsaka ko lang naalala na meron nga pala sila sa harap namin.

"What?" Cold na sabi ni Melanie, nagtaka naman ako kasi kanina ang tumatawa pa sya pero ngayon ang cold nya na.

"Mind telling us, who she is?" Tanong naman nang isa.

"She's Trixie, Alex's fiancee." Parang wala lang na sabi nya.

"What?" Sabay na sigaw ng dalawa. Tinignan naman nila si pogi na nasa tabi nila at nilipat nila ang tingin sakin.

"Wait how did you know?" Takang tanong ko sa kanya. Ang alam ko kasi wala akong nasasabi sa kanya na may fiancee na ako at lalong lalo na yung pangalan ng fiancée ko.

"Pinsan nya si Alex." sagot ng isa.

"What?" Nanlaki nalang ang mga mata ko, kaya pala kilala nya na ako kahit Hindi pa ako nagpapakilala.

"Yes" tipid sagot nya.

"But how come?" Tanong nung isa Kay pogi. Hindi siya pinansin ni pogi at tumayo na para umalis.

Problema non?

"Paano mo naging fiancée si Alex? " tanong nung isa. Sasagutin ko na sana sya ng maalala ko sya yung nasa I love you!!

Tinuro ko sya. "Diba ikaw yung lumabas sa I love you?"

"What" Sabay na sigaw ni Melanie at yung isang kasama namin.

"Sa dorm natin" mukhang nagtataka naman sila kaya "143 means I love you that's our dorm number.

Mukha namang nakuha na nila yung sinasabi ko.

" I'm Hendrix Lee , you don't have to call me I love you baka anu pang magawa sakin ni Alex . My friends call me Drix" inabot nya sakin yung kamay nya at tinanggap ko naman. He has this Playboy aura , matangkad sya maputi Gwapo.

"I'm Jayson Nam" gaya Kay Drix nakipag kamay din ako Kay Jayson. Matangkad din sya gaya ni Drix, chinito, Hindi gaya ni Drix, Jayson has a good boy aura.

Tatanungin ko sana si Drix kung anong ginagawa nya sa dorm nung araw na yun, nang tumunog ang cellphone nila.

Tinignan nila yon at sabay-sabay na tumayo.

"We have to go, kita nalang tayo sa dorm mamaya" paalam ni Melanie at sabay-sabay na silang lumabas.

Ano ba ang koneksyon ko sa inyong tatlo?

-----

-CrazyJaybie

My Evil FiancéeWhere stories live. Discover now