CHAPTER 49

130 5 2
                                    

Trixie's P.O.V.

Dumating ang gabing pinakahihintay ng lahat, ang paghaharap ng isang Hendrix Lee at Taylor Park.

Madilim na pero Hindi naging dahilan yun para Hindi panoorin ng mga taga K.U. ang kapanabik-nabik na paghaharap ng dalawa sa pinaka magagaling na estudyante ng Kim University. Pinaka-magagaling sa pakikipag bakbakan.

Dito mismo sa field kung saan tumatambay, at naglalaro ang mga taga K.U. magaganap ang madugong paglalaban nila Drix at Taylor. Lahat nananabik malaman at mapanood kung sino ang mananalo at matatalo.

"I'm sure Hendrix will win, we've seen him fight and he's good." Rinig Kong sabi ng katabi ko. Kaklase namin sya, pero Hindi ko Alam ang pangalan nya. Nakikita ko lang sya sa classroom. Halos lahat ng kaklase ko ilag saamin, kaya wala akong kakilala kahit isa sa kanila.

"I agree, napakalakas nyang manuntok. Napanuod ko syang lumaban sa underground battle, at masasabi ko na humanga talaga ako sa kanya." Sagot naman ng isa pa.

"Pero, napanood ko na ding lumaban si Taylor sa underground battle, and he's good too. Ang alam ko nga, humanga din sa kanya si Hendrix kaya hinamon nya ito ng duel." Rinig kong sambit naman ng isa pa nilang kasama. "At napanood nyo naman kung paano nya nilampaso sila James kanina, napatumba nya sila ng Hindi man lang lumilipat sa pwesto nya, at sila James ang susunod na pinakamalakas kila Alex." Dagdag pa nya. Ang tinutukoy nya sigurong James ay ang mga lalake sa Cafeteria kanina.

"At ang balita ko he's an assassin." Dagdag ko pa, gulat na gulat naman silang napatingin saakin, Hindi siguro nila Alam na katabi lang nila ako. Agad-agad silang humingi ng tawad at sabay-sabay na tumakbo papalayo.

See, iniiwasan nila ako. Hindi ko naman sila kakainin.

"Who do you think will win." Drake asked me. I just shrugged my shoulders.

"We'll see." Maikling sagot ko.

Umingay ang school ground ng mamataan si Drix na parang artista, dahil kakaway-kaway pa habang naglalakad. At ang mga babaeng kinakawayan nya at halos mahimatay sa kilig.

"Kahit kelan, malandi talaga ang lalakeng yan." Asar na sambit ni Melanie, gaya namin nakatingin din sya Kay Drix na nagbibigay pa ng flying kiss sa mga nadadaanan nya. "At ang mga babaeng yan, nagpapalandi naman." Natawa na lang ako sa komento nya.

"Sabihin mo na lang na nagseselos ka." Singit naman ni Jayson.

"Gusto mo bang Itali ko sayo si Drix?." Pang-aasar naman ni Alex.

"Gusto mo na din bang mamatay?." Asar na sambit ni Melanie. "At bakit ako magseselos?, e bakla naman yang si Drix."

"Hoy, narinig ko yun ha." Sigaw naman ni Drix na papalapit na saamin.

"Bakit Hindi ba?"

"Gusto ko bang halikan kita dito?"

"Sige nga." At ngumuso pa sya. "Ano! Hindi mo kaya?! Kasi nga bakla ka. Kaya nga diba hinamon mo si Taylor diba? New flavor." Dagdag pa nya ng hindi na gumalaw si Drix sa kinakatayuan nya. Para namang natahuan sya at agad-agad tinakpan ang kanyang ilong.

"Nagbago isip ko, Melanie did you even brushed your teeth before you get here?" Nadidiring tanong pa nya. Magsasalita pa sana si Melanie nang umingay ulit ang paligid, at nang tignan ko kung ano ang dahilan ng ingay ay napailing na lang ako. Gaya ni Drix, kakayaw-kaway ding naglalakad si Taylor sa mga babaeng tumitili ng pangalan nya.

"I'll bet on Taylor." Ani Melanie. Tinignan naman sya ng masama ni Drix.

"I'll bet on him too." Saad naman ni Alex.

"Seryoso ba kayo?!" Nanlalaki ang mga mata nya. "Ako ang kaibigan nyo. Diba dapat ako ang sinusuportahan nyo?" Kunyaring nasasaktang sambit nya.

"Don't worry, sayo ako." Nagliwanag naman ang mukha nya sa sinabi ni Drake.

"Yeah, man. ikaw lang talaga ang tunay na kaybigan ko." Inakbayan pa nya into, samantalang inirapan nya naman si Melanie at Alex.

"Ipapakita ko sa inyo. Ako ang mananalo." Sambit nya at naglakad na papunta kay Taylor.

Umingay ang paligid ng pumwesto na silang dalawa.

Lahat nagpupustahan kung sino ang mas magaling, kung sino ang mas malakas, kung sino ang mananalo.

Unang sumugod si Taylor at binigyan nya ng isang flying kick sa mukha si Drix, ngunit bago pa dumikit ang paa nya sa mukha ni Drix, agad na syang umatras at sinipa ang paa ni Taylor, nahulog naman ito sa lupa, pero nagawa pa ding makatayo ng diretsyo ni Taylor.

Sumugod din si Drix At pinaulanan sya ng suntok, wala namang kahirap-hirap na iniiwasan at sinasangga ni Taylor ang mga suntok nya, pero Hindi na nakita ang paparating na paa ni Drix at nasipa Sya sa mukha. Pumutok naman ang labi nya, ngumisi lang sya at agad umikot papunta sa likod ni Drix at sinipa at ulo nito. Agad natumba si Drix at sumubsob sa lupa.

"F*ck." Malakas na mura nya. Tumulo ang dugo galing Sa ulo nyang sinipa ni Taylor, Ganon sila kalakas,na isang sipa at isang suntok lang nila sa isa't-isa ay pumuputok at dumudugo na ito.

Umikot naman si Drix at sinipa ang paa ni Taylor para mapaluhod naman ito. Ginamit nya ang pagkakataon na yuon at mabilis na tumayo at siniko ang ulo ni Taylor. Lumabas ang madaming dugo sa bunganga nya nang mapahandusay sya sa sahig.

"Argh!" Malakas na daing nya nang biglang maglabas ng tatlong shurikken si Taylor at hinagis lahat ito kay Drix, naiwasan naman ito ni Drix pero hindi nya napansin ang dagger na dali-daling binunot ni Taylor, at isinaksak sa paa nya.

Mabilis na tumayo si Taylor at inilabas pa ang dalawang dagger sa suot nyang leather jacket. Mabilis nya itong hinagis kay Drix.

Nasalo ito ni Drix at pinatama sa direksyon ni Taylor, mabilis lang itong naiwasan ni Taylor. Humugot din si Drix ang tatlong dagger at pinatama ang dalawa sa direksyon ni Taylor. Habang iniiwasan ni Taylor ang mga dagger mabilis na nakalapit sa kanya si Drix at isinaksak ang dagger sa braso nya.

Inilabas na nilang dalawa ang mga katana nila na hindi ko alam kung paano paano nagkakasya sa mga suot nilang jacket.

Pareho nilang iwinasiwas ang mga hawak nilang katana, para lang silang sumasayaw na dalawa, bawat wasiwas nila yun naman ang pagbabangga ng mga katana nilang dalawa. Nagpaulit-ulit lang sila ng mga sampong minuto ng biglang may nagpaputok ng baril. Gulat kong hinanap ang pinggalingan ng putok ng baril na yuon, dahil katana lang ang hawak ng dalawang naglalaban alam kong wala sa kanila ang nag paputok.

"Hide!" Malakas na sigaw ni Jayson na nagpaalarma sa mga kasama naming mga estudyante.

Agad naman silang nagsitakbuhan, ang iba nagtago, ang iba at naglabas ng mga armas nila para iligtas ang mga sarili kung sakaling may may umatake sa kanila.

Si Taylor at Drix ay pareho na ding nakatago nakalabas ang mga baril nila na hula ko ay hinugot nanaman nila sa. mga suot nilang leather jacket.

"F*ck! ang galing talaga nilang tumayming." Ani Drake, at nag-umpisang tumakbo papunta sa mga kahoy, upang pagtaguan.

Naramdaman ko namang hinila ako ni Jayson at pinatago sa tabi nila Alex at Melanie.

Ngayong nakatago na ako, kita ko kung paano ulanin ng mga bala ng baril at pana ang school ground kung saan kami nanunuod ng laban nila Drix at Taylor kanina.

"Royal Death." Galit na ani ni Jayson.

Napangisi naman ako. Ganito ba ang gusto nilang laro? Sige pagbibigyan namin sila. Pero umaasa ako na pinaghandaan na din nila ang kamatayan nila.

Dahil ang kapalit ng makikipag-laro nila saamin Ay ang mga buhay nila.

My Evil FiancéeWhere stories live. Discover now