CHAPTER 55

149 6 2
                                    

Drake's P.O.V.

Iminulat ko ang mga mata ko at sinalubong ako ng liwanag na hindi ko Alam kung Saan nanggaling. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko dahil sa sakit ng matamaan ng liwanag.

Nagmulat ako ulit at hinayaan ang mga mata kong masanay sa liwanag at nang luminaw na ang paningin ko ay inilibot ko ang aking tingin.

Puting kurtina, puting sahig, puting pader, puting kama, puting kumot. Bumuntong hininga ako nang malaman ko kung nasaan ako.

I'm sick of this place.

"Hey, are you alright?" Tanong ni Taylor, pagkapasok nya ng pintuan.

"Yeah." sinubukan Kong tumayo pero naramdaman ko naaman ang kirot sa paa ko.

"Are you sure you're all right?" Inalalayan nya akong maupo.

"Masakit, pero okay lang ako." Inilibot ko ulit ang paningin ko at napangiwi. "Let's get out of here. Pakiramdam ko Hindi ako makahinga pag nandito ako." Tila nakuha nya naman ang ibig Kong sabihin at tumango.

"Magpahinga ka muna habang inaayos ko ang mga gamit mo, alam na ng Dad mo ang sitwasyon Mo kaya pwede na tayong umalis ngayon din." Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Sino?" Takang tanong ko sa kanya. Magsasalita na sana sya nang may maalala sya.

"I forgot." Natatawang sambit nya. "Daddy nyong dalawa ni Alex." Pagbibigay alam nya. Tumango na lang ako. "But we have a problem." Awtomatikong napatingin ako sa kanya sa sinabi nya. "Your father, I mean the one who raised you. Nagbigay na sya ng utos na kumilos na." Pakiramdam ko at bigla akong lumakas at nakatayo.

"What did you just said?" Gulat na tanong ko sa kanya.

"Pero paano na ang Plano?! masisira ang plano kung kikilos na sila ngayon." Napahilamos ako sa mukha ko sa sobrang asar.

Hindi pwede. Kailangang sundin ang plano.

"Tutuparin naman sana nya ang plano Drake, pero nasaktan ka, sinaktan ka nila. Kaya sa sobrang galit nya, nag-aapura na syang ubusin sila." Gaya ko ay parang asar na asar na din sya. Nilapitan ko sya at hinila na.

"We can't just stand here. Kailangan natin syang pigilan." Hinila ko na sya pero bago kami makalabas ng pinto pinigilan nya ako.

"Kailangan  natin syang pigilan, pero bago. Natin  gawin yun." Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. "Mind if you change your clothes before we leave." Nakangiwing sambit nya.

Tinignan ko naman ang suot ko at napailing. Nakadamit pa pala ako pang pasyente.

"Wait for me here." At mabilis akong nagpalit gamit ang damit na ibinigay nya saakin.

Pagkalabas ko ng CR sinalubong ako ni Taylor.

"Charmaine is with your Dad right now. We have to hurry."

Mabilis kaming nakarating sa opisina ni Dad.

"Dad, what are you doing? ang akala ko ba napag-usapan na natin na ipapaubaya nyo na sila saamin!" Galit na galit ko syang tinignan sa mga mata. Hindi na sya nagulat sa biglaang pagpunta namin dito, dahil siguro sinabi na ni Charmaine sa kanya.

"Son!" He ignored what I said and hug me. "Are you all right?" Tinignan nya pa ang buong katawan ko at napako ang mga mata nya sa nakabenda pang paa ko. "Hindi ka pa okay, pero bakit nandidito ka na?"

"Dad, answer me!" Tumaas na ang boses ko sa frustration. "Anong nangyare?! bakit kumikilos na kayo? diba ang sabi ko, kaya na naming tatlo ito. Wala ka bang tiwala saamin?"

"Drake!" Saway saakin ni Charmaine, pero itinaas lang ni Dad ang kamay nya para patahimikin sya.

"I trust you." Tumingin sya saaming tatlo. "I do trust you, pero ibang usapan ang pananakit nila sayo Drake, as a father, I won't sit still if they hurt my child." Gaya ko at sumeryoso na din sya.

"Dad I'm okay, Hindi ako napuruhan. Please, bawiin mo ang utos mo. Madami na kaming nagawa, please don't ruin our plan." Nagpakawala sya ng buntong hininga.

"All right, but promise me." Hinawakan nya ako sa balikat. "Promise me, you'll be safe." Tumango ako sa kanya bilang sagot.

"I will."

Humarap sya kila Taylor at Charmaine.

"Kamusta yung pinapatrabaho ko sa inyo?" Tanong nya sa kanila.

"Masyado silang mailap, pero alam na namin kung saan sila nagtatago." Si Taylor ang sumagot, at Hindi nakatago saakin at ngisi sa mga labi nya.

"Good. Paglaruan nyo muna sila, bago patayin."

MELANIE'S P.O.V.

One week later.

"Melanie, Melanie, gumising ka na, malelate na tayo." Naramadaman kong lumilindol, pero wala akong pakielam.

"Melanie, ano ba, Bumangon ka na Jan." Kung pwe-pwede lang maglaho ngayon at sa susunod na buwan na lang ulit lumitaw.

May narinig akong bumukas na pinto at mga yabag ng paa.

"Ayaw pa din ba?" Rinig Kong tanong ng boses lalake, na alam ko namang si Alex.

"Ayaw pa din eh." Sigurado akong nakanguso na nagyon si Trixie.

"Hayaan mo na, wag na lang muna natin syang istorbohin." Naramdaman Kong may tumabi saakin. He pat my head under the blanket. "Magpahinga ka muna, nandito lang kami." Naramdaman ko na lang na may luhang nalaglag galing sa mata ko.

Nang marinig kong sumara na ang pinto alam Kong lumabas na sila. Tinanggal ko ang kumot na nakatakip sa mukha ko at bumontong hininga.

I hope he's okay.

Walang gana akong tumayo at tinignan ang ulap sa bintana sa tabi ng kama ko.

Nandito ako ngayon sa dorm, at nag-iisa.

Ang ganda ng sikat ng araw. Nakikita ko pa mula dito ang mga kapwa estudyante ko na naglalakad sa field. Hindi gaya ko, mukhang masisigla sila at masaya.

Nang napagod na ako kakanuod sa kanila, bumalik na ako sa kama ko at nagtalukbong.

Umaasang sana sa paggising ko isang masamang panaginip lang ang lahat.

My Evil FiancéeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora