CHAPTER 54

142 5 8
                                    

Drix's P.O.V.

"Kelan ba nila tayo titigilan?!" Frustrated na ginulo ni Alex ang buhok nya. Kanina pa sya palakad-lakad sa harapan namin, nahihilo n nga ako eh.

Nandito kami ngayon sa hospital, dahil pagkatapos mawalan ng malay ni Drake kanina kataka-takang biglang nagsitakbuhan ang mga lalakeng sumugod saamin kanina, para nga silang nagulat sa nangyare at mabilis na nagsitakbuhan na parang natakot.

Si Taylor at Charmaine ang humabol sa kanila kasama ang ibang kasama naming mga estudyante kanina, ang alam ko nga ay pinauwi na silang lahat dahil nga sa nangyare kahapon, pero laking gulat ko ng bigla silang lumitaw at tinulungan kami.

Ang akala ko talaga mamamatay na ako sa pagsabog kanina. Mabuti na lang napansin ko yung patibong, bago pa man umabot ang sasakyan ko sa manipis na lubid na nakakonekta sa bomba at mabilis kong nabuksan ang pintuan sa tabi ko at mabilis na tumalon, pero sa pagbagsak ko may nadaganan ang paa ko na malaking ugat at nakaramdam ako ng hapdi, nabali ata ang paa ko.

"I swear! kung may nangyareng masama sa kapatid ko, papatayin ko sila!" Galit na galit nyang pinagsusuntok yung pader na malapit sa kanya.

Kanina pa sya ganyan, nagulat na lang kami ng sumigaw si Trixie at Melanie. Paglingon ko sa kanila, sinusubukan nilang gisingin si Drake, yun na din yung nagsitakbuhan ang mga kalaban namin. Agad namin syang sinugod dito sa hospital namin, at hanggang ngayon naghihintay pa din kami ng balita.

"Hoy lalake." Lumingon ako sa tumawag saakin at walang iba kundi si Melanie. "Nandito na din tayo, ipakita ko na yang paa mo, kanina pa yan namamaga." Napangiti naman ako sa sinabi nya. "Wag mo akong nginingitian Drix, pag may nangyare sa pinsan ko, sinisigurado ko na mamamatay silang lahat." Tinaasan nya ako ng kilay nang mapansin nyang Hindi pa din nawawala ang mga ngiti sa labi ko. "Ano bang problema mo? please Drix, nag-aagaw buhay ang pinsan ko ngayon. Alam Kong baliw ka, pero wag  ka munang sumpungin ngayon, dahil baka pasabugin ni Tito ang hospital na mamanahin mo." Pero hindi  pa rin nawawala ang mga ngiti sa labi ko. "Tigilan mo nga yang kangingiti mo Jan! Nakakaasar." At iniripan nya ako.

"Pasensya ka na mahal, Hindi ko lang maiwasan na maging masaya, dahil nag-aalala ka sa kalagayan ko." Awtomatiko namang nagsalubong ang mga kilay nya.

"Mahal?! Yuck, kadiri. San mo napulot yan Drix? at tsaka sa pinsan ko ako nag-aalala Hindi sayo." Depensa nya.

"Eh bakit defensive ka?!" Nakangiti ko pang tanong sa kanya.

"Hindi ako defensive, nagsasabi lang ako ng totoo Drix, wag kang assuming."

"Ano nga ulit yung sabi mo sakin kanina?-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko, dahil agad-agad nyang tinakpan ang bibig ko.

"Isang salita pa, Hindi ka na mamumukhaan ng mga babae mo." Hindi sa assumero ako, pero nakita ko talagang pumula ang pisngi nya. Tinanggal ko ang pagkakatakip ng palad nya.

"Bakit dahil bubugbugin mo ako? bubugbugin mo ako sa pagmamahal." Tatawa pa sana ako pero naramdaman ko na lang na may dagger ng nakadikit sa leeg ko. "Chill, I'm just kidding okay?" Napataas pa ako ng kamay dahil nakikita ko sa mga mata nya na Hindi sya magdadakawang isip na isaksak sa leeg ko ang hawak nyang dagger.

Nakahinga ako ng maluwag nang tinanggal nya yung dagger sa leeg ko.

"Mabuti at nag-kakaintidihan tayo." May dumaan na nurse at hinarangan nya ito ng kanyang paa, dahilan para Hindi sya nakadaan at huminto. Nagtataka syang tinignan ng nurse.

"Nurse, can you get this annoying guy here. Bali ata ang paa nya. Pakicheck naman." Utos nya sa nurse.

"Sige po ma'am." Kinikilig na sambit nya. Nagulat ako ng kindatan nya ako. "Hi Sir." Nagpapacute ba sya saakin?

"Nurse, nagbago isip ko. Umalis ka na dito at baka sayo ko isaksak itong hawak ko." At itinutok pa nya ang hawak nyang dagger sa nurse.

Mabilis na nagtatakbo yung nurse sa takot.

"What?!" Napaatras ako sa sobrang talim ng tingin nya saakin. Mas matalim pa ata young tingin nya kesa sa dagger na hawak-hawak nya.

"Kung lalandi ka, sana sa mga kaedad mo lang. Nakakadiri ka talaga." Magsasalita pa sana ako ng may hinarangan ulit syang isang nurse, pero di gaya kanina lalake na ito. "Lalake ka ba? Hindi ka ba bakla?" Halos manlaki naman ang mga mata ng nurse sa sinabi nya.

"Lalakeng-lalake ako ma'am."

"Good! Pakitignan yung paa nya." Sabay turo saakin. "Pakitingin na din yung ulo nya. Hospital nya ito kaya kung pwepwede pakipalitan na din yung utak nya yung malake-lake."

"Hindi ko alam, kung mata-touch ako sa pag-aalala mo saakin, o maiinsulto sayo." Nakita Kong ngumisi sya.

"Alam mo naman na I care for you. Kaya nga pinapapalitan ko yang utak mo." Yung ngiti nya, gustong-gusto Kong burahin sa mukha nya yung nakakaasar na ngiti nya.

"Ewan ko sayo, bahala ka sa buhay mo."

SOMEONE'S P.O.V.

Bumukas ng napakalakas ang pintuan at iniluwa nito sya na may galit na galit na ekspresyon.

"Hanggang kelan ba tayo mananahimik?" Bungad nya saakin.

"Napag-usapan na natin ang tungkol dito." Walang ganang sambit ko sa kanya.

"Hanggang kelan ba natin sila hahayaan na gamitin tayo. Nagpapanggap silang tayo, tayo ang nakakatanggap ng galit nila! Pero hanggang kelan tayo mananahimik!" Sa sobrang galit nya ay sinuntok nya ang pader na nasa malapit sa kanya. "Nagpapanggap silang tayo, mapapalagpas ko yon, pero Hindi ko mapapalagpas ang ginawa nila Kay Drake." Tumingin sya sa mga mata ko, kitang-kita ko na desidido sya sa kung ano man ang iniisip nyang gawin. "Papatay ako para saating lahat."

"What happened to Drake."

"Sinaktan nila sya, they hurt your son. Napana sya kahapon nang sinugod nila kami, pero Hindi namin alam na may lason ang panang tumama sa kanya, sa ngayon nasa hospital sya, pero wag kang mag-alala naibigay na sa kanya ni Charmaine ang antidote." Tinignan ko sya ng diretsyo sa mata.

"Tama ka, masyado ng mahaba ang pananahimik natin. Oras na para isagawa ang plano. Ihanda ang lahat kikilos na tayo." Sambit ko na nagpaaliwalas ng mukha nya.

"Masusunod po." Yumukod sya at lumabas na.

Tinignan ko ang litrato ng anak ko at pinagmasdan ito.

"Mamamatay ang mamamatay, pero sinisigurado Kong mabubuhay ka."

My Evil FiancéeWhere stories live. Discover now