CHAPTER 63

78 3 0
                                    

Trixie's P.O.V.

Bakit ganito? bakit nangyare ang ganito? ang naaalala ko masaya kami. Pero bakit naging ganito? bakit nangyayare ang ganito?

Naglakad ako papunta sa mini forest, gusto ko munang mapag-isa. Habang naglalakad ako ay nasalubong ko sila Jeremy at Jacob.

Huminto sila nang makita ako.

"What happened?" Nag-aalalang tanong sakin ni Jacob. Napansin ata nyang galing ako sa pag-iyak.

"Bakit ganon? bakit nangyayare ang ganito? ang alam ko magkakaibigan tayo, pero bakit nila tayo pinagtaksilan?" Humagul-gol na ako dahil hindi ko na kaya.

Naramdaman ko ang tapik nilang dalawa sa balikat ko. Narinig ko din ang pagbuntog-hininga nilang dalawa.

"I'm sorry." Rinig kong sambit ni Jeremy. Nilingon ko sila at pareho silang nakayuko.

"Sorry for what?" Tanong ko.

"Kung hindi sana kami bumalik, at sinabi lahat ng nalalaman namin, hidi magkakaginto." Sagot ni Jacob.

Alam kong sila ang may kasalanan kaya kami nagkakaganito, pero ginawa lang nila ang dapat.

Pareho ko silang binatukan at pareho nila akong tinignan ng masama.

"Sira, walang may kasalanan, nag tiwala lang tayo, pero tinake for granted nila tayo. At ginawa nyo lang ang tama." Gumaan naman medyo ang pakiramdam ko dahil sa kanila.

"But still, nagkawatak-watak tayo dahil saamin." Napasimangot ako sa sinabi ni Jacob.

"Sabihin mo yan Kay Drix." Sumimangot din sya sa sinabi ko.

"Ayoko nga. Papatayin ako ng gag* na yun." Natatawang sagot nya.

Napahinto lang kaming tatlo nang may maramdaman kaming ibang tao sa paligid, at bago pa kami matamaan ng kung ano mang paparating saamin, nasangga na yun ng katana ni Jeremy.

"Trixie hide!" Malakas na sigaw ni Jacob. Pinapalibutan na kami ngayon ng mga nakaitim na lalake. At lahat sila ay may hawak na baril, baseball bat, katana at dagger.

Hindi na ako makakilos dahil isa-isa silang lumalapit saamin. Pumosisyon si Jacob at Jeremy para lumaban. Sa dami ng mga nakapalibot saamin, alam kong matatalo sila.

Pero laking gulat ko nang biglang nagsitumbahan ang Kalahati ng mga lalakeng nakapalibot saamin kanina.

Napatumba ba nilang dalawa lahat yan?

Nakanganga akong nakatingin sa mga nakahandusay ng mga nakaitim na lalake.

I think I underestimated them.

Hindi ko man lang napansin kung paano nila napatumba lahat ng nakahandusay sa lupa.

Ngayon sabay-sabay ng sumugod ang mga natitirang nakaitim na lalake.

Bawat atake ay nasasangga nilang dalawa. Hawak ni Jeremy ang katana nya at parang laruan lang na iwinawasiwas nya ito sa ere.

Si Jacob naman ay may hawak na baseball bat at bawat lalakeng lumalapit sa kanya ay walang away nyang hinahampas sa iba't-ibang parte ng katawan nila.

Napatili ako ng may maramdaman akong malamig na bagay sa sentido ko. Hindi man ako lumingon pero alam kong baril ang nararamdaman kong nakadikit na malamig na bagay na nakadikit sa sentido ko.

"Don't move, kung ayaw mong kumalat ang utak mo dito." Nanginig ako sa lamig ng boses ng taong nasa likod ko.

Hindi pa napapansin ni Jacob at Jeremy ang nangyayare. Dahil busy pa silang dalawa sa pakikipag-laban sa mga natitirang kalaban nila.

"Do you think, maisasalba nila ang buhay mo?" Sarkastiko syang tumawa. Ramdam ko ang hininga nyang tumatama sa mukha ko. "Sa tingin mo ba, kaya kang iligtas ni Alex? Alex is the first person who want to see you dead. Pag pinatay kita ngayon, baka pasalamatan nya pa ako."

"No, kilala ko sila, they will not hurt me, they are my friends, mag kakaybigan kami." Gaya kanina sarkastiko ulit syang tumawa.

"Do you believe na kaybigan ang Turing nila sayo? alam ba nila ang sikreto mo?" Pakiramdam ko biglang huminto ang oras sa sinabi nya.

"A-ano bang pi-pinag-sasabi mo?"

"Sa tingin ko Hindi pa, sa tingin mo ba pag nalaman nila ang sikreto mo ililigtas ka pa nila? mag-uunahan silang patayin ka gaya ng ginagawa nila ngayon sa ibang kaybigan mo." Hindi ko namalayan tumutulo na pala ang luha ko.

"S-sino ka ba talaga? anong alam mo saakin?!" Takot na takot ako.

Natatakot akong totoong ngang may nalalaman sya saakin.

"Everything, alam ko ang lahat ng tungkol sa iyo."

"Trixie!!" Susugod na sana sila Jayson at Jacob sa lalakeng nasa likod ko kaso mas diniinan nya ang pagkakadikit saakin ng baril na hawak nya.

"Hanggang jaan na lang kayo." Pagbabanta nya sa kanila.

"Bakla ka ba?" Inis na sambit ni Jacob.

"Wag kang mag tago sa likod ng babae. Labanan mo kami. O baka gaya ka din ng mga tahuan mong mahihina." Tukoy ni Jeremy sa mga lalakeng nakahandusay na ngayon sa lupa. Naubos na pala nilang dalawa ang mga lalakeng naka-palibot saamin kanina.

"Hinahamon nyo ba ako?" Asar na sambit naman nya. Hanggang ngayon Hindi ko Alam ang itsura nya, dahil nananatili sya sa likod ko.

"Hindi na kailangang hamunin ka pare, halata namang mahina ka eh." Mayabang na saad ni Jacob.

Ramdam ko na humigpit ang hawak nya sa balikat ko.

"Kung yan ang gusto nyo, sige pagbibigyan ko kayo." Ang akala ko pakakawalan nya na ako, pero inilapit nya ako sa puno at itinali ang buong katawan ko doon.

Ang bilis nyang kumilos, Hindi ko man lang namalayan na naitali na pala nya ako.

"Bakit mo sya tinali? Hindi sya aso." Itinuro pa ako ni Jacob.

"Pag natalo nyo ako, ibibigay ko sya sa inyo, pero pag natalo ko kayo, tandaan nyong ito na ang huling laban nyo, dahil tatapusin ko na kayo ngayon."

"Wag puro sat-sat, umpisahan na natin para makawala na sya."

Unang sumugod si Jacob sa kanya at pareho silang napaatras ng tatlong hakbang sa lakas ng suntok nilang dalawa. Sumunod naman si Jeremy at nagawa nyang masuntok ang mukha ng kalaban nila, pero naibalik nya yuon nang tamaan din sa panga si Jeremy.

Ang lakas nya.

Dumugo ang gilid ng bibig ni Jeremy, pero nagawa nyang mailabas ang tatlong dagger at ihagis ito sa kalaban nila. Pero parang hangin lang na naiwasan nya ang mga ito.

Ganun din ang ginawa ni Jacob at nagawa nyang madaplisan ang gilid ng pisngi ang kalaban.

Biglang nawala si Jeremy at napansin ko na lang na may nagtatanggal ng tali sa katawan ko.

"Hey, that's cheating!" Pinaputok nya ang hawak nyang baril at nagulat na lang ako ng may maramdaman akong mahapdi sa braso ko.

"Sh*t!. Bakit mo sya binaril?!" Galit syng sinugod ni Jacob at nahiwa ng dagger nya ang binti nya.

"Trixie!" Naririnig kong tawag nila. Medyo nahihilo ako, umiikot ang pakiramdam ko.

Pero bago pa ako mawalan ng malay, nakita kong nakaakbay na si Jeremy sa kalaban nila kanina.

"Bakit ba kailangan pang palabasin na dudukutin natin sya, pwede nyo naman syang kunin ng walang hirap." Reklamo ng lalake.

What's happening here?

Yumuko saakin si Jeremy at nginitian ako.

"Pasensya na Trixie, trabaho lang walang personalan. Kailangan ka naming dalhin sa boss namin."

Bago pa mag-dilim ang paningin ko, nakuha ko na ang nangyayare.

Nakita ko ang tattoo na nasa pulsuhan nya bungo na may korona sa ulo. Ang simbolo ng Royal Death.

Hindi si Jayson at Drake ang sinasabing traydor sa sulat, sila ang traydor, sila ang kalaban.

My Evil FiancéeWhere stories live. Discover now