CHAPTER 46

154 7 1
                                    

Trixie's P.O.V.

Pumasok na kami sa pintuan, at bumungad saamin ang isang hagdanan pababa. Nag-umpisa kaming maglakad pababa, si Drake ang nasa unahan at kasunod nya sila Drix at Jayson nasa likod naman nilang dalawa si Melanie at Alex at ako ang nasa hulihan.

"Anong meron sa baba? bakit pababa ang hagdan na ito?" Tanong ni Melanie.

"Because the hideout that Drake's talking about is underground, you idiot. Aray!" Agad hinila ni Melanie ang tenga ni Alex na katabi nya.

"What did you just say?!" Iritang tanong nya. Napangiwi naman si Alex sa sakit ng pagkakapingot ni Melanie. Sila Drake, Jayson at Drix naman ay walang pakeelam at nagpatuloy sa pagbaba. Habang ako pinapanuod lang silang dalawa dahil nakaharang silang dalawa saakin.

"Ang sabi ko ang ganda mo, ikaw ang pinakamagandang pinsan ko! Aray!" Mas lalo lang hinigpitan ni Melanie ang pagkakapingot sa tenga nya.

"Niloloko mo ba ako, Alex Tyler Kim?! Ako lang ang pinsan mong babae!" Inis na sigaw pa nya sa mismong tenga ni Alex.

"Help!! This girl will kill me! Trixie tulongan mo ako, papatayin nya ako!" Agad naman akong natawa sa kanilang dalawa. Namiss ko talaga itong mga ganitong eksena nilang magpinsan.

"Talagang papatayin kita!"

"Kung Hindi kayo magpinsan iisipin ko na gusto nyo ang isa't-isa."

"Draaaake!" Mabilis na nakatakbo si Alex sa tabi ni Drake at itinuro si Melanie. "She's a witch! gusto nyang tanggalin ang tenga ko!" Parang batang sumbong nya Kay Drake. Natawa naman si Drake.

"Sige, pagtulungan nyo akong magkapatid, gusto nyo bang pagpalitin ko yang mga mukha nyo?"

"Baka nakakalimutan mo kambal kami."

"Shut up!" Mabilis na nagtakbuhan silang dalawa. "Pakiramdam ko ang tanda ko na, stress na stress ako sa mga lalakeng yan."

"Mahal mo naman sila eh." Pinanlakihan nya ako ng mga mata nya.

"Wag mong ipaparinig sa kanila yan, lalaki lang ang mga ulo ng mga yan, lalo na Kay Drix." Tumango na lang ako.

"Masusunod." At nagtawanan kaming dalawa.

"Let's go." At nag-umpisa na din kaming bumaba.

"Tignan mo nga kung may tenga pa ako?" Nadatnan naming nakaupo silang apat sa isang sofa habang tinatawanan nila ang tenga ni Alex na sobrang pula dahil sa pagkapingot sa kanya ni Melanie.

"It's as red as hell." Tumatawang tinuro pa ni Jayson yung namumulang tenga ni Alex.

"I think meron pa naman eh." At pagkatapos sinilip ni Drix yung tenga nya. "Pero sa tingin ko konting pitik lang Jan malalaglag na yan." Pang-aasar pa nya. Salubong na salubong naman ang kilay ni Alex at sinamaan sila ng tingin, yung tingin na kung nakamamatay siguradong nakabulgta na si Drix at Jayson sa sahig.

"Masyado kang O.A. Alex, wala naman akong ginawang masama sa tenga mo ha."

"Anong wala?! Nakikita mo itong tenga na ito." Sabay turo sa namumula pa ding tenga nya. "Baka nakakalimutan mong ikaw ang may gawa nito." Galit na sigaw nya. But Melanie just shrugged her shoulder.

"Here." At may ibinato si Melanie sa kanya na isang candy, agad-agad naman itong nasalo ni Alex.

"What is this for?!" Takang tanong pa nya.

"Peace offering, para tumigil ka na sa kakangawa mo Jan, naiirita na ako sa iyo."

"Wow! Just wow! ikaw pa ang may ganang mairita!? You almost ripped my ear off."

My Evil FiancéeWhere stories live. Discover now