CHAPTER 51

128 5 2
                                    

Trixie's P.O.V.

Dali-dali kaming tumakbo papuntang likod ng Cafeteria, pero Hindi naging madali ang pagtakbo namin, dahil bawat metro ay may nakaabang na mga kalaban para sugudin kami.

"Mauna na kayo, ako na ang bahala sa kanila." Utos ni Jayson, aangal pa sana kami ng binato nya ng dagger ang lalakeng papasalubong saamin.

"Mag-iingat ka." Bilin sa kanya ni Drake.

"I will. Go get the chip." Naramdaman Kong hinila ako ni Drake at tumakbo ulit. Sinabi ko na sa kanila kung saan ko naalalang nilagay ang chip, kaya tumatakbo kami para makuha ito.

"Ang dami nila." Reklamo ni Drake. "Ilang libo ba ang miyembro nila, at parang Hindi sila nauubos." Dagdag pa nya. Napahinto kami nang biglang may dumaan na pana sa harap namin. Sa side namin ang limang lalake na may hawak na pana ang nakatutok saamin.

Hinanda ni Ms. Dalaw ang katana na dala nya at pumunta sa harap namin.

"Ako na dito. Pumunta na kayo." Masungit na sambit nya. Nag-aalala akong tumingin sa kanya. Lima sila at mag-isa lang sya, tsaka pana ang mga hawak nila.

"Don't underestimate her. Mas madami na syang napatay kumpara sa hibla ng buhok mo. She can handle them." Parang nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabing yuon ni Drake.

Nagpatuloy kami sa pagtakbo at natatanaw ko na si Alexie, ang puno na anak namin ni Alex, Hindi ko maiwasang mapailing pagka naalala ko kung paano namin sya naging anak. Ang hindi ko alam, ako pala ang babaeng sira ulo ang nag pangalan at umangking anak ang punong yan.

Napahinto kami nang biglang nadapa si Drake at namilipit sa sakit ng hawakan nya ang dumudugong paa nya. Nakatusok dito ang pana na nanggaling sa mga kalaban.

"Drake!" Nag-aalalang tawag ko sa kanya. Pinutol nya ang dalawang side ng pana at tumayo. Patuloy pa din ang pagdudugo ng paa nya ng naglabas sya ng dalawang baril at tinutok ito sa mga may hawak na pana na nasa likod namin kanina.

"Malapit na ang puno, kaya mo nang kunin ang chip, I can handle them. Iwasan mo lang ang mga panang pupunta sa direksyon mo." Tumango na ako at nagsimulang tumakbo papunta sa puno. Yumuyuko at lumiliko ako ng takbo pagka nararamdman kong may paparating na pana. Hindi na ako nag-aalala Kay Drake, dahil may tiwala ako sa kanya. Sa ngayon ang kailangan Kong gawin ay makuha ang chip.

Nakarating ako sa puno at hinanap ko agad ang nakita Kong parang ukit sa katawan nya, pero dahil kumupas na ito nahirapan akong hanapin, nang mahanap ko ang linyang yuon ay hinugot ko ang dagger sa bulsa ko at sinimulang kuskusin yung ukit para lumalim ang hawak Kong dagger, nang masiguro kong malalim na ang dagger agad ko itong tinulak paside at natanggal na ang balat ng puno, agad Kong kinuha ang ID na nasa loob at isinabit sa leeg ko.

Tatakbo na sana ako para tulungan si Drake ng maramdaman ko na lang ang hapdi sa mukha ko. Sinuntok ako ng isa sa mga kalaban, natumba ako sa lakas ng impact ng pagkakasuntok nya. Hinigpitan ko ang kapit sa hawak Kong dagger at itinusok ito sa tyan na at tumayo ako para sipain ang mukha nya. Tumumba sya ng nasipa ko na sya at nawalan ng Malay ng mas idiin ko ang nakasaksak sa kanyang dagger.

Gaya ng iba napapalibutan na din ako ng napakadaming kalaban. Humigpit na ang hawak ko sa ID na nakasuot saakin, alam Kong ito talaga ang kailangan nila at Hindi ako.

Nagulat na lang ako nang bigla silang natumba lahat. At nakita ko na agad sila Dad at Tito
Arthur ang Daddy nila Alex at Drake.

Mabilis na lumapit saakin si Dad at niyakap ako.

"Buti na lang ligtas ka." Para namang nakahinga sya ng malalim matapos tignan ang buong katawan ko kung may sugat ba ako.

"We need to hurry, kailangan nating mahanap ang may pakana ng lahat ng ito." Tiim bagang na sambit ni Tito Arthur.

"Come on." Rinig Kong tawag saakin ni Dad at namalayan ko na lang na tumatakbo na kami.

Pagkarating namin sa field, sinalubong kami ng mga iyak at pagdaing ng mga kapwa estudyante namin.

Madaming nakahandusay sa lupa at wala ng buhay, karamihan naman at sugatan habang ang iba ay umiiyak sa mga namatay nilang kaibigan at kamag-anak.

"Paano nangyare ito?! bakit sa eskwelahan ko?" Rinig na rinig ang lakas ng sigaw ni Tito Arthur, at halos lahat takot na umatras sa kinaroroonan nila, takot na baka sila ang mapag-buntungan ng galit ng Mafia Boss.

"Dad." Hinihingal na tawag sa kanya ni Alex. Kasunod nyang dumating sila Drix,Melanie, at Jayson.

"Alex, how did this happened?! paano kayo napasok nang Hindi nyo man lang namamalayan?" Sigaw pa ulit nya.

"I'm sorry sir, masyado kameng nagpakampante, patawarin po ninyo kami." Hinging paumanhin ni Drix, kung sa ibang pagkakataon napapangiti ang nabibiro mo si Tito Arthur, pero pag-usapang mga ganito wala syang papanigan kahit pa si Alex yan.

"Sorry? Mabubuhay ba ng sorry mo ang mga estudyanteng yan?" Sabay turo sa mga wala ng buhay na mga estudyante.

"Hindi ko  mapapalagpas ito. They messed with my school, that means they also messed with me." Humarap sya sa isang tauhan nya at inutusan ito. "Call them, sabihin mong ang pananahimik natin ay tapos na. Kikilos na tayo sa lalong madaling panahon."

"Yes Sir." At mabilis na umalis ang tauhan nya para sundin ang utos nya. Humarap naman sya kila Alex at tinignan sila ng makahulugan.

"Meet us at the house tomorrow, ngayon ayusin nyo muna ang mga sarili ninyo." Ngayon ko lang napansin na akay-akay pala ni Melanie at Jayson si Drix na hanggang ngayon at dumudugo ang hita. Yun siguro yung sinaksak ni Taylor kanina ng dagger.

Kapwa putok ang labi at kilay nila Jayson at Alex, samantalang may hiwa sa kanang braso ni Melanie.

Dali-daling  nagsisunod ang mga kasama nila Dad kanina sakanila. Ngayon kami na lang ang natira, ang mga bangkay ng mga kapwa namin estudyante ay kanina pa nila nailipat sa mga sasakyang Hindi ko napansin kanina.

Agad akong lumapit sa kanila at tinignan sila isa-isa. "Okay lang ba kayo?" Nag-aalalang tanong ko sa kanila. Tumango lang silang tatlo samantalang nag-thumbs up naman si Drix.

"Ang mga lokong yun, nagsitakbuhan nang biglang dumating sila Tito Arthur." Iiling-iling pang sambit ni Drix. "Aray! Ano ba?! may sugat yung tao eh." Reklamo nya, nang biglang bitawan sya ni Melanie kaya nahulog sya sa lupa.

"Unang-una Hindi ka tao, pangalawa malayo sa bituka mo yang sugat mo, nanantsing ka lang." Inirapan sya ni Melanie.

"Kung Hindi ako tao, ano ka pa." Bulong naman ni Drix.

"Enough, kailangan na nating maghanda, wag nyo munang pairalin yang pagiging isip bata nyong dalawa." Walang emosyong ani ni Jayson. At naglakad na sya papaalis, sumunod naman na si Alex.

"Siraulo yun ah."

"What the." Sabay nilang sambit.

Kakamot-kamot na lang na sumunod si Drix at salubong naman ang kilay ni Melanie. Iiling-iling na sumunod naman ako sa kanila.

Kung inaakala nilang natalo nila kami, nagkakamali sila. Dahil kung sila tapos na, kami magsisimula pa lang.

My Evil FiancéeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang