CHAPTER 65

94 3 1
                                    

Melanie's P.O.V.

"Talaga bang hanggang long range na lang ako palagi?!" Asar kong itinapon sa sahig ang hawak kong baril.

"Wag ka ngang maingay! maririnig nila tayo!" Saway saakin ni Drix.

Ito pa ang kinaiinisan ko, bakit sya nanaman ang kasama ko dito.

"Bahala ka Jan." Tumayo na ako at aalis na sana ng may lumabas na napakadaming lalake na may hawak na baseball bat sa may pintuan.

Nandito making dalawa ni Drix sa rooftop, dahil kami ang magiging look out nila.

"Ang lalakas din ng loob nyong puntahan kami sa teritoryo namin nang kakayo lang." Maangas na sambit ng lalakeng nasa pinaka-harap.

"Hindi mo ba alam na kami pa lang , sapat na para maubos kayo."

"Tignan natin." At isa-isa nila akong pinalibutan.

Sa dami nila Hindi ko na makita kung nasaan si Drix.

"Ikaw na Bahala Jan, may ginagawa pa ako dito." Rinig kong sabi nya sa nakakabit na hikaw sa tenga ko.

Lahat kami may hikaw sa tenga para makapag-usap kami kahit malalayo kami sa isa't-isa.

"Tignan natin ang yabang mo ngayon." Mayabang na Sabi nung lalakeng Hindi ko alam kung leader nila, dahil mukha naman syang mahina.

Sa tingin ko nasa twenty ang bilang nila.

sumigaw muna sila bago nila ako sugudin.

Bakit ba ang hilig nilang sumigaw. Dapat ba pag susugod laging sumisigaw?

Yumuko ako para iwasan ang baseball bat na paparating saakin. Sa pag-yuko ko pinatid ang ang isang paa ng lalakeng sumugod saakin at nang matumba sya ay nilagay ko sa gitna ng paa ko ang hita nya at umikot ako para mabali ang paa nya.

Narinig ko ang hiyaw nya na sibrang sarap sa pakiramdam ko.

Nakarinig nanaman ako ng sigaw kaya bago pa nya ako mahampas kinuha ko na ang baseball bat ng lalakeng napatumba ko at hinampas ito sa likod ng lalakeng sumigaw para sugudin ako.

Buti na lang at sumigaw sya, kaya alam kong susugod sya.

Kaya dapat wag kayong sisigaw pag susugod kayo sa kalaban.

Sa ngayon may tatlong lalakeng sabay-sabay na sumugod saakin.

Sinipa ko ang isa at may lumabas na dugo sa bunganga nya, ang isa naman ay tatlong beses kong sinuntok sa dib-dib at nanghina sya, ang isa ay hinampas ko ng hawak kong baseball bat at nawalan agad sya ng Malay.

"Bakla ba yang mga yan?" Asar na sambit ko, dahil lahat sila ay nawalan talaga ng malay.

Hampas dito, sipa at suntok doon. Nababagot na ako. Hanggang sa tatlo na lang silang natitira.

Pero Hindi gaya ng mga nauna kong napatumba nag labas sila ng mga sandata nila.

"Are you ready to die?" Maangas na tanong ng isa, habang pinapaikot sa kamay nya ang dagger na hawak nya.

"I was born ready." Confident kong sagot sa kanya.

May naramdaman akong paparating sa direksyon ko at bago pa tumama saakin yun, ay mabilis akong umikot para maiwasan ang dagger na mabilis dumaan sa harapan.

"Hey, are you okay right there?" Rinig kong sabi ni Drix, nilingon ko sya at prente lang syang nanonood saamin.

I rolled my eyes because of annoyance. Hindi ko sya sinagot at kinuha ko ang dagger na ibinato nang lalake kanina saakin at ibinato ito sa kasama nya, nang mapansin kong nasa dagger na ang atensyon nya, hinagis ko sa kanya ang dagger ko at natamaan sya sa dibdib.

My Evil FiancéeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora