Chapter 17 (Change)

217 11 0
                                    

Trixie's P.O.V.

"Trixie,!!" Tawag ng isang batang lalake sa isang batang babae.

"Bakit Drix?" Tanong naman ng batang tinawag na Trixie ng batang lalake kanina.

"Remember, it's just a game" sabi naman ng batang nagngangalan ng Drix sa batang nag ngangalang Trixie.

Tumango naman ang batang babae.

"I trust you"

Iminulat ko ang mata ko at bumangon sa kama.

Why do I always see them in my dreams?

Nag tataka man pumasok na ako ng banyo para gawin ang daily routine ko sa umaga.

Pag katapos ng ilang minuto ready na akong pumasok.

Pero bago ko isukbit ang bag ko sa likod ko sinulyapan ko muna ang kama ni Melanie.

Wala na sya doon, masyado syang maagang pumasok ngayon.

Nag kibit balikat nalang ako at lumabas na ng pintuan.

Naglalakad na ako papasok ng classroom ng makabangga ko si Drix. Huminto ako at kakaway sana ng Hindi nya ako pinansin at nilampasan lang ako.

Weird.

Isinawalang bahala ko na lang ang nakita ko. Hindi nya lang siguro ako nakita.

Pumasok na ako ng classroom namin at wala pa din si Melanie.

Pero ang alam ko pumasok na sya.

Dumeretsyo ako sa upuan ko at saktong pag upo ko tumunog na ang bell, hudyat na mag sisimula na ang klase.

Saktong pumasok na si Ms. Dalaw.

Nasa kalagitnaan na kami ng klase nang may biglang nagtulak ng napakalakas sa pintuan, na nag sanhi ng napakalakas na ingay.

Dahil sa ingay na yun napalingon kaming lahat na nakikinig sa gurong nasa harapan.

Pag lingon ko sa harapan isa-isang pumapasok ang apat na taong nakakatakot ang mga itsura.

Madami ding napapsinghap sa kanilang nakikita.

"They're back again"

"Yeah"

"This is hell for us"

"Nakakatakot talaga sila"

"I really like Melanie"

Yan ang mga bulung-bulungan na naririnig ko sa mga lalakeng kaklase ko.

"They're hot"

"Yung panty ko nawawala"

"Drix is mine"

"Akin si Jayson"

"Alex is my boyfriend so shut up"

Yan din ang mga naririnig ko sa mga malalanding babaeng kaklase ko.

Like what the- di ba nila nakikita na nakakatakot ang mga itsura nila.

I mean, gwapo at maganda sila pero sa presensya nila magsisitayuan nalang ang mga balahibo ko sa katawan.

Yes, you heard it right. Ang apat na taong pumasok sa classroom namin na nakakatakot ay walang iba kundi si Drix, Jayson, Alex at si Melanie.

They have this aura na nakakatakot.

Lumampas sila sa upuan namin nila Melanie at Alex.

Dumiretso sila sa likod.

"Alis" cold na sabi ni Alex sa mga kaklase Kong nakaupo sa likod.

Wala pang isang segundo, mabilis na nagsitayo ang mga nakaupo na pinapaalis nila sa likod.

Pag kaalis nila sa mga upuan nila Sabay-sabay na nag siupo sila Alex, Melanie,Drix at Jayson.

Yung apat na pinaalis nila sa upuan ang syang umupo sa mga dating upuan nilang apat.

Natapos ang klase naming wala akong naintindihan sa mga tinuro ng guro namin. Buong klase akong nag-iisip ng mga nangyayare ngayon.

Ang pag-iiba nila Drix,Jayson Melanie. Ang pagiging misteryoso ni Drake, ang mga nangayare dito sa K.U..

Nang igala ko ang paningin ko sa loob ng classroom nagulat ako dahil ako nalang pala ang taon dito sa loob.

Kung dati tatawagin o hihintayin ako ni Melanie, ngayon Hindi.

Tumayo nalang ako sa upuan ko at dumeretsyo sa cafeteria para kumain ng lunch.

Pag pasok ko, nag order ako kaagad ng makakain at dumiretsyo sa upuan nila Melanie.

Natigilan silang apat sa pagkain ng umupo ako sa dati kong inuupuan.

"What the hell!!" Sigaw ni Alex.

"Fuck!" Mura naman ni Drix. Napakunot noo ako ngayon ko lang narinig na nagmura si Drix.

"Leave" cold namang sabi saakin ni Jayson.

"Heard him? Leave" matigas na sabi ni Melanie.

Seriously??! Pinapaalis nila ako?.

"Leave before I get mad" cold na dagdag pa ni Alex.

"Sorry" tumayo na ako bago pa mag unahan ang mga luha ko sa pagpatak sa harapan nila.

Narinig ko pa ang tawanan ng mga na sa loob ng cafeteria, malamang narinig nila ang pag papalayas sa akin nila Alex.

Dumiretsyo ako sa rooftop at duon na nag unahan sa pagpatak ang mga luha ko.

Ano bang nangyayare?? Ang natatandaan ko ayos pa kaming tatlo nila Melanie, Drix at Jayson.

Hindi na ako nagtataka Kay Alex dahil mag Simula ng magkita na kami Hindi na maganda ang pakikitungo nya sa akin.

Naniniwala ako na dadating ang araw na lahat ng katanungan ay masasagot. At handa na ako sa araw na yon.

My Evil FiancéeWhere stories live. Discover now