CHAPTER 58

119 5 1
                                    

Alex's P.O.V.

Nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang kwarto ng napakalakas. Inis akong humarap sa pinto, para sana bulyawan ang kung sino mang gag* ang umistorbo ng tulog ko.

Pero isang nagpupuyos sa galit na Drix ang nakita ko.

"Sh*t!!" Inis syang lumapit saaming dalawa ni Drake, at Hindi pa sya nakuntento niyugyog pa nya ito. "Tell me! mukha ba akong lalakeng mababa ang lipad?!"

What the f*ck, seryoso ba sya? Saan ba nya narinig ang salitang yuon.

Imbis na sagutin ay iniligay ni Drake ang kamay nya sa mukha ni Drix at itinulak ito ng malakas, para mapaupo sya.

"Masyado kang malapit, napaghahalata ka."

"Lalakeng mababa ang lipad?!" Seriously Drix?! Where did you even hear that word?" Nandidiring sambit ni Jayson. Mas umasim naman ang mukha ni Drix at mabilis na tumayo at lumapit kay Jayson.

"Yes Jayson, sa tingin ko ba lalake akong mababa ang lipad?" Nagpapalit-palit sya ng tingin saaming tatlo.
Kung Hindi nga lang sya galit at Baka kanina ko pa sya nasipa sa mga kalokohan nya.

"Ano bang pinagsasabi mo? Naka drugs ka ba?" Inis na tanong sa kanya ni Drake.

"Yung tomboy nyong pinsan." Sabay turo sa may pintuan na nakasara. "Sinasabihan nya ako ng babaero!? Kayong dalawa." Sabay turo saaming dalawa ni Jayson. "Alam nyong Hindi totoo yung sinasabi nya. Lumalapit lang ako sa mga babae. Para hindi na sila umasa dahil kanya na ako." Frustrated nyang sinabunutan ang buhok nya. "Tell me, minsan ba may inentertain akong babae? Alam nyong lahat na iisa lang ang babae na mamahalin at papansinin ko." Parang bata pang sumbong nya.

Ito ang hinahangaan ko kay Drix, kahit na madalas wala sya sa tamang pag-iisip, wagas syang magmahal. And I salute him for that, alam ko kung gaano nya kamahal si Melanie. And I know that Melanie loves him too, pero ang pagmamahalan nila ay sinubok ng pagkakataon. When Shauna died naging parang bato silang dalawa, Melanie became ruthless, she became the monster she was afraid off when she was a child. Sinisisi nya ang sarili nya sa pagkamatay ni Shauna.

Nagsimula din nuon naging maloko na si Drix, mapaglaro, isip bata, at Hindi na nagseryoso. But I know deep inside him, he's hurting, he's crying at nandito kami para pagalingin ang sugat nya, pero ang kaya lang naming gawin ay tapalan ang sugat nya, dahil ang babaeng hinihintay nyang gumamot sa mga sugat na ikinukubli nya, abala sa pagpapalalim ng sariling sugat na ikinukubli din nya.

"Hindi ko alam, so please let me sleep already." Asar na usal ni Drake. Mukhang pagod na pagod sya. Ikaw ba naman ang pagkaguluhan.

Pagkababa pa lang kasi namin, pinagkaguluhan na sya ng mga magulang namin. At matagal na pala nilang alam na may kapatid ako.

"Akala ko ba sinusubaybayan mo kami? akala ko ba alam mo ang bawat kilos namin? Paanong hindi mo alam?" Parang batang nagtatampo na pangungulit pa nya.

"Pinapanood ko lang kayo Drix, Hindi ako lumalapit sa inyo. Kung titignan na sa malayo, babaero na talaga dahil sa pagngiti-ngiti at pagkindat-kindat mo sa mga babaeng nakakasalubong at nakakausap mo."

"Pareho kayo ng pinsan mo. Judgemental!" Drake groaned.

Nagulat na lang kami ng tumayo sya at dala-dala ang unan nya.

"Hey, where are you going?" Inis na syang lumingon kay Drix at tinutukan ng baril.

"I know it's kind of rude, but if you don't shut your mouth, Hindi ako magdadaawang isip na kalabitin ang gatilyo na ito. At pasabugin ang gwapo mong mukha." Agad na lumayo sa kanya si Drix at nagtaas ng dalawang kamay.

My Evil FiancéeWhere stories live. Discover now