CHAPTER 41

196 5 0
                                    

Trixie's P.O.V.

Wala akong makita kundi puro kadiliman. Pakiramdam ko may mga matang nakamasid saakin, ngunit pag ililibot ko ang paningin ko, wala akong makita kundi puro kadiliman lang ang nakikita.

Nakaramdam ako ng takot at pagtaas ng balahibo ko nang may marinig akong batang tumatawa.

"Where Am I?" Takot na usal ko. Pinakiramdaman ko ang paligid at pakiramdam ko talaga ay may nakatingin saakin.

"Waaaaaaaah!" Gulat akong napatalon nang may kamay na biglang humawak sa kamay ko.

Takot akong nilingon ito at nakita ko ang isang batang maamo ang mukha.

"Are you ready?" Parang matandang tanong nya saakin. Taka naman akong tinignan sya. "Ito ang pinili mo, kaya handa ka na bang malaman ang nawala mong ala-ala?" Salubong ang kilay Kong tinignan ang mga mata nya.

"What are you talking about?!" Tanong ko pa. Ngumiti lang sya saakin at inilahad ang kamay nya. Inabot ko naman ito at gulat akong makitang nasa isang palaruan na kami.

May apat na batang naglalaro habang ang isa naman ay sinasaway sila.

"Ano ba kayo? Para kayong mga bata ah.!" Inis na saway sa kanila ng batang lalake.

"Tumigil ka nga Jayson, bata pa naman talaga tayo ha." Nakasimangot naman ng isa pang batang lalake.

"Tumahimik ka nga Drix, kami lang ang bata ikaw, mukha ka ng matanda!" Mataray na saad ng isang batang babae.

"Kung mukha akong matanda, ano ka pa?" Asar na sagot sa kanya ng batang lalake na tinawag nyang Drix kanina.

"Ang mga batang iyan ay sila Drix, Jayson, Melanie" turo nya sa mga batang nag-uusap kanina. "At yaan naman si Alex at ikaw." Turo nya sa dalawa pang batang naglalaro. Gulat akong napatingin sa batang kasama ko ng makita ko ang pagkakahawig nya sa batang sinabi nyang ako daw.

"Kambal ba kayo?" Gulat na tanong ko sa kanya. Sinagot nya lang ako ng tingin.

"Ang batang yan ay ikaw, at ang mga batang kasama nya ay ang mga kaibigan mo ngayon." Paliwanag nya.

"What?!" Naguguluhan talaga ng tanong ko. Hindi ko sya maintindihan.

"Ito ang mga nawala mong ala-ala Trixie. At ang batang iyan ay ikaw at ako ay ikaw." Paliwanag pa nya.

"Pero bakit kasama ko sila?" Takang tanong ko pa na itinuro ang mga batang kasama ko nuong bata ako.

"Gaya ng sabi ko. Ito ang nawawala mong ala-ala, at kasama sila sa ala-alang yuon." Paliwanag pa nya ulit.

"You mean, magkakakilala na talaga kami nuon pa?"

"Hindi lang kilala, they're your friends." Gulat ulit akong napatingin sa kanya.

Kaya ba ganun na lang ang salubong saakin ni Melanie nuong unang araw ko sa K.U.?.

Nabalik lang ako sa reyalidad ng mapansin Kong nasa ibang lugar na din kami.

"Trixie eat your breakfast, bago ka maglaro okay?" Sambit naman ng isang magandang babae. Nakaramdam naman ako ng saya sa loob ko, pero Hindi ko alam ang dahilan.

"That's your Mom." Rinig Kong sambit ng batang katabi ko na ako din. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng mga luha sa mata ko.

"Mommy." Wala sa sa sariling lumabas sa bibig ko ang salitang yuon. Ramdam ko ang saya sa pagkakita ko ng muka nya.

My Evil FiancéeWhere stories live. Discover now