CHAPTER 57

102 4 2
                                    

Melanie's P.O.V.

Drix loves me?

I don't think so.

Natawa na lang ako sa narinig ko. "Come on Tito-"

"Dad!" Pagtatama ulit nya saakin. "Bakit ba tito ka ng tito saakin." Kunyaring nagtatampo na sambit pa nya. "I'm your Dad already, I'm not your tito anymore." Nakanguso na sya ngayon.  I groaned.
Sino bang mag-aakala na may ganitong mga ugali ang mga tinitingalang mga matataas at kinakatakutan ng Atropa Bellodina Mafia.

"Dad, alam nyo ba yang sinasabi nyo? alam mo ba kung ilan ang babaeng pinapaiyak ni Drix sa isang araw?" Mangha Kong sambit. "I can't even count how many girls are crying in front of us, saying Drix hurt them, worse they even telling us that he impregnated them." Tila nawala ang lungkot na nararandaman ko kanina at napalitan ng pagka-asar. "Tsaka, nakalimutan nyo ba kung paano nagwala yang hinayupak nyong anak ng malaman nyang ikakasal kami."

Pag naalala ko ang araw na yon, natatawa na lang ako, dahil Hindi ko alam kung maiinsulto o maaawa ako sa kanya. We were young back then, but our parents force us to get married, para daw sa kompanya.

"That's because, they told me that if I don't marry you, they will find another man para ipakasal sayo." I rolled my eyes when I heard his voice. "Naawa lang ako sa lalakeng yuon kaya nagwala ako ng sinabi nila yuon, imagine na binubugbog mo sya habang sya at umiiyak at nag mamakaawa na tumigil ka na, pero dahil tomboy at sadista ka Hindi ka titigil hangang Hindi mo sya napapatay, kaya para maisalba ang buhay nya, I sacrificed myself. I married you." Pabagsak akong tumayo at kinuwelyuhan sya.

"Pakiulit nga nang sinabi mo?" Galit na utos ko sa kanya. At ang gag* tumawa lang at Hindi pinansin ang galit ko.

"See, sadista ka talaga." Natatawang dagdag pa nya.

Akmang sasakalin ko na sya ng marinig Kong tumikhim si Tito este Dad pala.

"Nag hahoney moon ba kayo? gusto nyo bang ipasara ko na ang bahay natin?" Natatawang tanong nya. Pareho silang mag ama. Sakit sa ulo at kung ano-ano ang naiisip na madumi.

"Dad, wala pa nga akong nahahalikan eh, Hindi pa ako handa sa bagay na yan." Sarkastik akong natawa sa sinabi ni Drix.

"Saan ka nakakita ng babaero na wala  pang nahahalikan kahit isang babae." Inirapan ko sya at mahinang natawa ulit si Tito- este Dad pala.

"Anong babaero ang pinagsasabi mo? para sabihin ko sayo. Virgin pa ako no! Single since birth din ako. Wala pa nga akong nagiging girlfriend eh." Parang batang sumbat nya.

"Virgin? single since birth?" Sarkastik Kong tanong sa kanya. "Ano bang tawag mo sa mga babae na humahabol sayo at simasabing inanakan mo sila? Para ka ngang nagpapalit lang ng damit kung magpalit ng mga babae eh. Nakakailan ka ba sa isang araw ha?! Sampo?" Tiim bagang nya akong tinignan..

Hindi ko alam kung bakit, pero parang tumaas ang mga balahibo ko sa lamig ng pagkakatingin nya.

"Ganyan ba ang tingin mo saakin? lalakeng mababa ang lipad?" What the f*ck. Seryoso ba sya? "Lumalapit lang ako sa kanila dahil may gusto akong sabihin sa kanila. Umiiyak sila dahil bago pa man sila magsabi ng paghanga nila saakin, inuunahan ko na sila. Sinasabi ko sa kanila na Hindi na nila ako pwedeng magustuhan dahil pag-aari mo na ako, asawa mo na ako. Hindi ko lang alam kung umiiyak sila dahil nasasayangan sila saakin o dahil natatakot silang agawin nila ako sayo. Sino ba naman ang gustong bumangga sayo, mas siga ka pa saamin nila Alex, Drake at Jayson eh. Sa nagsasabi namang naanakan ko sila, siguro  nga nabuntis ko sila. Kung nakakabuntis ang pagkindat, siguro nga nabuntis ko sila. Pero tandaan mo na wala akong babaeng pinangakuan ng pagmamahal ko, ikaw lang." Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Napakaseryoso nya. Nanlalamig ako sa sobrang cold ng expression nya.

My Evil FiancéeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora