chapter 24 (Cursed)

224 9 0
                                    

Alex's P.O.V.

"Anong ibig sabihin ng ginawa mo kahapon??!" Sigaw saakin ni Melanie.

"Ano ba yon?" Walang gana Kong tanong. Ikaw ba naman ang gisingin sa pagtulog tapos tatanungin ka ng hindi mo naman alam kung ano ba talaga ang tinutukoy nya.  Mas lalo naman kumunot ang noo nya.

"Dont f*cking lie to me Alex! Alam namin na lumakad ka kahapon ng mag-isa!" Halos maputol na ang litid nya sa sobrang lakas ng sigaw nya.

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang sinabi nya.

D*mn!!! Patay ako nito.

"What do you mean?" Patay malisya  ko lang tanong sa kanya.

"This" turo nya sa mga pasa ko sa mukha.

Sh*t!!! I forgot about this!!

Dali-dali akong  naglagay  ng unan sa muka ko na parang iyon na ang pinaka nagandang paraan para maitago ang mga pasang natamo ko sa pakikipagbugbugan kahapon.

"Would you mind explaining to me kung saan ka banda nadulas this time Alex" malambing na saad nya.

F*ck!! F*ck!!! F*ck!! Now what??!

Last time na lumakad ako mag-isa nadulas ang palusot ko ang akala ko talagang naniwala sya sa palusot ko!!!.

Badtrip!!!!

Tinanggal ko na ang unan sa muka ko at ngumiti ng sobrang tamis sa kanya. "Nahulog ako sa hagdan kahapon" sagot ko.

Nagsalubong naman ang kilay nya.

Wrong move Alex lagot ka!!!.

Kinuha nya yung upuan na pinakamalapit sa kanya at hinambalos saakin.

Yeah HINAMBALOS nya ako ng upuan!!!.

"Bwisit ka!!! Muntik mo ng mapatay si Drix at Jacob kahapon tapos bigla kang nawala. Ngayon dumating kang may pasa sa muka tapos nahulog ka sa hagdan???! Ang tanga ng hagdan!!!" Malakas na sigaw nya saakin.

"Melanie ano ba!! Aray!! Tama na" pigil ko sa kanya.

Ang lakas talaga nya.

"Tsaka Hindi ko naman sinasadya yung kila Drix eh" hinarang ko ang mga braso ko sa bawat hambalos nya saakin ng upuan. Take note UPUAN yon.

"Waaaaaah!!! Tulong!!!!!" Tumayo na ako at tumakbo para hindi nya na maidikit pa saakin yung upuang hawak nya.

"Alex Tyler Kim!!!" Hinabol nya ako. Nakakatakot talaga si Melanie pag galit.

Malapit na nya akong mahabulan dahil nandito lang naman kami sa dorm namin kaya maliit lang ang space na pagtatakbuhan ko.

Nang biglang pumasok si Drix at Jayson sa pintuan. Tumakbo naman ako palapit sa kanila at hinarang silang dalawa saakin.

"Woah"

"Lagot" Sabay silang umiwas sa upuang hinagis ni Melanie saamin.

Kaya dumiretsyo yung upuang hinagis nya saakin. Huli na para makaiwas pa ako kaya dumiretsyo yon sa ulo ko.

"Aray!!" Hinawakan ko ang ulo ko at may malapot akong nahawakan.

"Dumudugo ulo mo" sabay turo ni Drix sa ulo ko.

"Tatakbo ka pa?" Mataray na tanong saakin ni Melanie.

Seriously?? Hindi man lang sya naawa o naguilty sa ginawa nya??!.

My Evil FiancéeWhere stories live. Discover now