CHAPTER 64

91 3 2
                                    

Alex's P.O.V.

"Wala pa din ba?" Tanong ko kay Drix pagka-rating pa lang nya.

Kanina pa namin hinahanap si Trixie. Napansin lang namin syang nawawala nang sabihin ni Melanie na Hindi sya umuwi sa dorm kagabi.

Ayoko mang aminin pero alam kong sya ang pakay ng Royal Death kahapon.

Nang may marinig kaming sumabog sa loob ng mini forest, dali-dali kaming nag-punta doon at nadatnan namin na nagliliyab na ang hideout ni Drake.

At magsimula noon Hindi na namin sya nakita. At nalaman lang namin ngayon na nawawala sya.

"Where is she?" Napasabunot na lang sa buhok si Drix out of frustration.

Kanina pa namin sya hinahanap pero wala pa rin.

"Royal death., I'm gonna fuck*ng kill them." Nanggigi-gil na sambit ni Melanie.

"Hindi na pwede ang ganito. Sumosobra na sila." Tinignan ko si Drix at alam kong nakuha nya na ang gusto kong ipahiwatig sa kanya.

Mabilis syang tumango at tumakbo para gawin ang inuutos ko.

Hinarap ko naman si Melanie. "Suot ba nya yung kwintas?" Malumanay na tanong ko. Saglit naman syang nag-isip at parang nagliwanag ang mukha nya nang maalala na nya.

"Yes." Nakangiting sagot nya. Halata sa mukha nya ang saya. "This is what I'm waiting for." Tumakbo na din sya palayo saamin.

Kinuha ko naman ang phone ko at dinial ang numero nya. Ngumisi ako ng marinig kong sinagot na nya.

"Prepare everything, maglalaro na tayo." Utos ko sa kanya.

"Finally! okay I'll prepare everything now. Magkita na lang tayo doon." Pagkatapos nyang mag-salita ay pinatay ko na ang phone ko.

Naglakad ako ng may ngisi sa labi ko. If they think they can fool us, nagkakamali sila. Dahil tatapusin na namin ang larong ito.






Trixie's P.O.V.

"Pakawalan nyo ako dito!!" Kanina pa ako sumisigaw dito pero wala namang nakakarinig.

Hindi ko Alam kung nasaan ako dahil sobrang dilim dito. Wala akong makita kundi puro kadiliman.

Am I dead?

Pero imposible dahil nararamdaman ko pa din ang hapdi ng braso ko. Masakit pa din sya hanggang ngayon.

Ilang oras na ba ako dito? nagising na lang ako nag nadidito na ako.

Kumulo ang dugo ko nang maalala ko kung ano ang nangyare.

Ang tattoo nila, they have the same tattoo of Royal Death. Ibig sabihin mag-kakasama sila.

"Mga traydor!!! walang hiya kayo!" Malakas na sigaw ko. Pero gaya kanina wala nanamang nakakarinig.

Nasaan ba ako? Nagising na lang ako nag nandidito na ako.

Kinapa ko ang mahapding braso ko, at may nakapa akong benda, so ginamot din pala nila ako?

Pero Hindi maitatago noon na tinraydor nila kami. Pinalabas nilang si Drake at Jayson ang traydor pero ang totoo ay sila ang traydor.

Ang gaaling nila, dahil napaniwala nila kami. Nagawa nila ng mahusay ang plano nila, napaghiwa-hiwalay nila kami.

Kung akala nila na nag tagumpay na sila, magkakamali sila. Dahil sa pagkakakilala ko kila Alex, Hindi sila nag papatalo.

Nagulat ako nang biglang tumunog ang pendant ng kwintas ko na binigay ni Melanie saakin. Ang sabi nya kailangan kong isuot ito palagi in case na may mangyare, at itong pag kakataon na ito na yata ang tinutukoy nya.

Tinignan ko ito at nakita kong patay-sindi ang maliit na ilaw sa gitna, kung Hindi mo titignan ng mabuti ay Hindi mo mapapansin na may patay-sindi na ilaw sa may gitna ng pendant.

Para syang glowing in the dark, pero alam kong kumikilos na sila.

Nakahinga ako ng maluwag sa naisip ko, dahil alam kong ililigtas nila ako, Hindi nila pababayaan na ay mangyareng masama saakin.

Napapikit ako ng may tumamang ilaw saakin. May narinig akong tumunog at nang maka-adjust na ang mata ko ay dahan-dahan akong nag mulat ng mata, at nakita kong binuksan pala nila yung pintuan at sinag ng araw ang tumama saakin ilaw.

"She's awake." Rinig kong sabi ng lalakeng nag bukas ng pinto.

"Okay, you may leave now." Rinig kong sabi ng pamilyar na boses.

Sinubukan kong tumayo, pero ngayon ko lang napansin na naka-gapos pala ang paa at kamay ko.

Pumasok sila Jeremy,Jacob at Jorenz kasama ang lalakeng naka-maskara.

"Walang hiya kayo!!!!" Galit ko silang sinigawan isa-isa. "Pinagkatiwalaan namin kayo, pero anong binawa nyo?" Pakiramdam ko sasabog na ako nang nakita ko ang mga ngiti at ngisi sa mga labi nila.

Naagaw ng atensyon ko ang lalakeng nakamaskara nang bigla syang tumawa ng malakas.

"Jan kayo mahina, Hindi lahat ng taong malalapit sa inyo ay mapag-kakatiwalaan nyo. Ngayong hawak ka na namin, magagawa na namin ang formula na matagal na namin sanang nagawa kung Hindi lang ibinigay sayo ni Haide ang Chip. Ngayong nandidito ka, ibibigay mo saakin ang code." Punong-puno nang awtoridad na sambit nya. Kinunutan ko lang sya ng noo.

Ano bang pinag-sasabi nito?

"Ano bang code ang pinag-sasabi mo? nahihibang ka ba?" Asar na sagot ko sa kanya.

"Wag ka nang mag maang-maangan pa. Alam kong alam mo ang sinasabi ko." Galit nang sambit nya.

"Ewan ko sayo." Pang-pipikon ko sa kanya.

Akmang sasakalin sana nya ako nang pinigilan sya ni Jorenz. Nilingon nya si Jorenz at Hindi man lang sya natinag.

"Bitawan mo ako." Umiling lang si Jorenz bilang sagot. Humarap din si Jeremy sa kanya at sya ang nag-salita.

"Hindi natin sya pwedeng saktan, yun ang ipinagbilin ni Boss." Padabog syang lumabas dahil wala na syang nagawa.

Naiwan silang tatlo dito, at kung nakakamatay lang ang masamang tingin, kanina pa sila naka-bulgta Jan sa sahig.

"Kung ayaw mong mahirapan, ibigay mo na lang ang code." Seryosong sambit ni Jacob.

"Ano bang code yang pinag-sasabi nyo? ni Hindi ko nga alam yang formula na yaan eh."

"Wag na tayong mag lokohan dito, alam namin na alam mo ang tinutukoy namin." Sarcastic akong tumawa sa sinabi ni Jorenz.

"Wag mag lokohan???! Pag matapos nyo kaming lokohin at paglaruan, yaan ang sasabihin nyo? Sana nag-isip muna kayo, bago nyo kami kinalaban."

Nabulabog kami ng malakas na pag-sabog.

"Sh*t!"

"F*ck!"

"I think nasundan nila tayo." Agad-agad silang lumabas at pinuntahan ang pinanggalingan ng pagsabog.

Pag labas nila pumasok naman ang lalakeng kasama nila Jeremy na dumukot saakin.

"I think they are here to save you." Natatawang sambit nya.

"What do you want?"

"Woah, chill, nandidito lang ako para makipag-usap sayo. Alam ko namang naboboring ka na dito eh." Mapang-asar na sambit nya.

Hindi ko na sya pinansin.

"Sa tingin mo ba ililigtas ka pa din nila, pag nalaman nila ang tungkol sa tatto Jan sa likod ng bewang mo?" At duon nya nakuha ang atensyon ko.

"H-how?" Nauutal kong tanong sa kanya. Tumawa naman sya ng malakas.

"Gaya ng sabi ko sayo, alam ko ang lahat ng tungkol sayo." Biglang lumakas ang tibok ng puso ko na pakiramdam ko ay konting lakas pa at palabas na sya sa dibdib ko.

Nanlalaking mata akong nakatingin sa kanya.

Paano nya nalaman?paano nya nalaman ang matagal ko ng iniingatan na lihim.

Hindi nila pwedeng malaman ang tungkol dito dahil alam kong magagalit sila.

At pwe-pwede nila akong patayin pag nagkataon.

My Evil FiancéeWhere stories live. Discover now