CHAPTER 48

156 5 0
                                    

Trixie's P.O.V.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at lumapit kay Drake. kanina ko pa napapansin na pabago-bago ang ekspresyon nya. Nang tinanong ko naman sya ay sabi nya wala lang daw, pero hindi ako naniniwala. Naging magkasama kami sa loob ng apat na taon, sa apat na taon na yun, masasabi kong kilala ko na sya, na kahit ang pagsalubong lang ng kilay nya ay alam kong may iniisip syang malalim.

"tell me, anong iniisip mo?" tanong ko pagkalapit ko sa kanya, tinignan nya lang ako at bumuntong hininga.

"sa tingin mo? kailan matatapos ang lahat ng ito?" tanong nya saakin, gaya nya napabuntong hininga din ako.

"i don't know, pero sana matapos na nga ang lahat ng ito."

"paano matatapos ito, kung wala naman tayong ginagawa para mawala na sila." he let out a frustrated sigh.

"soon Drake, soon." tumingin sya saakin at tinignan ko din sya ng makahulugan. Gaya ng inaasahan, naintindihan nya ang gusto kong iparating sa kanya.

"Hoy, kayong dalawa, pinagtataksilan nyo ba ako ha?!" kunyaring galit na na sabi ni Drix.

"tsk."

"ewan ko sayo Drix." inirapan ko na lang sya. Napailing naman sa kanya si Drake.

"Kayong dalawa ha, ano yang pinag-uusapan nyo?" tanong pa nya.

"Pinag-uusapan namin kung paano namin tatahiin yang madaldal mong bunganga." sagot sa kanya ni Drake. Natawa naman ako sa itsura ni Drix.

"hindi mo na ba ako mahal Drake?! ipinagpapalit mo na ba ako kay Trixie?!" kunyaring nasasaktang tanong nya ulit kay Drake.

"Nagsawa ka na ba sa babae Drix?" asar na tanong sa kanya ni Drake. "o baka naman narealise mo din na hindi pala babae ang gusto mo, kundi lalake. Kaya ba dikit ka nang dikit saamin nila Alex at Jayson, dahil may lihim kang pagtingin saamin?" kunyari pang tinakpan ni Drake ang katawan nya na tinitignan ni Drix. "Kaya ba lagi mong inaaway si Melanie, dahil nagseselos ka sa kanya?!" kunyareng gulat na gulat na tanong pa nya. Bigla namang dumilim ang mukha ni Drix.

"f*ck you Drake!" galit na mura nya.

"Wag Drix, bata pa ako, wag ako iba nalang, maawa ka saakin, marami pa akong pangarap sa buhay." kunyareng naiiyak na saad nya. Mas dumilim naman ang mukha ni Drix.

"Ewan ko sayo, ang baboy mo!" asar na sambit nya at asar na umayos ng upo. Natawa nalang ako sa inasal nya.

"Hey, hindi yan ang upuan mo. Kung pwede lang bumalik ka na dito dahil nanjan na si Ms.Charmaine." tawag sakin ni Melanie. Nandito kasi ako sa upuan ni Jayson. Tumayo na ako at bumalik sa upuan ko, sakto namang pumasok na si Ms.Dalaw at may kasama syang isang lalake, na sa hula ko ay isang transferee.

"Introduce yourself." masungit na utos nya sa lalakeng kasama nya. NAPAkasungit talaga ng teacher na ito. Kawawa naman yung transferee, well pati din naman ako nakatikim ng kasungitan nya. Nalate lang minus points agad.

Narinig ko namang natawa si Drake at yung transferee, at tinignan sila ng masama ni Ms.Dalaw.

"Hello everyone, I'm Taylor Park, nice meeting you all" At nag bow pa sya. Tsaka parang namumukhaan ko sya, Hindi ko lang maalala kung saan at kailan ko sya nakita.

Lumingon ako Kay Drake na nasa likod ng upuan ko nakaupo at tinawag sya. "Hey, Drake, do you know that guy? I think I saw him somewhere." Tanong ko sa kanya.

"What do you mean?" Takang tanong nya.

"Feeling ko namumukhaan ko sya, Hindi ko lang alam kung saan at kung kelan ko sya nakita." Sagot ko, kumunot naman ang noo nya.

"Nagkakamali ka lang siguro, umayos ka na ng upo dahil kanina ka pa tinitignan ng masama ni Ms.Charmaine." gulat naman akong umayos ng upo,at nagulat ako ng nakatingin nga saakin si Ms.Dalaw ng masama. Kunyaring Hindi ko na lang sya nakita at nagkunwaring may kinakalikot sa bag.

"Maupo ka muna sa sahig, dahil walang bakanteng upuan dito. Mamaya ka na kumuha sa stock room ng mauupuan mo." Masungit na utos nya. Napanganga naman ang lalakeng transferee na katabi nya.

"Seriously?!" Hindi makapaniwalang tanong pa nya. Nakarinig naman ako ng mga bulung-bulungan ng mga kaklase ko. Sila Alex, Melanie, Drix,at Jayson ay gaya ng dati pag madaming tao ang nakapaligid wala nanaman silang pakeelam sa nangyayare, o baka nagpapanggap lang silang walang pakeelam.

"Shut up." Malakas na sigaw ni Ms.Dalaw. nagsitahimik naman ang mga nagbubulong-bulangang mga kaklase ko. Humarap sya Kay Taylor, yung transferee na kasama nyang pumasok dito sa classroom. "Kung ayaw mong maupo, e di tumayo ka, wala akong pakeelam kung mangawit ka kakatayo."

"Poor Taylor." Rinig Kong bulong ni Drake.

Walang nagawa yung Transferee kundi maupo sa sahig hanggang sa matapos ang klase at mag lunch break na.

Nagsilabasan na kami at pumunta sa Cafeteria, habang kumakain binulabog kami ng ingay sa kabilang table. Nang nilingon namin ang dahilan ng ingay na iyon. Si Taylor pala, yung transferee, may mantsa na ng pulang sauce ng spaghetti yung uniform na suot nya at may kanin naman ang ulo nya. Pinagtawanan sya ng mga lalakeng nakapaligid sa kanya, sa tingin ko sila ang dahil ng mantsa at kanin sa ulo at uniform ni Taylor.

"Wrong move." Rinig Kong bulong ni Drake.

"Kawawang transferee." Iiling-iling namang bulong din ni Drix.

"Yung transferee ba? o yang mga gagong yan?" Nakangising sabi din ni Jayson.

"Hindi mo ba sya namumukahan Drix?" Tanong sa kanya ni Melanie.

"He's the guy, from the underground battle." Ani naman ni Alex. Bigla namang nagliwanag ang mukha ni Drix.

"The assassin? man I want a duel with him." Parang bata namang sambit ni Drix.

"Gusto mo bang maglaban kayo?" Nakangiting tanong sa kanya ni Drake.

"Hell yeah." Tuwang-tuwa na sagot ni Drix.

"Later, sasabihin ko sa kanya."

"Aasahan ko yan Drake ha." Sinagot lang sya ng tango ni Drake. Nagulat n lang ako ng biglang may narinig akong napadaing, pagtingin ko kila Taylor, hawak-hawak nya na yung kamay ng isang tumatawa kanina at binale ito.

"Woah!" Tuwang-tuwa na react ni Drix.

Susugudin sana sya ng isa pang kasama ng tumatawa kanina, kaso bago pa makalapit ito sa kanya ay sinipa nya na ito sa tyan, dahilan para mapasuka ng dugo yung lalake.

"Ganun sya kalakas." Rinig Kong sambit ni Jayson, gaya ni Drix parang aliw na aliw syang panuorin kung paano kawawain ni Taylor yung limang lalakeng nagtatawanan kanina.

Napatumba nya silang lahat ng Hindi man lang umaalis sa pwesto nya. Yung isa bali ang kamay, yung isa putok ang kilay at yung isa ay dumudugo ang ulo, dahil pinag-untog nya sila kanina. Yung isa naman ay nahilo, dahil naflying kick sya kanina at yung isa at yung sinipa nya sa tyan.

Malakas namang napapalakpak si Drix. "Bravo! Dude ang galing mo." Sabay thumbs up pa.

"Thanks" Pasasalamat nman ni Taylor at nag bow pa.

"Hey, transferee this guy." Turo ni Drake Kay Drix "want you in a battle." Sambit nya.

"Really? Then, see you later at the school ground." Nakangiting ani nya.

"Sige, aasahan kita mamaya." Nakangiting turan ni Drix.

"Hendrix Lee and Taylor Park, in a battle, Hendrix Lee and Taylor Park in a battle." Buong maghapon walang inaabangan ang mga estudyante ng Kim University, kundi ang magaganap na laban ng Ruthless Player na si Hendrix Lee at ang Assassin Transferee na si Taylor Park.

My Evil FiancéeWhere stories live. Discover now