CHAPTER 47

150 5 2
                                    

Drake's P.O.V.

Nang nakaalis na silang dalawa ay inayos ko na ang sarili ko. Kailangang Hindi sila makahalata, dahil pag nag kataon masisira ang planong matagal naming pinag-isipan.

Nang sa tingin ko ay ayos na ako, lumabas na ako ng kwartong yuon at naglakad na ako pabalik sa mini forest kung saan nandun ang bagong H.Q. namin.

Nasa plano ang lahat, sa pagpapasabog ng H.Q. nila Alex hanggang sa pagpapatuloy ko sa kanila sa H.Q. namin ngayon. Napangiti ako dahil umaayon ang lahat sa plano. Mali sila ng kinalabang tao.

Bago ako makapasok sa mini forest may naramdaman akong bagay na papalapit, kaya bago pa umabot ang bagay na yuon saakin, mabilis ko na itong iniwasan. Lumingon ako sa pinanggalingan nito at halos masapak ko si Taylor na nasa harap ko.

"What is that for?!" Galit na tanong ko sa kanya. Tumawa lang sya ng malakas na parang wala lang yung ginawa nya. Binato lang naman nya ako ng kutsilyo na kung Hindi ko naiwasan ay baka bangkay na akong nakahiga sa lupa ngayon.

"Come on Drake, masyado ka namang high blood, I just want to have some fun." Tumatawa pa ding sambit nya.

"I don't have time for your sh*t Taylor, if you want I'll call Drix, magpatayan kayong dalawa."

"Hendrix Lee, the player. Matagal ko ng gustong makalaro ang lalakeng yun, balita ko magaling at mabilis sya. Sigurado ka bang paglalaruin mo kaming dalawa?" Kumikinang ang mga mata nyang tanong.

Taylor Villanueva the best assassin in Korea, sya ang laging nauutusan para tumumba ng mga malalaking tao na kumakalaban saamin. Minsan naiinggit kaming dalawa ni Charmaine sa kanya, but we can't do anything about it. He's the second version of Drix, pareho silang maloko, gag*, walang sineseryoso, at para saakin pareho din sila ng galing at bilis sa pakikipaglaban.

"Gusto ko ding mapanood ang laban nyo. I want to know who's stronger, the Ruthless Player or the heartless assassin."

"Sino sa tingin mo?" Nakangising pa ding  tanong nya.

"Hindi ko alam, I've seen him fight, he's good. Isama mo pa ang galing nya sa pakikipaglaro." Napapailing na lang ako dahil naalala ko ang mga iniisip nya nung nagplaplano pa kami. "Ito lang ang masasabi ko sayo, don't underestimate Drix, he can kill you without giving effort." Pagpapa-alala ko sa kanya. He just shrugged he's shoulder.

"So am I, but don't worry we won't kill each other, we were just going to play." Nakangiting sagot nya.

"Sandali, bakit ka nga pala nandito?, I thought sumunod ka kila Jorenz?." Tanong ko sa kanya.

"Kaya na nila yun, nandito ako kasi miss ko na kayo ni Charmaine, and your father told me na bantayan ko sila." Bigla syang sumeryoso. "Alam mo na ba kung sino ang traydor?" Seryosong tanong nya.

"May pinaghihinalaan ako, pero kailangan ko ng matibay na ebidensya, malaking tao ang kalaban natin dito, kung Hindi tayo mag-iingat baka maubos na tayo bago pa tayo makakilos." Sagot ko naman sa kanya.

"At sino ang pinaghihinalaan mo?" Tanong pa nya. I just shook my head.

"Later, I'll tell you later." Dismayado naman syang tumingin saakin.

"Come on man!" Pag-pupumilit pa nya. Tinapik ko lang sya sa balikat at nagpaalam na.

"Aalis na ako, magkita nalang tayo sa susunod, Hindi sila pwedeng makahalata. Magtataka na sila pag matagal akong mawawala, Alam Kong napansin ni Trixie ang biglaang galit ko kanina." Trixie know me well, sa maling kilos ko lang ay masisira ang lahat.

"Oh yeah, kamusta na ang girlfriend mong yun?"

"She's not my girlfriend."

"E kung Hindi mo sya girlfriend, e di ako ang gi-girlfriend sa kanya." Natatawang sambit nya. "Aray!" Nakatanggap sya ng isang malakas na suntok saakin. "Akala ko ba Hindi mo sya girlfriend?! E bakit ka nanununtok Jan!"

My Evil FiancéeWhere stories live. Discover now