CHAPTER 52

187 9 4
                                    

Alex's P.O.V.

Ang kakapal ng mukha nila para sugudin kami sa mismong teritoryo namin. Kung akala nilang nagtagumpay sila,pwes nagkakamali sila.

Ngumisi ako dahil naaayon ang lahat sa Plano. Hindi na ako makapaghintay na marinig ang mga naghihingalo nilang sigaw.

"Hey, yang laway mo knina pa tumutulo. Kanina pa kami naghihintay sa baba, tinalo mo pa yung mga babae kung mag bihis ha." Reklamo nya. Agad Kong binuhat yung upuan na malapit saakin at dali-dali hinagis sa kanya at ang Gag* tumatawa lang at sinipa din ang upuan na Hindi tumama sa kanya dahil naisara nya agad yung pintuan.

Asar akong lumapit sa kanya at nang nasa pintuan na ako, ibinukas pa nya ng konti ang pintuan at yumuko at iminuwestra ang kamay.

"Daan na po mahal na prinsesa." Susuntukin ko pa sana sya ng mabilis syang tumakbo sa likod ni Drake.

"Yang kambal mo, may dalaw ata pinaglilihian ako." Sumbong nya. "Aray!" Nakatanggap naman sya ng batok Kay Melanie na Hindi nya alam na nasa likod lang pala nya. "What was that for?"

"Iba ang may dalaw sa naglilihi Drix, masyado mong pinaiiral yang katangahan mo." Umirap pa sya. Itinuro nya si Jayson. "Yan, ganyan ang dalaw." Sunod naman nyang itinuro si Charmaine. "At yan, yan ang naglilihi."

"Tsk." Tinalikuran na sila ni Jayson at nauna nang lumbas. Sumunod naman si Trixie tsaka si Drake kasama si Taylor.

"Stupid." Rinig kong bulong ni Charmaine at sumunod na sa labas.

"I really hate that girl." Asar na sambit ni Melanie.

"We know, kaya nga muntik na kayong magpatayan kagabi diba?" Sarcastic Kong sagot sa kanya.

"Pag-aasawahin ko talaga sila ni Drix, pareho silang salot sa buhay ko." Dagdag pa nya.

"Makasalot, parang wala ako dito ha." Reklamo sa kanya ni Drix. Inirapan lang sya ni Melanie at sumunod na sa labas.

"Tomboy." Bulong ni Drix at sumunod na din sa kanila. Naalala ko kung paano magpatayan yung dalawa kagabi.

Flashback.

Tapos nang gamutin ang mga sugat namin ng dumating si Drake kasama si Taylor at laking gulat namin nang sumusunod sa kanila si Ms.Charmaine.

Napansin ko na lang na nakalapit na sa kanila si Melanie at sakal-sakal na si Ms.Charmaine.

"What the." Gulat na umiwas si Taylor nang biglang maihagis si Melanie, dahil itinulak sya ni Ms.Charmaine.

"Gag* ka ah." Tatayo na sana si Drix para sugudin sya ng biglang humarang si Jayson sa kanya at saakin naman si Drake.

My Evil FiancéeWhere stories live. Discover now