CHAPTER 62

73 3 1
                                    

Alex's P.O.V.

Napuno ng hiyawan at halinghing ang buong paligid, dahil sa mga pinaparusahan na mga taksil na staff at estudyante.

Kailangan ako ngayon ng school, kaya Hindi ako pwedeng magpakahina ngayon.

Ganun din ang ginagawa nila Melanie at Drix. Hindi ngayon ang panahon para maging mahina.

Napaikot nga nila kami, pero yun ang malaking pagkakamaling ginawa nila. Binuhay lang nila ang mga demonyong matagal ng natutulog sa loob namin. At ngayong gising na sila, mamamatay ang mamamatay.

Humahangos na tumakbo papunta saamin si James, base sa reaksyon nya, may malaking problema.

"There's a big problem.!" Hinihingal na sambit nya. Kinunutan lang namin sya ng noo. Hinintay naming makapag-pahinga sya bago sya nag salita. "The Chip is missing." Nanlalaki ang matang turan nya.

"What??!"

"Paano nangyare yun?" Sabay na sambit namin ni Drix.

"Habang busy tayo sa paghahanap sa mga taksil, naiwan ang Chip sa lab, pero pag dating doon, wala na ang Chip. Pakiramdam ko, may taksil pa tayong Hindi nahuli." Tiim bagang na kwento nya.

Magkakalaban man kami sa rank dito sa school, pero si James ang isa pang pinagkakatiwalaan ng Dad ko dito sa school, maliban saamin.

"Isara ang gate, walang makakalabas dito hanggang Hindi nahahanap ang Chip." Utos ni Melanie.

"Pero papaano ang taksil na Hindi nahuli? may pakiramdam akong malapit lang sya saatin. Walang nakakapasok sa lab kundi ang may matataas na ranggo." Dagdag pa nya.

Tama ang sabi nya, ibig sabihin, Hindi ang mga staff at students ang sinasabi sa sulat, kundi ang taksil na may mataas na ranggo.

Mababawasan nanaman ba kami ng pinag-kakatiwalaang tao?

"Anong nangyayare?" Lumingon kami sa pinanggalingan ng boses at nakita namin si Jayson, kasama si Trixie. Namumugto pa din ang mga mata nya, dahil sa kakaiyak.

"The Chip is missing, and there's a high rank traitor beside us." Paliwanag ni Melanie.

Agad dumapo saakin ang mga nag-aalalang mata ni Trixie.

"No, it can't be! Hindi pwedeng mawala ang Chip! Alex is in danger." Nag-aalalang sambit nya.

"Wag kang mag-alala, Alex can protect himself." Pag-aalo sa kanya ni Jayson.

"Pero habang nawawala ang Chip, madaming magkaka-interes sa dugo nya."

"Wag kayong mag-alala, I can  protect myself. Sa ngayon kailangan nating mahanap at malaman kung sino ba talaga ang traydor!" Sunod-sunod silang tumango.

Jayson's P.O.V.

Tatlong araw na, at malapit na naming mabuo ang formula, ang kailangan na lang namin ay ang dugo ni Alex.

Hanggang ngayon hinahanap pa din nila ang Chip, at ang Hindi nila alam ay konting panahon na lang at mawawala na ang pinag-kakaguluhan nila Chip. Dahil pag nakumpleto na namin ang formula ay mawawala na ng tuluyan ang Chip.

"How's everything?" Tanong saakin ni Drake. Tinanggal ko ang mask at lab gown ko, at naglakad papunta sa kanya.

"Matatapos na, we just need Alex's blood." Tinignan ko sya ng seryoso. "Konting panahon na lang at matatapos na tayo. Everything will end."

"You're right, pero kailangan nating magtagumpay, for us to be free." Sang-ayon nya.

"How are they?!" Hindi na ako nagulat sa tanong nya.

My Evil FiancéeWhere stories live. Discover now