PROLOGUE

766 21 0
                                    

Alex's P.O.V.

Nag lalakad na ako pauwi galing sa school. Walking distance lang naman ang bahay namin kaya Hindi na ako nag pasundo sa driver namin, exercise na din.

Natatanaw ko na ang bahay namin nang biglang may tumalon sa harap Kong itim na pusa. Ang sabi nila may mangyayaring Hindi maganda pag nakakita ka ng itim na pusa.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng nakita ko ang mukha ng mommy ko sa isipan ko.

Tumakbo ako papunta sa bahay namin. Dahan dahan akong pumasok. Nang nakapasok na ako wala si Mommy sa kusina kahit sa sala. Pinakiramdaman ko ang paligid nang may marinig akong pamilyar na boses galing sa taas kung nasaan ang kwarto namin.

Umakyat ako para alamin kung kaninong boses yun at Hindi nga ako nag kakamali si Mommy yun.

"Hindi mo sya makukuha kahit kelan" boses ni mommy yun.

"Tita!" Sigaw ng pamilyar na boses.

Si Trixie yuon! Anung ginagawa nya dito? Sya ba ang kausap ni Mommy?

May narinig nalang akong malakas na kalabog at nasundan pa ng isa.

Tumakbo na ako sa kwarto nila Mommy, and I'm so shocked sa nakita ko.

Mom was lying on the floor with blood all over her body. I ran towards her. Nanginginig akong hinawakan sya, minulat niya ang kanyang mga mata.

"Promise me, don't ever let them get you" hirap na hirap na sabi nya.

Naguguluhan man ako sa sinasabi nya hindi ko nalang yun pinansin.

"Be careful son, don't trust anyone" Pagkatapos niyang mag salita ay unti-unting humina ang kanyang pag hinga, hanggang sa ipikit niya ang kanyang mga mata.

"Mom!!" Iyak lang ako ng iyak ng mapansin kong may isa pang katawan ang nakahiga sa gilid ng kwartong kinalalagyan namin ni Mommy.

Lumapit ako and I looked at her, punong puno ng dugo galing sa ulo nya ang nakakalat sa sahig.

I lost my Mom!! I can't afford to lose her either.

Yayakapin ko na sana sya ng mapagawi ang paningin ko sa kamay nya. Nanlalaki ang mga mata ko sa nakikita Kong hawak ng kamay nya.

A knife. Its not just a knife its the knife that killed my mother.

How? Trixie bakit mo pinatay ang Mommy ko?

My Evil FiancéeWhere stories live. Discover now