CHAPTER 36

201 6 0
                                    

Melanie's P.O.V.

Kanina pa ako naasar dito. Like seriously? Ang akala ko lalaban ako. But that damn Alex, pinapunta nya ako dito sa taas, para ano? Para sa long range?.

"Argh!!!" Inis na ginulo ko ang buhok ko. "Bwisit!!!"

"Ano ba! Wag ka ngang maingay!" Inis Kong tinapunan ng tingin si Drix.

He's busy shooting those bastard.

Nagpapadyak ako at sinamaan sya ng tingin.

"Bakla!!!" Malakas na sigaw ko sa kanya. Nakanganga naman syang tumingin din saakin.

"What did you say?" Nangangalaiting tanong nya saakin. Tinalikudan ko lang sya at nagsimulang pumunta sa pintuan.

"Hey, where are you going?"  Nataranta syang tumayo.

"To hell." Sambit ko. Pero bago pa ko pa mapihit ang seradura ng pintuan, naharangan nya na ako. Tinignan ko sya ng nanlilisik Kong mata "umalis ka dyan." Madiin Kong utos sa kanya.

"No." Mariin Kong tinapakan ang paa nya dahilan para mapayuko sya at kapain ang nasaktang paa nya. Ginamit ko naman ang pagkakataon na yun at sinipa ko sya sa muka.

"F*ck!" Napaluhod sya sa sakit at binuksan ko na ang pintuan at nagsimulang bumaba ng hagdanan.

No one can stop me.

Nang makababa ako ay sinalubong ako ng sampong pangit na lalake. Agad ko namang kinuha ang baril sa likod ko at sinimulan silang pagbabarilin. Pero dahil mag-isa lang ako pinaulanan din nila ako ng putok ng baril. Nagtago ako sa pader na malapit saakin at hinintay na tumigil sila sa pagpapaputok.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko para gumanti ng putok nang makitang nakahandusay na sila sa sahig at wala ng buhay.

Sinamaan ko ng tingin si Drix na syang bumaril sa kanila.

"What?" Inosenteng tanong nya. Dahil sa inis ko tinutok ko sa kanya ang hawak Kong baril at pinaputukan sya.

Tumatawa naman syang nagtago sa pader na malapit sa kanya.

"F*ck you Drix!!" Asar na asar Kong sigaw sa kanya.

"I love you Melanie!" Nang-aasar na sigaw din nya saakin.

"Papatayin kita. Bwisit ka!!"  Mabilis akong nakalapit sa kanya at tinutukan sya ng baril sa muka.

"Woah!!" Nakangiti pa syang umaatras habang nakaangat ang dalawang kamay nya.

"Any last word?" Nakangiti Kong tanong sa kanya. Nakangisi lang syang lumapit saakin.

Inilapit nya ang muka nya sa muka ko.

What is he doing?!

Ramdam ko na ang hininga nya sa sobrang lapit ng muka nya.

Naduduling na ako sa kakatingin sa mata nya ng biglang magsalita si Jacob.

"Woah!!" Manghang sigaw nya. Kaya mabilis na lumayo si Drix saakin.

"I just want to remind you two. That we're in the middle of a battle." Paalala saamin ni Jayson. Nanlalaki ang mata ko na umiling-iling.

Mali ang iniisip nila.

"Ano ka ba Jayson, wag ka ngang KJ live ito!" Tuwang tuwa pang sambit ni Jacob.

"F*ck you." Malutong na Mura ko sa kanya.

"Tsk." Yun lang ang reaksyon ni Drix. Gustong-gusto ko na syang gilitan ng leeg.

"Let's go." Tawag saamin ni Jacob.

Nauna ng maglakad si Drix na sinundan naman ni Jacob.

"Hey, don't hurt Drix." Yun lang at sumunod na din si Jayson sa kanila.

Nakatunganga akong naiwan dito.

What is he talking about?!

Pinapasakit talaga nila ang ulo ko.

Asar akong sumunod sa kanila.

Trixie's P.O.V.

Nadatnan namin ni Drake sila Melanie, Drix, Jayson at Alex na nakikipag suntukan sa mga lalaking nakaitim.

Sila ang mga dumukot saakin. Sila ang dahilan kung bakit kami naririto ngayon.

Agad akong tinakpan ni Drake at nakipagbarilan sa ibang mga nakaitim na lalake.

Ngayon ko lang sya nakitang ganito kaseryoso. Ngayon ko lang din sya nakitang may hawak na baril.

Alam kong kabilang si Drake sa pinakamalalakas na Mafia sa Korea. But I never saw him fight.

Ngayon, parang ibang Drake Park ang nakikita ko.

Ang kilala Kong Drake ay mabait, palaging nakangiti.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at nakita si Jorenz at Jeremy na kararating.

Agad nilang inilabas ang mga dagger galing sa likod nila at mabilis na sinasaksak ang mga madadaanan nila.

Nakita ko din si Melanie na nakikipagsuntukan sa tatlong nakaitim na lalake.

Nakakamangha sya, tama ako na hindi sya basta-basta.

Dahil bawat isa sa kanila, ay nakatago ang mga pagkatao nilang Hindi mo gugustuhing makita.

Napatumba nya ang tatlong lalaki sa pamamagitan ng pag suntok lang sa mga ito.

Samantalang si Drix at Jacob ay pinagtutulungan ang sampong lalaking may hawak na mga baseball bat.

Sa itsura nilang dalawa parang nag eenjoy pa sila. Samantalang kinakabahan na ako para sa kanila.

Kaya ba nilang dalawa ang sampong yuon? May armas ang mga kalaban nila at sila'y tanging ang isa't-isa lang ang inaasahan nila.

Pero namangha ako ng parang wala lang nilang iniiwasan ang bawat hampas sa kanila ng mga kalaban nila. At isa-isang pinatumba.

Nalipat ang tingin ko Kay Alex na pinalilibutan din ng napakadaming lalake.

Biglang kumabog ng Malakas ang dibdib ko. Can Alex handle them all?!

Nag-umpisa silang paulanan ng suntok si Alex pero iniiwasan nya lang ito.

Mabilis nyang sinipa sa tyan ang isa at sinundan pa nya ng tadyak sa mukha. At nilabas ang dagger nya at pinagsasaksak ang iba pang sunusugod sa kanya. May isa na nasuntok sya sa mukha at dahilan ng pagtumba nya. But he just smirked. Tumayo sya na may hawak ng baril at pinaputukan sila.

Tumba na lahat ng kalaban nila. They won!!.

Nanalo sila. Walo lang sila laban sa daan-daan na lalake but they won.

They were all good at fighting. Even Melanie, na nag iisang babae. Nakakatakot silang tignan habang nakikipaglaban.

Nakangiti ko silang tinitignan isa-isa at halos lumabas ang puso ko sa sobrang kaba ng nakita kong pinulot ng isang napatumba nila Drix ang baseball bat na katabi nila at mabilis na tumayo at tumakbo sa direksyon ni Alex na pinakamalapit sa kaniya.

"Alex!" Malakas na tawag ko sa kanya. Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap sya.

At nakaramdam ako ng hapdi sa ulo ko.

"I'm sorry." Hinawakan ko ang mukha ni Alex. nakita ko pa ang pag-aalala nilang lahat hanggang sa magdilim nalang lahat.

-------

My Evil FiancéeWhere stories live. Discover now