CHAPTER 50

118 5 2
                                    

Jayson's P.O.V.

Kanina pa ako Hindi mapakali dito sa kinatatayuan ko. Habang naglalaban sila Drix at Taylor, inilibot ko ang paningin ko sa paligid. At Hindi nga ako nagkakamali, agad Kong binunot ang baril ko at mabilis na binaril ang lalaking nakita ko sa second floor ng building na babarilin sana sila Drix at Taylor, pero bago pa nya mapindot ang gatilyo ng kanyang baril ay bumaon bala ng baril ko sa utak nya.

"Hide!" Utos ko sa kanila ng makita kong nag nagsilabasan ang mga nakaitim na lalake at inilabas ang mga baril nila, sa taas naman at ang mga nay hawak pang pana.

Agad na nagsitakbo ang mga kasama ko at nagtago, ang iba ay naglabas ng mga armas nila na nakatago sa mga damit nila, Hindi alam ng iba, pero ang eskwelahan namin ay impyerno. Lahat ng mga kapwa ko estudyante dito ay mga nakapatay na. Kaya parang wala lang sa kanila pag may namamatay na mga estudyante, dahil Alam nila sa mga sarili nila na anumang oras ay maaring sila ang pumalit sa mga estudyanteng nakabulagta sa sahig.

Agad Kong hinila si Trixie at tumakbo papunta kila Alex at Melanie na nakahanda na din.

"Royal Death." Napakuyom ako ng palad ko ng makita ko ang mga pana at bala ng baril na umuulan sa kinakatayuan namin kanina.

"Ganito na ang gusto nilang laro?" Nakangising inilabas ni Trixie ang baril nya at tumango saamin.

Nabawasan ang mga baril at pana na umuulan ng isa-isang pinag-babaril ni Taylor at Drix ang mga lalakeng nasa taas.

Karamihan din sa mga kapwa estudyante namin ay nakikipagbarilan para iligtas ang mga buhay nila.

Lumabas si Alex at Melanie sa pinag-tataguan namin at walang pag-aalinlangan at sinugod ang mga kalaban na malapit saamin.

Isa-isa nilang binabaril ang mga nagtatangkang lumapit sa kanila, pero limang minuto lang napapaligiran na sila ng mga nakaitim na mga lalake.

Agad silang sinugod ng mga ito, bawat suntok, tadyak at siko ay nasasangga at naiilagan nilang dalawa, pero Hindi maiwasan na matamaan silang dalawa. Sinuntok ni Alex ang isang papasugod sa kanya at tinuhod naman ang sumunod. Agad nagsilabadan ang mga dugo sa bunganga nila. Ganon sya kalakas, habang si Melanie naman ay inilabas ang mga dagger nya at isa-isang hinahagis sa mga kalaban at ang iba ay sinasaksak nya.

Nang maubos ang mga kalaban nila, kapwa sila hinihingal na nag apir, putok ang labi at kilay ni Alex habang dumudugo naman ang ilong ni Melanie, pero tumatawa pa silang dalawa ng makita ang mga wala ng buhay na napabagsak nila ang iba ay nawalan ng Malay, at ang iba naman ay namimilipit sa sakit at Hindi na kayang gumalaw pa.

Sunod ko namang tinignan si Taylor at Drix na pinagtutulungan ang napakadaming lalake na nagtatangkang paluin sila ng baseball bat. Ilang beses din silang napapalo pero, mga nakangisi lang nilang iwawasiwas ang mga hawak nilang tubo, na Hindi ko Alam kung saan nila nakuha.

Hindi gaya ng mga kalaban, bawat tira at hampas ng tubo sa kanila dumidiretsyo na sila sa lupa. Karamihan sa mga nakahandusay na sa lupa ay basag ang ulo at mukha, Bali ang mga katawan.

Ang iba ay bumagsak nang patamaan sila ni Drake ng mga shuriken, ang pagdating ni Drake at ang pagdami din ng mga kalaban na nakapalibot sa kanilang Lima.

Tatayo na sana kami para tumulong nang sumenyas saamin si Drake at sinabing wag kaming lalapit.

"Trixie!" Tawag pa nya Kay Trixie, "they're here for the chip, go find it now." Utos pa nya.

"Don't worry about us, kayang-kaya namin sila. Jayson, samahan mo sya." Rinig Kong sambit ni Alex.

Hinila ko na agad sya at tumakbo. Nang nasisigurado Kong wala na kaming kasama sa paligid agad ko syang hinarap saakin.

"Trixie, listen to me." Tumingin naman sya saakin. "We have to find the chip no matter what. Ngayong nakaalala ka na, naalala mo na din ba kung saan mo itinago yung chip." Tumango naman sya.

"Alam ko na kung nasaan." Hinila ko ulit sya, pero Hindi pa kami nakakatatlong hakbang ng may sampong lalake ang humarang saamin. Humigpit ang hawak nya sa kamay ko.

"Walang masasaktan saatin, kung ibibigay mo saamin ang babae. " sabi ng isang lalake, na hula ko at ang leader nila. Pinagtago ko si Trixie sa likod ko at hinarap sila.

"Dadaan muna kayo saakin bago nyo sya makuha. Sampo lang kayo, kaya ko kayong patumbahin ng ilang Segundo lang." Tumawa ng napakalakas ang leader nila.

"Mayabang ka talaga, pero aaminin Kong tama ka, sa panahon na minanmanan namin kayo, masasabi ko na Hindi kayo basta-basta lalo na sa pakikipaglaban, kaya nagdala ako ng mga pwede mong mapaglaruan." Napakuyom ako ng kamao ko sa sinabi nya. Ibig sabihin pinapanuod nila ang mga kilos namin.

Naagaw ng atensyon ko ang mga armadong lalake na lumabas sa dilim, nasa higit isang daan sila sa tingin ko.

Napaatras ako ng sabay-sabay na sumugod saakin ang may twenty na lalake, inilabas ko ang dagger ko at hinagis sa kanila bagsak ang Lima, nang tumusok ang dagger ko sa mga ulo nila. Nakaabot na saakin ang anim kaya sinipa ko ang daawa sa paa, para ma-out of balance sila at tinuhod ko ang tyan ng isa pa, kinuha ko ang ulo ng dalawang sinipa ko sa paa at pinag-untog sila. Pumunta ako sa likod ng isa pang sumugod at hinarang sya sa kasama nyang sisioa dapat saakin, kaya sya ang nasipa. Binitawan ko ang pinangsangga Kong lalake at tumalon ako para sipain ang ulo ng lalakeng sisipa dapat saakin, ganun din ang ginawa ko sa isa pa. Bagsak na silang mga naunang sumugod saakin.

Inilabas ko ang baril ko at binaril ang iba pa, bagsak na sila ng sumugod na ang iba pa. Tumakbo sa tabi ko si Trixie, at pinagbabaril ang iba na pasugod at ganon din ang ginawa ko. Pero Hindi ko napansin ang nasa likod ko, at huli na para umiwas pa ako, kaya naramdaman ko na lang ang hapdi sa ulo ko.

Hinarap ko ang pumalo sa ulo ko at binaril ito, konti na lang silang nakatayo kaya pinagbabaril ko pa sila ganun din si Trixie. Pero Hindi sila nauubos.

Nagulat na lang kami nang biglang natumba lahat ng lalake ng nakapalibot saamin at ganun din lahat ng nakatayo pa kanina.

Tinignan ko ang dahilan ng pagtumba nila at gulat akong napatingin Kay Drake at ang kasama nya na inakala naming kalaban namin.

"Ms. Charmaine?!" Gulat ding nakatingin sa kanya si Trixie.

Kung Hindi sya ang kalaban sino? ngayon lang ako nagkamali sa hinala ko. Alam naming lahat na sya ang nagpasabog sa H.Q. namin at ang katotohanang Hindi talaga sya teacher kundi isang assassin, kaya ang alam ko ipinadala sya dito para patayin kami.

"Surprise." Nakangiting sambit nya.

"Pero paano?" Naguguluhan akong tumingin Kay Drake.

"Later, I'll explain later. Ngayon kailangan nating mahanap ng chip." Oo ang chip. Tinignan ko si Trixie at tinanguan sya.

Hindi pa man namin alam kung sino talaga ang kalaban, atlist nasa amin pa din ang alas. At nasisiguro naming may mga dagdag kaming kasama.

Sinisigurado Kong kami ang mananalo. We're not trained to kill just for nothing.

My Evil FiancéeWhere stories live. Discover now