Chapter 2

1.2K 43 2
                                    

Venus

"Do you like someone right now, Ven?" tanong sa akin ni Sam.

Kaming dalawa lang ang narito ngayon sa madalas naming tambayan, sa labas ng orchid house. Si Miko kasi ay isinama ng papa niya sa raket nito kaya hindi namin kasama ngayon.

"Wala. Bata pa naman natin.."

"Oo nga! Basta paglaki natin, huwag tayong magsikreto sa isa't- isa ha?"

I smiled and looked at Sam. She's the most genuine person I've ever met. Hindi hadlang para sa kanya ang estado sa buhay upang makipagkaibigan sa aming dalawa.

Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. Pinanood ang palubog na araw sa aming harapan.

"Paglaki natin, magkaibigan pa rin tayo ha?" I said.

"Of course. You will always be my bestfriend."

Samantha was sent to London for her study. Nawalan kami ng komumikasyon sa kanya. Noong una, nalungkot ako. Hindi sanay na wala ang mga ingay niya.

Pero dumating ang pinakamatinding dagok sa aking buhay nang mamatay si Mama nang nasa unang taon ako sa kolehiyo. Kung wala ang presensiya ni Miko na sinamahan ako noong mga panahong iyon ay natitiyak kong hindi ko kakayanin ang lahat. Naiwan sa akin ang bahay, may iniwan ding pera si Mama pero hindi iyon sapat. Lalong- lalo na't hindi ko alam kung paano magtrabaho habang nag- aaral. Nasanay akong nasa tabi ko si Mama.

Nagtatrabaho ako sa malapit na Grill and Resto bar sa gabi at nag-aaral sa umaga. Noong una mahirap pagsabayin. Pero habang tumatagal ay nasasanay na ang katawan ko sa parehong kulang sa tulog at minsan ay nililipasan ang kain.

"Ano? Sasama ka ba, Ven?" tanong sa akin ni Gracia. Isa sa mga kasamahan ko sa trabaho.

Magkasing edad lang din naman kami pero siya ay tumigil pansamantala sa pag-aaral upang tulungan ang Papa niya sa paghahanapbuhay. Siguro kaya ko nakayang pag-aralin ang sarili dahil wala akong kapatid o pamilyang binubuhay.

Umiling ako. "Huwag na siguro, Grace. Midterm na next week eh. Kailangan kong mag-aral."

I am now on my last year in College. Abala kami sa ginagawang field study at malapit na ang exams kaya hindi talaga ako pweding gumala. Nag-aya kasi siyang pumasyal sa Government center kasama ang mga kaibigan niya.

"Naku Ven. Dapat magpahinga ka rin ha. Huwag ka puro aral at trabaho. Ikaw din, baka tumanda kang dalaga.."

"Makakapag- enjoy rin naman ako kapag naka graduate na at nakapasa sa LET. Sa ngayon, tiis tiis nalang muna."

Naudlot ang usapan namin nang pumasok ang isang grupo ng mga customer. Sinalubong kaagad sila ni Gracia at iginiya sa mga table na nasa sulok ng resto. Hindi ko na sana iyon papansinin kung hindi lang naagaw ng atensiyon ko ang huling lalaking pumasok.

He is wearing a dark blue polo and a black pants. Matangkad siya at medyo payat ang pangangatawan. He looks mysterious and quiet. Like he doesn't care about everyone here. Kahit na ilang mata kaagad ang tumitig sa kanya nang mamataan siya.

That is Joseph Simon Marcos. The middle child. Nitong nakaraang buwan ay napapadalas ang pagpunta niya at ng mga tropa niya dito sa resto.

"Ang gwapo. Amoy gold bars.." ngisi ni Gracia nang makuha ang order at kaagad na nakabalik sa tabi ko. Tinapos ko muna ang pagbibigay ng sukli sa customer na kaka bill out lang bago siya binalingan.

"Sino?"

Pumitik siya sa harapan ko. "Iyong Simon syempre. Sino pa ba?"

Ngumiti ako at itinuon ang atensiyon sa kinaroroonan ni Simon Marcos. Abala ang mga kasamahan niya sa pag kekwentuhan habang abala naman siya sa pagtitipa ng kung ano sa kanyang cellphone. Walang paki-alam sa nangyayari sa paligid niya.

Bata pa lang ako ay mulat na kung paano kamahal ng mga taga tabacalera ang pamilyang Marcos. They almost worshipped them. They think that they are good people and can't even make mistakes. Kapag may isyung lumalabas tungkol sa pamilya nila, binabalewala ng mga tao iyon. Shows how the people are blinded by them.

I have nothing against them. Mabait naman talaga ang buong angkan nila at palaging nag-aabot ng tulong eleksiyon man o hindi.

"Ven. Sabi ni boss ikaw daw muna doon sa likod, ako ang papalit sayo dito.." si Jessa, isa sa mga kasamahan namin na nasa mid 30's na.

Tumango ako at iniwan silang dalawa ni Gracia. Kumuha ako ng menu at tumungo sa likuran. Medyo mas maingay dito kung ikukumpara sa loob. Mas marami rin ang tables. Doon sa loob ay madalas mayayaman na ayaw makipaghalubilo sa iba. Dito naman sa likuran ay halatang tambay ang ipinunta, mga lalaking gustong mang target ng chicks.

Inilahad ko ang menu sa grupo ng mga kalalakihan na bagong dating lang. Estudyante pa ang mga ito, bagaman may kasamang dalawang lalaking halatang may edad na.

"Ganda mo naman, miss.." aning isa sa mga estudyante. Gwapo at bata. "Palagi kitang nakikita doon sa counter. Buti ngayon humaharap ka na sa mga customers."

Ngumiti ako bilang ganti. Cringe. Tumingin ka nalang kaya sa menu?

"Ano'ng pangalan mo?" tanong ulit niya.

"Ano po ang order niyo?" tanong ko na binalewala ang kanyang sinabi. Nilabas ko ang note at ballpen na kanina pa hawak- hawak habang hinihintay silang magdeklara ng order 

"Suplada.."

"Ibigay mo na pangalan mo, miss. Wala pa namang girlfriend itong si Yawi.."

"Mayaman 'to. Anak ng principal."

"Pagkuha lang po ng orders niyo ang trabaho ko sir. Kung may katanungan kayo tungkol sa menu, iyon ang sasagutin ko." pormal kong wika.

Naiinsulto ako sa pinagsasabi nila. Ano bang akala nila? Porket nagtatrabaho ako ay magpapadala na ako sa bola ng mga lalaking mayayaman?

Kaya nga ako nagtatrabaho at nag-aaral para buhayin ang sarili ko. Hindi upang maghanap ng lalaki na kayang- kaya akong buhayin.

"Pangalan mo muna?" ang lalaking tinatawag nilang Yawi.

Napaatras ako ng tumayo siya at humakbang palapit sa akin. Nang hinawakan niya ang braso ko ay halos magpalpitate ang kilay ko sa inis.

Bakit ba ang kulit nito?!

"Bitawan mo po ako, sir." pinilit kong maging kalmante sa kabila ng panginginig ng kalamnan ko.

Naiinis talaga ako sa mga lalaking walang respeto sa mga babae. Lalong- lalo na't nagsitawanan pa ang barkada niya sa ginagawa niya.

"No. Your name first.."

"Kung ayaw niyo pa pong mag order ay aalis nalang muna ako. Magpatawag kayo ng staff kapag nakapag desisyon na kayo.."

Pinilit kong bawiin ang braso ko mula sa mahigpit na pagkakahawak ng lalaki pero mas lalo lang niya akong hinapit palapit sa kanya.

Oh God! Kaya ayokong maging serbidora dito sa likuran eh. Ang daming lalaking ang babata pa pero ang babastos na! Akala naman nila mas lalo silang gumagwapo.

You heard the lady.." The deep masculine voice was cold and harsh. "Let her go."

Mula sa akin ay dumako ang titig ng lalaki sa likuran ko. Umawang ang kanyang labi, saglit na napatigil bago binitawan ang kamay ko.

"I'm sorry.." aniya na itinaas ang dalawang kamay bago bumalik sa kinauupuan.

Lumingon ako at kaagad na nasalubong ang mga malalamig na titig ni Simon Marcos. Halos mabuwal ako sa kinatatayuan nang mapagtanto na sobrang lapit pala niya sa akin. Kung hindi lang ako mabilis na nakaatras ay baka tumama na ang ulo ko sa dibdib niya.

Marahas na titig ang ipinukol niya sa akin bago ako tinalikuran.

Eh? Ang suplado naman!

Waves of LifeWhere stories live. Discover now