Chapter 33

809 42 12
                                    

Venus

Ibinaba ko ang salamin sa side ko at agad akong binungad ng sariwang ihip ng hangin. I smiled when a certain memory creeps on my mind.

They say home is where the heart is. Saan man ako magtungo, ilang taon man akong mawala, yung puso ko ay mananatili sa lugar na ito. My hometown.

Simon invited me for dinner the other day. Isinama ko nalang si Zoe dahil sinabi niya sa akin na wala siyang gagawin buong araw at mamamatay daw siya sa boredom kapag nanatili sa bahay ng kuya Vjhall niya.

Laglag ang panga ni Zoe nang marating namin ang mansiyon ni Simon na malapit sa dagat. Mula rito ay makikita ang kulay asul na dagat na napapalamutian ng rock formations. Ang windmills na nasa tuktok ng mga burol mula sa malayo ay kitang kita pa rin dito.

"Ang ganda naman dito, Ven." bulalas ni Zoe at isinubsob ang paa sa pinong buhangin.

Natatawang napailing ako. "Tabacalera was rich in both beaches and sugarcane plantation. Iyon nga lang ay halos pagmamay-ari ng mga mayayamang pamilya sa lugar. Imbis na gawing beach resort para sa public ay ginagawang pribado."

"Oh. So, mayaman si Simon? Ay." napatutop siya sa bibig na tila may naalala. "Marcos nga pala siya."

Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Zoe nang makitang pababa ng portico si Simon upang salubungin kami.

"Hi." aniya na binigyan ako ng halik sa pisngi nang makalapit.

I smiled at him. Zoe coughed.

"By the way, this is my friend --"

"Hi! I'm Zoe.." hindi na ako pinatapos ni Zoe sa pagsasalita dahil siya na mismo ang nagpakilala sa sarili at inilahad ang kamay kay Simon na nakangiti naman nitong tinanggap. "You have a nice place."

"Thanks." kinagat ni Simon ang labi at tumingin sa akin. "Let's go?"

Tumango ako at malilikot ang mga matang iginala ang tingin sa paligid. Si Zoe naman ay sobrang ingay. Nauuna si Simon sa aming dalawa kaya panay ang bulong niya sa akin na hindi ko na pinag-uukulan pa ng pansin.

"Ven." tawag ni Simon sa akin. Tumigil siya sa paglalakad upang makasabay ako. "I'm sorry, hindi ko alam na dadating sila."

Kumunot ang noo ko. "Sila?"

Bago pa man nasagot ni Simon ang katanungan ko ay napatigil na ako nang makita ang dalawang taong pababa ng hagdan. Nagtatawanan sila na parehong napatigil nang makita kami.

Laglag ang pangang pinasadahan ako ng tingin ni Governor Matthew. Si Michael sa kanyang tabi ay seryoso ang ekspresyon at nakahalukipkip na sumandal sa railings. Nasa kalagitnaan sila ng hagdan nang tumigil.

"I invited her here." Si Simon na dumausdos ang kamay sa aking baywang.

Sumunod ang titig ni Gov doon.

"Nasa loob sina.. Sandro." Gov was a bit hesitant when he says Sandro's name.

Hindi ko siya masisisi. Siya ang pinaka may alam sa kung anong mayroon kami ni Sandro noon. I even heard from Sandro that Gov. knows from the very beginning that he likes me.

"Hindi ba kayo papasok?" Malamig na usal ni Michael.

Simon turned to me to ask for permission. I slowly nodded.

Hindi ko naman kailangang mag-inarte pa. Ano ang gagawin ko? Uuwi na lang dahil lang narito si Sandro?

Pero pinagsisihan ko lang yata ang ginawang pasya nang makapasok kami sa isang kwarto sa second floor ay naabutan sina Sandro, Dianna, at Borgy doon. Sandro and Borgy are busy playing billiards while Dianna is sitting comfortably on the single couch. Nanonood sa dalawa.

Waves of LifeWhere stories live. Discover now