Chapter 38

944 50 56
                                    

Venus

"Okay na?" hindi itinago ni Sandro ang simangot habang papalapit sa akin.

Pumasok siya sa kotse niya para magbihis at nang makabalik nga sa akin ay isang simpleng gray t-shirt nalang ang suot na medyo hapit sa kanyang katawan. Umiwas ako at binuksan na ang pintuan ng kotse namin.

"Aalis nako, Sands." wika ko.

Matagal niya akong tinitigan. Umawang ang labi na tila may sasabihin pero muli itong itinikom.

Humakbang siya palapit sa akin. "Sumabay ka na sa akin, Ven." mahina ang boses niya na tila isang pakiusap iyon.

I took a deep breath before nodding slowly. I wanted to talk to him, alright. Hindi ko iyon magagawa kung patuloy akong iiwas.

Lumapit ako sa driver upang magpaalam at pagkatapos ay sinundan si Sandro na nagpatiuna na sa kanyang itim na BMW. Kinagat niya ang labi nang buksan ang passenger seat at tinititigan akong palapit
sa kanya.

I pouted. Pakiramdam ko para akong teenager para makaramdam pa ng paru-paro sa sikmura ko.

Papasok na sana ako sa loob ng kotse nang hinuli ni Sandro ang palapulsuhan ko. Napatigil ako at napatingala sa kanya. Hinila niya ako palapit sa kanya at muling isinarado ang pintuan.

"Sandro.." I flinched when he snaked his arms around my waist and gently pinned me on the car.

"I miss you, Ven." he whispered near my face that I could feel his breath on my cheek.

"Alam kong marami akong pagkukulang sa'yo. Hayaan mo akong makabawi mula sa mga nagawa--"

"Magsimula tayong muli, Sandro." I smiled and cut him off. Itinaas ko ang kamay upang haplusin ang pisngi niya. Ang mga mata niya ay mariing nakatitig sa akin habang ginagawa ko iyon. "Kalimutan natin ang mga nangyari at magsimulang muli.."

He slowly nodded and leaned down to kiss me. It sends my brain on haywire, driving me insane, and making me lose control.. I could hear fainted chatters behind us but I could only focus on how warm and soft his lips are on mine. It felt like Sandro invaded all my senses.

He kissed me gently, tenderly, softly, like he was afraid I might get hurt from his kisses.

"I love you" he said when he finally broke the kiss. "Mahal na mahal kita, Venus.."

His eyes exude love, protection, and contentment.

I gave him my most sincere smile and whispered something that I've been eager to tell him through the years. "I love you, Sandro Marcos."

With my heart erratically beating, I tried to closed my eyes. I am beyond happy. I am contented and satisfied.

"Hindi ka ba papasok?" tanong ko kay Sandro nang makarating kami sa labas ng gate ng bahay.

Nakatingin ako sa kanya habang nakapirmi naman ang titig niya sa gate bago inilipat sa akin.

He licked his lips. "Nandiyan ba ang kuya mo?"

Napahalakhak ako. Naalala na hindi nga pala sila magkasundo ni Kuya Rigo.

"Hm. Oo."

"Then, I'll come some other time."

"Alam mo Sandro, kung gusto mong magbalikan tayo, dapat na maging maayos muna ang relasyon mo kay Kuya."

He nodded. "I know that, baby. May aasikasuhin lang ako sa planta ngayon. Baka sa susunod na araw ay makapunta muli ako rito."

"Sa susunod na araw?"

Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa kanya. Itinaas niya ang kamay upang abutin ang batok ko. Pinaglaruan ng daliri niya ang aking buhok.

Waves of LifeWhere stories live. Discover now