Chapter 6

995 45 20
                                    

Venus

Tuwing linggo ay libreng oras ko sa trabaho at paaralan. Madalas ay inaaya ako ni Samantha at Miko na mamasyal o 'di kaya'y kumain sa labas. Pero kapag hindi naman siya nag-aaya ay inaabala ko na lamang ang sarili sa bahay. Tinatapos ang mga pending activities ko sa eskwelahan.

Mabilis na isinabit ko ang strap ng bag sa aking balikat  at sa huling beses ay tinitigan ang sarili sa malaking salamin. White sleeveless crop top, blue jeans at black cardigan ang napili kong suotin. Medyo matangkad ako kaya isang strap flat sandals lang ang aking isinuot.

Lumabas na kaagad ako ng bahay at tinahak ang daan palabas at patungo sa orchid house. Naroon daw ang sundo na ipinadala ni Sam sa akin. Magkabilang tubuhan ang madadaanan. Kung baguhan ka ay medyo nakakatakot pa, pero kung sanay ka naman sa mga tao dito ay hindi ka na makakaramdam ng kaba dahil kilala mo naman ang lahat.

Nang makarating sa orchid house ay namataan ko kaagad ang itim na bmw sa labasan. Kumunot ang noo ko. Mukhang pamilyar ang kotse na 'yan ah?

Nasagot ang katanungan ko nang makita si Sandro na nakaupo sa sementadong bench sa ilalim ng punong mangga. His thighs were spread apart as his elbows rested on his knees. Mas lalo siyang gumwapo sa suot na puting polo na bukas ang dalawang unang butones, faded pants at black leather shoes.

Nakatingin siya sa aking direksiyon pero hindi ko matukoy kung nakatitig ba talaga siya dahil sa suot na shades.

Artistahin naman ng lalaking 'to! Ano kaya ang ginagawa niya rito? Binibisita ba niya si Hiro?

Napatuwid siya sa pagkaka- upo nang ilang hakbang na lang ang layo ko sa kanya. Mula sa likod ng ulo ay hinagod niya ng palad ang sariling buhok. Tumaas ang kilay ko, ayaw ipahalata na naapektuhan sa ginagawa niya.

I think I have watched a tiktok video of him with his hawak sa hair supremacy. Nagiging habit nga niya talagang pasadahan ng kamay ang buhok. It looks soft anyway.

I am contemplating whether to greet him or not. Lalampasan ko na lang siya. Total hindi naman kami close 'dba?

Pagkakataon ang nagpigil sa akin nang magkatapat kami ay tumayo siya. Nagulat ako sa ginawa niya kaya napaatras kaagad.

"I am here to fetch you.." aniya.

Napaawang ang labi ko. Ang expensive ng accent niya. Napaka intimidating pa ng aura.

"Ano?" ang tanging naisagot ko.

Ano naman ang ibig niyang sabihin doon?

"Sam asked me to fetch you.."

"Hindi niya sinabi sa akin."

His brows shot up. "You'll see her once we get to the coast.. Kung natatakot kang niloloko kita at may gagawin akong masama sayo, text her."

Ngumuso ako. Bakit ba ang suplado nito? Samantalang nakikita ko sa mga videos niya sa tiktok palagi naman siyang nakangiti! It was a fanmade videos. Wala naman siyang tiktok account.

Hinawi ko ang buhok at taas noong sinabi, "Sige, tara."

His lips twitched. Tinalikuran niya ako at humakbang patungo sa kanyang kotse. Ilang distansiya pa ang lakakarin namin dahil medyo malayo- layo ang kotse niya. May mga nagtatabas ng tubo sa parteng ito kaya siguro doon niya pinark ang kotse para hindi maka distorbo.

Laglag ang tingin ko sa cellphone habang tahimik na nakasunod kay Sandro. Nagtitipa ako ng mensahe kay Samantha. Nagtataka at bakit si Sandro pa ang ginawa niyang tagasundo ko?

"Oh my God!" napatili ako nang sumabit ang sandals ko sa nakausling ugat ng kung ano. Halos lumabas ang kaluluwa ko sa aking katawan nang mawalan ako ng balanse.

Waves of LifeWhere stories live. Discover now