Chapter 36

867 44 11
                                    

Venus

"Where have you been?" mariing tinitigan ako ni Kuya Rigo habang papasok ng bahay.

Nanginig ang tuhod ko. Ang straps ng aking bag ay hinayaang mahulog mula sa balikat.

Hinatid ako ni Sandro pagkatapos kong kumain. He never uttered any word when he drive me here.

"I'm sorry, Kuya." nahulog ang mga luha ko na agad kong pinunasan.

Mabilis akong tumakbo kay Kuya at kaagad siyang niyakap. I am really really confused. Gusto kong makipagbalikan kay Sandro. Gusto kong magpakaselfish at maging masaya nalang dahil sinabi niya namang mahal niya ako mula noon hanggang ngayon.

Pero hindi ko alam kung anong nagpipigil sa akin na gawin iyon. Sinasabi ng utak ko na mali dahil may mga tao kaming masasaktan.

"N-nagkita kami ni Sandro.." wika ko sa pagitan ng mga hikbi.

Narinig ko ang paghugot ni Kuya ng hininga bago lumapat ang kanyang kamay sa aking likod.

"H-hanggang ngayon.. mahal na mahal ko pa rin siya."

Hindi nagsalita si Kuya, hinayaan niya lang akong ibuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Nang medyo kumalma na ay dinala niya ako sa sala upang doon kausapin.

"Hindi ka man lang nagpasabi sa akin. Kung hindi sinabi ng driver na may importante kang pupuntahan ay baka namatay na kami ni Papa sa pag-aalala kung nasaan ka.."

I sighed wearily. Kinuha ko ang tubig na kakalapag lang ng katulong sa lamesa at sumimsim dito.

Ang driver na kakahire lang ni Kuya ay paniguradong kakilala ni Sandro at madali niyang nauto kahapon. Ayoko namang mawalan ng trabaho ang driver kaya hindi ko na sasabihin kay Kuya ang nangyari. Mas lalong madadagdagan ang galit niya kay Sandro.

"Nagkabalikan kayo?" bumaling sa akin si Kuya.

Umiling ako at inilapag ang baso sa lamesa. "No, Kuya."

"Sinabi mong mahal mo siya, then what's holding you from coming back to him?"

"S-simon.." kinagat ko ang labi at sandaling ipinikit ang mga mata. "He has done so much for me. Malaki ang utang na loob ko sa kanya--"

"Hindi mo kailangang magkaroon ng utang na loob, Ven. Dahil ang lalaking totoong mahal ka ay tutulong nang hindi naghihintay ng anumang kapalit."

Natahimik ako. I don't know what to do anymore. Si Xander, ni hindi ko alam kung anak ba talaga siya ni Sandro o hindi. Si Dianna, she's very kind to me. Ayoko siyang saktan. And Simon knows nothing but to help me with everything. Hindi pweding magiging masaya ako dahil lang sa mahal pa rin ako ni Sandro pero may mga tao kaming masasaktan.

Nagpatuloy si kuya nang matagal akong natahimik. "Desisyon mo, buhay mo. If you wanted to get back with Sandro, do it."

"I badly wanted to get over him, Kuya." buntong hininga ko.

"Nasa iyo ang desisyon. Pero huwag mong masyadong parusahan ang sarili mo dahil lang hindi mo kayang ibalik ang pagmamahal na ibinibigay ni Simon. Mahaba ang tatlong taon na ginugol mo sa paglimot na hindi mo nagawa. Maybe it's about time to choose your happiness?"

Matagal kong pinag-isipan ang sinabi ni Kuya. Ilang araw akong hindi lumabas ng bahay at nakipag-usap kahit na sino. Simon and Zoe tried calling me but I texted them that I'm too busy to even pick a call.

"Hi. Morning." Kumaway si Kuya sa akin habang papasok ako ng dining.

"Morning Kuya.."

Hinila ko ang upuan na kaharap niya at kumuha ng plato. I started eating habang nagkakape naman si Kuya at kaharap ang kanyang laptop.

Waves of LifeWhere stories live. Discover now