Chapter 11

877 39 5
                                    

Venus

"Sands.."

Pareho kaming napabaling ni Sandro sa boses na iyon. Nakatayo si Callista ngayon sa harapan naming dalawa nang may lungkot sa mga mata niya. Nang bumaba ang titig niya sa kamay ni Sandro na nakahawak sa braso ko ay agad akong humakbang pagilid, dumistansiya mula kay Sandro.

"Pwedi mo ba akong ihatid pauwi?" aniya.

Sandro looked at me. Napatingin rin ako sa kanya. Kaagad kong nakita ang frustration sa mga mata niya.

"Calli, I'm with Venus. Hindi ba pweding sumabay ka nalang sa Papa mo?"

Calli swallowed hard and looked at me. I can see pain in her eyes when our gaze met. Hinagod niya ng tingin ang buong mukha ko bago muling nagsalita. "Sinabi ko kay Papa na sayo ako sasabay. Dati naman, hinahatid mo ko pauwi, ah?"

I can't believe na kahit ang ganito kagandang babae ay aakto ng ganito sa isang lalaki.

Bilang babae, alam ko ang nararamdaman niya. Alam ko na kung hindi niya kayang kontrolin ang sarili ay iiyak siya ngayon sa harapan naming dalawa ni Sandro. And that's the least I would do infront of so many people.

Ang ipakita sa ibang tao na mahina ako at iniiyakan ko ang isang lalaki.

Naniniwala ako na ako ang may hawak ng sariling buhay, ng sariling emosyon. Walang sinuman ang makakadikta sakin nito dahil ako mismo ang magkokontrol sa sarili.

"I'll call Simon.." ani Sandro na agad napabaling sa akin nang hawakan ko sa braso.

"Isabay na lang natin siya?"

I gave him my most sincere smile. Gusto kong ipaintindi sa kanya na hindi niya kailangang ipagtabuyan ang kaibigan dahil lang sa kasama niya ako. Magkakilala na sila bago ako dumating.

Bumuntong hininga si Sandro. "Una kitang ihahatid.." aniya na tinitigan si Calli.

"Pero malayo ang bahay namin.. Iikot ka pa."

"It's fine. May importante kaming pinag-uusapan kanina ni Venus bago ka dumating."

Bumaba ang kamay ni Sandro upang kunin ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Buong akala ko ay bibitaw siya sa akin pero nang hinawakan niya ang palad ko habang hinihila patungo sa kotse niya ay halos mawindang ako.

To think na nakatingin pa sa amin si Callista!

He opened the front seat for me. Nang makapasok ay lumingon ako kay Calli dahil nakita kong ngumiti siya nang pagbuksan din ni Sandro ng pintuan sa likod.

Bumuntong hininga ako at sumandal pagkatapos mailagay ang seatbelt. Hinilot ko ang sentido. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko rito. Kung bakit nakiki- papel ako sa dalawa.

Halata kay Calli na may gusto siya kay Sandro. Pero sinabi ni Sandro kanina sa akin na ako ang gusto niya.

Ikiniling ko ang ulo. Ayokong paniwalaan si Sandro. Gusto ko'ng bigyan muna ng panahon ang sarili na makumbinsi sa mga sinasabi niya.

Tahimik kaming tatlo habang nasa biyahe. Inabala ko ang sarili sa pagtanaw sa labas ng bintana. Panay ang sulyap ni Sandro sa akin at panay din ang palihim na pagsilip ko kay Calli mula sa rearview mirror.

Nakahalukipkip siya at diretso ang iritadong titig sa unahan. Nakakapagtaka na ang bilis niyang magbago ng mood. Kanina mukha siyang iiyak, tapos ngumiti, at ngayon naman ay mukhang galit?

The Vice Governor's house is one of the biggest ancestral house in Tabacalera. It's roof is of classic steep and wide eaves, the wide steps that lead to the portico has an american influence. The doors are wide and have tracery cutwork. It was featured in national TV before as one of the historical houses in the Philippines.

Waves of LifeWhere stories live. Discover now