Chapter 39

904 50 37
                                    

A/N:

Hanggang 40 chapters lang po ito. :) Thank you sa lahat nang nagbabasa.

Venus

Akala ko nung una ay nagbibiro lang si Sandro sa sinabi niyang hihintayin niyang makatulog si Kuya para makapasok sa kwarto ko. Nakatulog na ako at muling nagising nang maramdaman ang paggalaw ng kama sa tabi ko. Kasunod ay ang kamay na bumalot sa akin na tila niyayakap ako.

"Sandro?" namamaos kong sinabi habang pilit siyang tinititigan.

Pinatay ko ang ilaw kanina at tanging ang malamlam na liwanag lang mula sa lampshade ang nagbibigay ilaw sa paligid.

"I'm sorry. Nagising ba kita?" he whispered in a husky voice.

"It's okay. Kakatulog ko lang naman.."

"Ang tagal makatulog ng Kuya mo." aniya at natawa.

Sandro's hand found it's way to my nape. Hinila niya ako palapit sa kanya at ibinaba ang kamay sa aking likod. Niyayakap ako.

"Matulog na tayo, Ven. Pagod ako at alam kong ikaw din." he said huskily and kissed my forehead.

I hugged him back. Halos manliit pa ako dahil sa laki ng pangangatawan niya. He rested his chin on my head and I can't help but to smile happily. There's no other man who could make me happy aside from him. And I regret spending all my time running away from him before..

"Sands?" basag ko sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. All I could hear is the loud beating of his own heart and his fingers slightly tapping my back.

"Hm?"

"Saan mo gustong tumira?"

I know my question was very random. But, I wanted to plan everything with him. Kung saan kami titira, ano'ng ipapangalan sa bata at kung kailan namin balak magpakasal.

Napatigil ako nang maisip na hindi ba dapat ay mag propose muna siya? He doesn't have any plans on proposing to me. Siguro'y ayaw muna niyang magpakasal o baka hindi pa siya handa?

"Kung saan mo gusto.." he declared.

"Gusto ko iyong malapit sa dagat. Iyong malayo sa ingay ng mga tao at tanging hampas ng alon lang ang maririnig sa paligid."

I know I'm too dreamy for it. Pero iyon talaga ang gusto ko.

Sandro went silent for a moment. Umangat ang kanyang kamay at agad 'yong dumako sa aking pisngi. Naramdaman ko ang paggalaw ng kanyang ulo at ang paglebel nito sa aking mukha. Tila pilit akong tinititigan kahit madilim naman.

He softly caressed my cheeks using his fingers. "Is that what you want?"

I nodded.

"Okay then.. You choose where we live."

"Really?" I asked like a baby.

He pulled me more closer to him. Napasinghap ako ng maamoy ang pamilyar na bango ng aftershave niya.

"I'll do anything for you, Ven. You know that.."

"How about your parents? Iiwan mo sila?"

"I dont live with my parents anymore."

Naitikom ko ang bibig. Muntik ko nang nakalimutan. Kahit pa man noon, he used to be very independent. Sa pagkakaalala ko ay may beach house rin siya. Nakatira pa rin kaya siya roon?

"Paano ang kasal? Should we get married before I give birth or after na?"

He went silent because of my question. Matagal siyang hindi nakapagsalita na kung hindi siya gumalaw upang mas lalo akong yakapin ay aakalain kong tulog na siya.

Waves of LifeWhere stories live. Discover now