Chapter 24

854 41 8
                                    

Venus

Tito Dom is not my father. Alam kong masyado akong bulag sa pagmamahal ko para kay Sandro para matuwa sa naging resulta ng DNA.

Niyakap kaagad ako ni Sam. Iyak ako ng iyak. Pero ngayon dahil sa matinding kasiyahan na. I am now eager to tell this to Sandro.

"I'm sorry.." ang unang salitang namutawi sa bibig ni Tito Dom.

He was in pain. Nakikita ko iyon mula sa kanyang mga mata. At hindi ko mawari kung bakit.

Hindi ba dapat ay matuwa siya at hindi masisira ang pamilya nila?

"Hindi ko maintindihan.." ani Tito Dom na napaatras at naitukod ang dalawang kamay sa malapit na lamesa. "Walang ibang lalaki si Perla."

Kumunot ang noo ko. "Tito, Ang sabi niyo po ay itinigil ninyo ang inyong relasyon kasi mali iyon at may mga tao kayong nasasaktan. Hindi niyo na po alam ang nangyayari sa buhay ni Mama pagkatapos ng lahat. Doon niya siguro nakilala ang Papa ko."

Muling umiling si Tito Dom na tila malalim ang iniisip.  Nasa ganoong sitwasyon siya ng iwan namin ni Samantha at Miko.

"Hindi ka ba nagtataka kung sino talaga ang Papa mo, Ven? If it's not tito Dom, then who? Hindi naman siguro nagsisinungaling si Tito dom nang sabihin niyang may relasyon sila ng Mama mo. I know him since I was a child and he is a man with principle. He is an honorable man. Kaya nga ng nalaman natin ang cheating issues niya ay tila ayokong maniwala."

Sumandal ako sa sandalan ng upuan at hinilot ang sentido. Nasa shotgun seat si Sam na nakaharap sa akin at si Miko naman ang nag da drive ng kotse niya.

Kung maaari, ayoko nang ungkatin ang tungkol sa Tatay ko. Nabuhay na naman ako nang wala siya. At kung buhay pa siya at nagsinungaling sa akin si Mama. So what? Hindi ko naman siya kinailangan. Buong buhay ko naniwala akong patay na ang ama ko.

"Ayoko nang alamin pa, Sam. Mukhang malabo na sa ngayon iyon."

"Kungsabagay.." hinagod ako ni Sam ng malungkot na tingin. "I just hope he'll find you if ever na buhay pa siya."

Kumunot ang noo ko. Twenty one years akong nabuhay na walang ama. Nakaya akong pag-aralin, pakainin, at buhayin ng aking ina. Bakit ko kakailanganin ang isang ama na kung buhay pa edi sana'y noon pa nagpakilala sa akin.

Mabuti pa si Tito Dom dahil kahit walang kasiguraduhan ay gusto akong panindigan bilang anak niya.

"Kung noon mo pa sinabi sa akin ay nagawan ko ng paraan.." ani Sandro na pagkadating ng hapon ay bumisita kaagad sa bahay.

Abot tenga ang ngiti niya kaya nakakasiguro akong ipinabatid na ni tito dom sa kanya ang resulta ng DNA test.

Ikinwento ko sa kanya na natanggal ako sa trabaho. Ang sinabi ko lang ay nagkasagutan kami ng boss ko, hindi ko na sinabi ang tunay na dahilan at baka kung ano pa ang gawin niya. Minsan kasi ay parang baliw din ang isang ito.

"Maghahanap na ako ng trabaho bukas."

"Sinabi ko sayong pwedi kang tumira sa bahay ko."

Tumaas ang kilay ko. "Baka mawalan ka ng mana kapag nag-uwi ka ng babae sa bahay ng mga magulang mo?"

Tinaasan din niya ako ng kilay. Nakaupo siya sa sofa habang ang parehong kamay ay nakadantay sa sandalan. Mayabang na pinagkrus niya ang mga binti. "Sinong nagsabi na sa mansiyon kita iuuwi? I have a house in Quezon, Bacolod, and Tabacalera. I also have a condo unit in BGC. You just need to decide for it."

Nalaglag ang panga ko. Oh. Bakit ngayon ko nga lang ba naisip. He was born with a silver spoon under his tongue. Mayaman ang angkang pinanggalingan. And now that he is earning money on his own, I know that he can bought a house anywhere convenient for him.

Waves of LifeWhere stories live. Discover now